backup og meta

Para Saan Ang Tsaang Gubat At Ano Ang Benepisyo Nito Sa Kalusugan?

Para Saan Ang Tsaang Gubat At Ano Ang Benepisyo Nito Sa Kalusugan?

Para Saan Ang Tsaang Gubat?

Ang Tsaang Gubat, na may scientific name na Ehretia microphylla Lam, ay isang kilalang halaman na matatagpuan sa Pilipinas. Para saan ang Tsaang Gubat? Kilalang-kilala ito bilang halamang gamot at malawakang ginagamit kahit noong pang bago ito pormal na kilalanin ng Department of Health dahil sa napakaraming medicinal benefits. 

Sa traditional medicine, ang Tsaang Gubat ay ginagamit bilang “tea” upang isulong ang pangkalahatang kalusugan. Dagdag pa, ginagamit din ito bilang disinfectant habang nanganganak at pangmumog upang makaiwas sa pagkasira ng mga ngipin.

Sa ngayon, nakarehistro ang Tsaang Gubat sa ilalim ng Bureau of Food and Drugs Administration bilang epektibong halamang gamot. 

Paano Ito Gumagana?

Nakatuon ang mga benepisyo ng halamang gamot na Tsaang Gubat sa pagpapabuti ng digestive system. Narito ang mga potensyal na gamit nito: 

1. Nakatutulong ang Tsaang Gubat sa pagpawi ng sakit ng tiyan

Madalas, ang pamumulikat ng stomach muscles ang sanhi ng pananakit ng tiyan. Ang pamumulikat (spasms) ay muscular contractions kung saan pinipiga ang iyong muscles kaya’t sobrang sumasakit. Ang Tsaang Gubat ay may antispasmodic properties, kaya kapag kumonsumo nito, maaaring hihinto ang pamumulikat at mababawasan nang husto ang sakit.

2. Nakatutulong upang gamutin ang gastroenteritis 

Ang Gastroenteritis, kilala bilang “stomach flu” ay kadalasang nangyayari kapag nakakain ka ng kontaminadong pagkain. Inilalarawan ito bilang pamamaga ng tiyan (stomach) o ng mga bituka. Isa sa mga benepisyo ng halamang gamot na Tsaang Gubat ay ang anti-inflammatory property nito. Ang pag-inom ng Tsaang Gubat ay maaaring makatutulong upang mabawasan ang pamamaga at mawala ang mga sintomas ng Gastroenteritis. 

3. Pinapawi ng Tsaang Gubat ang mga sakit, gaya ng pagtatae at disenteriya

Ang pagtatae at disenteriya (impeksyon sa bituka) ay kadalasang nakikita sa hindi maayos na gastrointestinal movement, spasms, o motility. May taglay na antispasmodic properties ang Tsaang Gubat na makatutulong upang mahinto ang irregular na gastrointestinal movement. 

Mayroon ding antibacterial properties ang Tsaang Gubat dahil sa taglay nitong ethanol. Kung ang sanhi ng iyong pagtatae ay bacteria, makatutulong ang Tsaang Gubat sa paggamot ng microbial cause. 

4. Pwedeng gamitin bilang pangmumog (mouthwash)

Isa sa mga pinakakinikilalang benepisyo ng halamang gamot na Tsaang Gubat ay ang taglay nitong fluoride. Sa isang pag-aaral, uminom ng isang basong Tsaang Gubat ang mga estudyante araw-araw sa loob ng mahigit isang taon at napag-alamang napigilan nito ang pagkabulok ng ngipin. Sa Pilipinas, talamak ang paggamit nito bilang pangmumog. 

5. Maaari itong maging panlinis ng katawan at sugat

Ang antibacterial property ng Tsaang Gubat ang dahilan kung bakit maganda itong panlinis ng katawan at sugat. Hindi lang nito nililinis ang sugat, nakatutulong din ito sa pagpapagaling. Natuklasan pa nga ng isang pag-aaral na pinabibilis nito ang paggaling ng sugat. 

6. Maaaring makatulong ang Tsaang Gubat sa laban sa allergy

Isa pa rin sa mga benepisyo ng Tsaang Gubat ang anti-allergy properties nito. Sa isang pag-aaral, pinaghambing ang epekto ng loratadine at Tsaang Gubat sa pagpapagaling ng allergic rhinitis. Dito napatunayang pareho silang epektibo. 

Lumabas din sa resulta ng pag-aaral na puwedeng gawing pamalit ang Tsaang Gubat sa Loratadine, na isa nang matatag na commercial drug. Kung magpapalit ng gamot, mas mabuting kumonsulta sa iyong doktor.

Mga Pag-Iingat At Babala

Upang mapakinabangan nang ligtas at epektibo ang magandang mga benepisyo ng Tsaang Gubat, kailangan mong isaalang-alang ang mga sumusunod:

Bagaman bihirang mangyari, puwede kang magkaroon ng allergic reactions kapag nagpahid ka ng Tsaang Gubat sa iyong balat, gaya kapag ginamit mo ito bilang panlinis ng sugat.

Tulad ng kaso ng isa pang halamang gamot na Sambong, wala pang mga pag-aaral na magpapatunay na ligtas itong inumin ng mga buntis at nagpapasusong ina. 

Gaano Kaligtas Ang Halamang Gamot Na Ito?

Sa pangkalahatan, ligtas naman ang Tsaang Gubat kung iinumin sa inirerekomendang doses nito. Pinakamainam na kumonsulta sa iyong doktor.   

Mga Espesyal Na Pag-Iingat At Babala

Upang hindi magkaroon ng allergic reactions, subukang gawin ang quick skin test sa iyong galang-galang (wrist) o siko. 

Dahil hindi pa natutukoy kung ligtas bang gamitin ng mga buntis at nagpapasusong ina ang  Tsaang Gubat, pinakamabuti kung iiwasan muna ito.  

Side Effects And Interactions

Bagaman lubos na ipinapakilala ang mga benepisyo ng halamang gamot na Tsaang Gubat, wala pang masyadong tuklas hinggil side effects at reaksyon nito sa iba pang gamot. Mas mabuti pa ring mag-ingat, lalo na kung may sinusunod kang espesyal na diet o umiinom ng iba pang gamot.  

Interactions

Bagaman hindi pa lubusang napag-aaralan o nagagamit para sa commercial production ang mga benepisyo ng halamang gamot na Tsaang Gubat, ang Philippine Council for Health Research and Development ay nag-ulat na ang model patent ay naipagkaloob na at ang mga tagapagtaguyod nito ay naghahanap na ng pharmaceutical companies upang gumawa ng mga tableta ng Tsaang Gubat. 

Dosage

Ang mga sumusunod na form at dosage ay puwede. Kaunting paalala: ang mga mungkahing ito ay hindi dapat unahin o kaysa sa payo ng iyong doktor. 

Tea Bags Ng Tsaang Gubat

Available na ang mga ito para sa pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan. Ang ipinapayong paghahanda nito ay ihalo ang tsaa sa isang tasa ng mainit ng tubig sa loob ng 1 – 2 minuto. Uminom ng 1 tasang tsaa kada araw.

Sariwang Dahon Ng Tsaang Gubat

Upang makagawa ng iyong tsaa, hugasan ang dahon ng Tsaang Gubat gamit ang tubig. Tadtarin ang mga dahon hanggang sa magkaroon ka ng isang tasa nito. Pakuluan ang isang tasang dahon ng Tsaang Gubat sa dalawang tasang tubig na may katamtamang lakas ng apoy sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. 

Ano Ang Kadalasang Dami Ng Tsaang Gubat?

Puwede mong gamitin ang tsaa bilang pangmumog sa oras na lumamig ito. Para sa pagtatae, uminom ng 1 tasang tsaa tuwing 4 na oras. Upang gumanda ang pangkalahatang kalusugan, uminom ng 1 tasang tsaa bawat araw. 

Paano Ito Puwedeng Ikonsumo?

Puwedeng kainin ang Tsaang Gubat nang hilaw o sariwa sa salad, o puwedeng ibabad ang pinatuyong dahon nito sa mainit na tubig upang maging tsaa. 

Key Takeaways

Para saan ang Tsaang Gubat? Kilalang-kilala na ang mga benepisyo ng halamang gamot na Tsaang Gubat, lalo na ang tsaa nito na itinuturing na ligtas at epektibo sa paggamot ng ilang karamdaman. Ngunit marami pang mga pananaliksik ang kailangan upang maunawaan ang mas marami pa nitong benepisyo.

Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

(PDF) Ehretia Microphylla (Tsaang Gubat) versus Loratadine as treatment for allergic rhinitis: A randomized controlled trial. (n.d.). Retrieved 24 April2020, from https://www.researchgate.net/publication/323077129_Ehretia_Microphylla_Tsaang_Gubat_versus_Loratadine_as_Treatment_for_Allergic_Rhinitis_A_Randomized_Controlled_Trial

Antibacterial activities of ethanol extracts of Philippine medicinal plants against multidrug-resistant bacteria. (n.d.). Retrieved April 24, 2020, from https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2221169115000854

Desiree Ann Cantos. (2019, October 23). Tsaang Gubat for biliary and intestinal colic pains. Retrieved April 24, 2020, from https://pchrd.dost.gov.ph/index.php/programs-and-services/create-article/6497-tsaang-gubat-for-biliary-and-intestinal-colic-pains

Evaluation of wound healing activity of the plant Carmona retusa ( Vahl ) Masam . , in mice. ( 1). Retrieved April 24, 2020, from https://www.semanticscholar.org/paper/Evaluation-of-wound-healing-activity-of-the-plant-(-Mageswari-Karpagam/2030634ae6eb6b44cf335074c87b91d1b6947e06

IL, P. (n.d.). Caries preventive effect of wild tea (tsaang-gubat) among school children. – PubMed – NCBI. Retrieved April 24, 2020, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/9462048

Tsaang Gubat / Wild tea (Ehretia microphylla lam.). (n.d.). Retrieved April 24, 2020, from https://www.philippineherbalmedicine.org/tsaang_gubat.htm

Viral gastroenteritis (stomach flu) – Symptoms and causes. (2018, October 16). Retrieved April 24, 2020, from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/viral-gastroenteritis/symptoms-causes/syc-20378847

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement