Mahalagang malaman ang mga natural na supplement sa arthritis. Dahil habang ikaw ay tumatanda – ang iyong mga kasukasuan ay malamang na magdusa dahil sa pagkasira nito. Ang kondisyong ito ay tinatawag na arthritis. Bagama’t may mga therapies at gamot na available sa komersyo. May mga natural na supplement din para sa arthritis. Ang mga ito ay ginamit sa loob ng maraming taon na may mahusay na tagumpay.
Bago matutunan ang tungkol sa mga paraan para mapawi ang arthritis, mahalagang malaman ang higit pa tungkol sa kung ano ito at kung paano ito nakakaapekto sa katawan.
Ano ang Arthritis?
Ang terminong “arthritis” ay maaaring tumukoy sa mga kondisyon na pangunahing nakaaapekto sa’yong mga kasukasuan. Sa pangkalahatan, ang arthritis ay ang pamamaga ng isa o higit pa sa’yong mga kasukasuan.
Ang mga kasukasuan ay karaniwang matatagpuan sa pagitan ng mga buto. Para ang katawan ng tao ay makagawa ng mas malawak na hanay ng paggalaw. Kung walang mga kasukasuan, hindi mo mabaluktot ang iyong siko o tuhod.
Kapag ang isang tao ay may arthritis. Maaaring magkaroon ng pananakit na nauugnay sa mga paggalaw na kinasasangkutan ng paggamit ng mga kasukasuan.
Kahit na ang arthritis ay maaaring makaapekto sa lahat ng edad. ito ay pinaka-karaniwan sa mga nasa 40 taong gulang at mas matanda. Ipinapakita ng data na mas nasa risk kang magkaroon ng arthritis kung ikaw ay isang babae. O kung ikaw ay isang taong may mga miyembro ng pamilya na dumaranas ng arthritis.
Ano ang Sanhi ng Arthritis?
Ang sanhi ng arthritis ay depende sa mga uri ng arthritis na nakakaapekto sa mga joints sa iba’t ibang paraan. Ang dalawang pangunahing uri ng arthritis ay ang mga sumusunod:
Osteoarthritis
Ang Osteoarthritis (OA), o kung minsan ay tinatawag bilang “wear and tear arthritis,” pangunahing nakakaapekto ito sa cartilage sa dulo ng mga buto. Kung saan nabubuo ang mga joints. Ang mga sira na kartilago ay maaaring maging sanhi ng direktang pagkuskos ng mga buto sa isa’t isa habang kumikilos. Na maaaring magdulot ng pananakit at paninigas. Ang mga kasukasuan na pinaka-prone sa osteoarthritis ay ang leeg at ibabang likod, mga kamay, tuhod, at balakang.
Rayuma
Ang rheumatoid arthritis (RA) ay isang autoimmune disorder, na nangangahulugan na inaatake ng immune system ng iyong katawan ang sarili mong mga tissue. Kapag ang isang tao ay may RA, inaatake ng kanilang immune system ang lining ng mga kasukasuan. Sa paglipas ng panahon, maaari itong maging sanhi ng deformity ng mga joints o kahit na pagguho ng buto.
Ang katangian ng RA ay ang matagal na stiffness sa umaga. Na maaaring tumagal ng ilang oras o sa buong araw. Ang dahilan kung bakit ang RA ay isang partikular na malubhang anyo ng arthritis ay dahil maaari itong makaapekto sa iba pang mga sistema ng katawan. Tulad ng balat, mga daluyan ng dugo, baga, o kahit na ang puso.
Natural na supplement sa arthritis at Natural Remedies
Mayroong iba’t ibang tritment na magagamit para sa arthritis. Tulad ng mga painkiller, nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), at corticosteroids. Ang mga gamot na ito ay nakatutulong na mapabuti ang mga sintomas na dulot ng arthritis. Nakakatulong din ito na maiwasan ang anumang karagdagang pinsala sa mga kasukasuan. Gayunpaman, ang pananaliksik ay ginawa sa mga alternatibong gamot para sa arthritis, na kinabibilangan ng paggamit ng natural na supplement sa arthritis.
Mahalagang tandaan na ang mga natural remedies ay dapat inumin ng katamtaman. At hindi dapat maging kapalit ng gamot na inireseta ng iyong physician. Kung talagang determinado kang sumubok ng halamang gamot para sa pananakit ng arthritis. Siguraduhing kumunsulta sa’yong doktor tungkol sa kaligtasan nito na gagamitin kasama ng iba mo pang gamot.
Omega-3
Ang mga omega-3 fatty acid ay isang uri ng taba na hindi kayang gawin ng katawan nang mag-isa. At kailangang magmula sa mga sources tulad ng mga pagkain na ating kinakain. Ang ganitong uri ng fatty acid ay may mahalagang papel sa pagtulong sa mga cell na lumikha ng mga hormone. Na kumokontrol sa mahahalagang function ng katawan tulad ng pamamaga o inflammation.
Ipinakita ng mga pag-aaral na ang Omega-3 ay may malaking epekto sa mga taong dumaranas ng arthritis. Ang mga taong dumaranas ng rheumatoid arthritis ay nag-ulat na nabawasan ang dami ng pananakit ng kasukasuan. Kapag umiinom sila ng mga suplementong Omega-3. Ang ilang mga pasyente ay nag-ulat din na ang mga suplementong Omega-3 ay nakatulong na mapababa ang dosis ng mga NSAID na kailangan nilang inumin.
Indian Frankincense (Boswellia)
Sinuri din ng mga pag-aaral kung paano maaaring maging isa ang Boswellia o Indian Frankincense sa mga potensyal na natural na supplement sa arthritis. Ang katas ng halaman na ito ay tumutulong sa pagpapagaan ng sakit sa arthritis. Sa pamamagitan ng pagpigil sa paggawa ng mga sangkap na nagdudulot ng pamamaga sa katawan.
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang mga taong may arthritis na uminom ng Indian Frankincense ay nagpakita ng improvement sa arthritis pain at stiffness sa loob lamang ng isang linggo. Gayunpaman, higit pang pananaliksik ang kailangan para patunayan ang pagiging epektibo nito. Bilang isang natural na supplement sa arthritis.
Natural na supplement sa arthritis: Turmerik
Ang turmerik ay ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkaing tulad ng curry at para sa mga inumin tulad ng tsaa. Gayunpaman, ang turmerik ay maaari ding maging dietary supplement na makakatulong sa pagpapagaan ng mga sintomas nauugnay sa arthritis. Tulad ng pamamaga. Ang turmerik ay nakuha mula sa isang halaman na tinatawag na “curcuma along,” na naglalaman ng mga curcominoid na maaaring makatulong. Sa pagpapagaan ng pamamaga sa mga kasukasuan na dulot ng arthritis.
Iniugnay ng mga pag-aaral na ang turmerik ay isang epektibong tritment. Para sa mga sintomas na partikular sa osteoarthritis. May ilang mga pasyente na nag-uulat na nabawasan ang pananakit nila pagkatapos ng anim na linggo ng pag-inom ng turmerik.
Natural na supplement sa arthritis: Berdeng tsaa o Green Tea
Isa itong karaniwang inumin sa Timog-silangang Asya. Ang green tea ay itinuturing na isang malakas na inuming panggamot. Nag-aalok ng maraming benepisyo. Ito’y kilala sa pagiging antioxidant at makatutulong na maiwasan ang cancer. At iba pang cardiovascular disease. Para sa arthritis, maaari itong gamitin para sa anti-inflammatory treatment. Bagama’t maaari itong maging sanhi ng pangangati ng tiyan sa ilang mga indibidwal. Para naman sa karamihan, ito ay ligtas na inumin – hanggang tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.
Natural na supplement sa arthritis: Chili pepper
Ang chilli pepper ay hindi lamang nagbibigay-buhay sa dishes. Dahil sa capsaicin, ang kemikal sa chilli pepper na responsable sa “init,” ay ginagamit para mapawi ang sakit. At bilang isang anti-inflammatory. Ito’y karaniwang hindi ginagamit na ito lamang. Sa halip, ito ay hinahalo sa iba pang natural na anti-arthritic treatment.
Iba pang Mga Paraan para Pangasiwaan ang Arthritis
Sa ilang mga kaso, imposibleng maiwasan ang arthritis. Kung ikaw ay kasalukuyang nagdurusa sa arthritis. May ilang simple ngunit epektibong paraan para ma-manage ang iyong sakit. Ang pagsasama ng pisikal na aktibidad sa’yong pang-araw-araw na buhay. Tulad ng paglalakad o paglangoy ay may epekto na maaaring makatulong. Sa pagpapagaan ng anumang discomfort.
Gayunpaman, mag-ingat sa pag-eehersisyo. Dahil ang ilang paggalaw ay maaaring magpalala ng pananakit ng arthritis.
Ang pagpapanatili ng malusog na timbang ay mahalaga din para sa mga taong may arthritis. Ang sobrang timbang ay maaaring magpapataas ng stress sa mga kasukasuan. Lalo na sa mga tuhod at balakang. Ang iba pang lifestyle tulad ng paninigarilyo ay maaari ring magpapataas ng stress sa mga connective tissue na maaaring magpalala ng sakit sa arthritis.
Key Takeaways
Maaaring pigilan ka ng arthritis na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. Bukod sa gamot na inireseta sa’yo ng iyong doktor, ang pag-inom ng natural na dietary supplement ay maaaring makatulong sa pagpapagaan ng anumang discomfort o sakit na dulot ng arthritis. Para sa karagdagang impormasyon sa’yong mga opsyon tungkol sa herbal na gamot. Palaging pinakamahusay na kumunsulta sa’yong doktor.
Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.