backup og meta

Saan Ginagamit Ang Banaba, At Paano Ito Nakatutulong Sa Kalusugan?

Saan Ginagamit Ang Banaba, At Paano Ito Nakatutulong Sa Kalusugan?

Maraming taong nagtatanong kung para saan ginagamit ang banaba. Kung titingnan din ang mga halamang gamot – tulad ng banaba ay umiikot na sa early days of medicine pa lang. Bagama’t sa panahon ngayon, pinalitan ng synthetic medicine ang maraming mga halamang gamot. 

Mayroon pa ring lugar para sa mga halamang gamot pagdating sa kalusugan. Ang isang kilalang halaman ay tinatawag na Lagerstroemia speciosa, na mas kilala sa karaniwang pangalan nito, banaba. Ang Banaba ay sinasabing nakatutulong sa diabetes, mataas na presyon ng dugo, kolesterol, mga problema sa bato, at kahit na impeksyon sa ihi o UTI. 

Magbasa pa para matuto pa tungkol sa mga posibleng gamit at benepisyo ng banaba.

Saan Ginagamit Ang Banaba: Mga Gamit at Benepisyo

Ano ang Lagerstroemia speciosa o Banaba?

Ang halamang Banaba ay isang tree native sa Timog-silangang Asya. Ito’y malawak na kilala bilang isang katutubong lunas sa loob ng mga dekada. Na ang unang pag-aaral sa pananaliksik tungkol dito ay ginawa noong 1940.

Ito’y kilala bilang banaba sa Pilipinas. Ngunit tinutukoy din bilang crepe myrtle, pride of India, giant crape myrtle, at queen’s flower.

Karaniwang tumutubo ang Banaba sa mga tropikal na lugar. At maaaring umabot ng hanggang 40 hanggang 60 talampakan ang taas. May spread na humigit-kumulang 30 hanggang 40 talampakan.

Ang mga bulaklak nitong kulay lavender ay kilala sa kanilang kagandahan. Bukod pa rito, karaniwan para sa mga tao na magtanim ng mga puno ng banaba para sa tritment. Gayundin sa mga layuning pang-aesthetic.

Karaniwan, ang mga dahon ng Banaba ay ginagamit para sa mga layuning panggamot. Ito’y dahil naglalaman ito ng corosolic acid. Na maaaring makatulong sa pagpapababa ng mga antas ng asukal sa dugo.

Tingnan natin ang higit pang mga gamit at benepisyo ng Banaba.

Saan Ginagamit Ang Banaba: Diabetes

Sa loob ng mga dekada, isa sa mga gamit at benepisyo ng banaba. Bilang isang katutubong lunas sa diabetes. Pakuluan ang mga dahon o ilagay sa mainit na tubig. Inumin ito katulad ng pag-inom mo ng mainit na tsaa.

Sa mga araw na ito, ang dahon ng banaba sa anyong kapsula ay magagamit. Sinasabi na may mga naiulat na katulad na epekto ito sa mismong dahon ng banaba.

Ang pagiging epektibo ng banaba ay sinasabing dahil sa mataas na antas ng corosolic acid sa mga dahon nito. Ang corosolic acid ay isang kilalang anti-diabetic na kemikal.

Sinusuportahan ng ilang pag-aaral ang claim na ito. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagkuha ng banaba leaf extract ay humahantong sa pinabuting insulin sensitivity. Nakatutulong ito sa pagpapababa ng antas ng glucose sa dugo sa mga diabetic.

Ang bunga ng puno ng banaba ay nakatutulong din sa diabetes. Gayunpaman, ang mga dahon ay mas karaniwang ginagamit para sa layuning ito.

saan ginagamit ang banaba

Saan Ginagamit Ang Banaba: Para sa Pagbaba ng Timbang

Ang Banaba ay tinuturing din na pampababa ng timbang. Ang mga dahon ay pinaniniwalaan na makatutulong sa pagbabawas ng timbang. At maaari itong inumin bilang tsaa o inumin sa anyong kapsula.

Pinaniniwalaan na ang corosolic acid – ang aktibong sangkap ng banaba, ay nakatutulong na mapabuti ang metabolismo ng isang tao. Maaari itong magsulong ng pagbaba ng timbang sa tamang diyeta at ehersisyo.

Saan Ginagamit Ang Banaba: Para sa Urinary Tract Infections o UTI

Kabilang sa mga gamit at benepisyo ng banaba ay nakatutulong sa tritment ng UTI.

Ang mga dahon ng banaba ay ginagamit din minsan para gamutin ang mga impeksyon sa ihi. Ito ay dahil sa mga antioxidant at anti-microbial properties nito. Gayunpaman, mayroon lamang ito na maliit na katibayan. Walang konklusibong pag-aaral na ginawa tungkol sa paggamit ng dahon ng banaba para sa impeksyon sa ihi.

Ang mga bulaklak ng banaba ay ginagamit din minsan. Subalit hindi kasingdalas tulad sa mga dahon, bilang isang folk remedy. May antioxidant at anti-microbial properties ang mga bulaklak. Ang mga ito ay karaniwang pinakuluan sa tubig upang kunin ang mga kemikal sa bulaklak.

Ang balat ng Banaba ay ginagamit din ayon sa kaugalian. Para gamutin ang pananakit ng tiyan.

Mga Pag-iingat at Babala

Walang naiulat na epekto pagdating sa pag-inom ng dahon ng banaba bilang supplement para makatulong sa diabetes.

Gayunpaman, para sa mga buntis o nagpapasuso na ina, pinakamahusay na iwasan ang banaba. Ito’y dahil may kaunting pananaliksik tungkol sa mga epekto nito sa pagbubuntis o lactation.

Habang sinusuportahan ng ilang pag-aaral ang pag-aangkin na ang banaba ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar. Magandang ideya pa rin na makipag-usap sa’yong doktor tungkol dito.

Karaniwang hindi inirerekomenda ng mga doktor ang banaba bilang tanging tritment sa diabetes. Ngunit maaari itong makatulong sa pagma-manage ng sakit bilang supplement.

Dahil sa kakayahan nitong magpababa ng asukal sa dugo, ang banaba ay maaaring magdulot ng hypoglycemia o mababang blood sugar, na maaaring maging mapanganib.

Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang makipag-usap muna sa’yong physician. Kung nagpaplano kang gumamit ng banaba para sa mga layuning panggamot.

Mga indikasyon

Pagdating sa kung saan ginagamit ang banaba. Ang pinakamagandang bagay na dapat gawin ay sumangguni sa’yong physician.

Pinakamabuting masabi nila sa’yo kung okay lang na uminom ng banaba. Lalo na kung ikaw ay may diabetes, o may mataas na lebel ng blood sugar na gusto mong kontrolin.

Mahalaga ring malaman na habang ang dahon ng banaba ay maaaring gamitin bilang supplement o pantulong sa diabetes. Hindi dapat umasa dito bilang ang tanging paraan ng pamamahala ng blood sugar. Lalo na para sa mga taong matagal nang may diabetes.

Key Takeaways

Bagama’t kinikilala ng mga doktor ang bisa ng ilang mga herbal remedies. Maaaring mahirap malaman ang dosis ng mga kemikal at posibleng mga side effect na mayroon ang mga herbal remedies.

Nangangahulugan ito na kung minsan ay maaari silang gumawa ng higit na pinsala. Kaysa sa mabuti, lalo na kung ang isang tao ay nagse-self-medicating.

Habang ang mga gamit at benepisyo ng banaba ay marami. Palaging magandang ideya na talakayin muna ang anumang tritment sa’yong physician.

Matuto pa tungkol sa halamang gamot, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Management of Diabetes and Its Complications with Banaba (Lagerstroemia speciosa L.) and Corosolic Acid https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3468018/ Accessed April 29, 2021

MEDICINAL VALUE OF LAGERSTROEMIA SPECIOSA: AN UPDATED REVIEW Review Article https://www.researchgate.net/publication/335859185_MEDICINAL_VALUE_OF_LAGERSTROEMIA_SPECIOSA_AN_UPDATED_REVIEW_Review_Article Accessed April 29, 2021

Antidiabetes and Anti-obesity Activity of Lagerstroemia speciosa https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2176148/ Accessed April 29, 2021

Management of Diabetes and Its Complications with Banaba (Lagerstroemia speciosa L.) and Corosolic Acid https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3468018/ Accessed April 29, 2021

A REVIEW ON LAGERSTROEMIA SPECIOSA https://ijpsr.com/bft-article/a-review-on-lagerstroemia-speciosa/?view=fulltext Accessed April 29, 2021

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement