backup og meta

Katakataka o Kalanchoe Pinnata: Ano Ang Benepisyo Ng Halamang Gamot Na Ito?

Katakataka o Kalanchoe Pinnata: Ano Ang Benepisyo Ng Halamang Gamot Na Ito?

Ang medicinal uses ng Kalanchoe pinnata ay kinikilala sa industriya ng halamang gamot sa loob ng maraming taon. Tinatawag din na katakataka, ang makatas na perennial plant na ito ay karaniwang ginagamit para gamutin ang mga sugat at mga minor na sakit.

Mga Gamit

Para sa mga medicinal use ng kalanchoe pinnata, ang mga aktibong sangkap ng katakataka ay pinaniniwalaang may antibacterial, anti-inflammatory, antiviral, at antifungal na katangian para sa paggamot ng ilang mga health condition.

Ang mga dahon ng halamang Katatakaka ay maaaring gamitin bilang topical treatment para sa mga sugat at iba pang panlabas na impeksyon. Sinasabi pa nga ng ilan na ang mga buto ay may analgesic properties.

Nakakatulong din ito sa ubo, arthritis, hypertension at pananakit ng ulo.

Mayroon ding patuloy na pananaliksik na nag-uugnay sa katakataka bilang panlunas sa mga bato sa bato, mga sakit sa atay, altapresyon at mga problema sa ihi.

Inirerekomenda namin ang pagkonsulta sa iyong doktor bago gamitin ang katakataka bilang alternatibong herbal o pampalakas na gamot.

Mga Pag-Iingat At Babala

Ang mga paghahanda ng halamang gamot ay may iba’t ibang mga regulasyon kaysa sa mga nakasanayang gamot, ngunit kailangan mong magkaroon ng kaalaman upang masulit ang paggamit ng halamang ito. Tandaan na ang mga benepisyo ay dapat laging mas mabigat kaysa sa anumang panganib bago gamitin. Siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor para sa mga panggamot ng kalanchoe pinnata, at lalo na kung:

  • Ikaw ay reactive sa herbal na gamot o alinman sa mga sangkap ng halamang katakataka.
  • Buntis o nagpapasuso. Uminom lamang ng gamot ayon sa rekomendasyon ng iyong doktor.
  • Iwasan ang pag-inom ng anumang uri ng gamot na maaaring mag-trigger ng hindi kanais-nais na tugon ng katawan. 
  • May iba pang malubhang sakit o kondisyong medikal.

Ang ilang mga kontraindikasyon para sa medicinal na gamit ng Kalanchoe pinnata

  • Huwag gamitin ito kung ikaw ay buntis, maliban kung mayroon kang go signal ng iyong doktor. 
  • Walang karagdagang impormasyon tungkol sa mga epekto ng halaman sa pagbubuntis. 
  • Ang susi dito ay ang dagdag na pangangalaga, lalo na para sa iyong hindi pa isinisilang na anak. 
  • Kung ikaw ay nagpapasuso, huwag gumamit. Humingi muna ng payo sa iyong doktor.
  • Huwag gamitin ito kung mahina ang immune system mo o umiinom ka ng gamot na maaaring magpapahina sa iyong immunity. Ang katakataka ay naglalaman ng immune-modulating o suppressing properties.
  • Kung mayroon kang mga isyu sa puso o dumaranas ng ilang partikular na kondisyon sa puso, huwag gumamit ng hindi kumukunsulta sa iyong doktor. 
  • Maaaring magdulot ng intoxication ang labis na paggamit.

Gaano Kaligtas Ang Katakataka?

Walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng Kalanchoe pinnata sa gamot, lalo na kapag kinain. Bilang pag-iingat sa kaligtasan, inirerekomenda namin na humingi ka ng payo ng iyong doktor bago ito gamitin.

kalanchoe pinnata

Side Effects At Interactions

Narito ang ilang espesyal na pag-iingat at babala sa paggamit ng katakataka.

Side Effects:

  • Ang labis na paggamit ay maaaring magresulta sa mga nakakalasing na reaksyon. 
  • Maaaring naglalaman ito ng mga sangkap na maaaring magdulot ng iba’t ibang allergic reaction. 
  • Para sa mga buntis at nagpapasusong ina, gamitin ng may labis na pag-iingat. 
  • Palaging humingi ng payo sa iyong doktor bago ito gamitin.

Ang mga side effect na ito ay hindi eksklusibo. Kung mayroon kang iba pang mga alalahanin o kasalukuyang umiinom ng gamot, kumunsulta sa iyong doktor.

Anong Mga Interaction Ang Maaaring Mayroon Ako Sa Medicinal Uses Ng Kalanchoe pinnata?

Ang katakataka ay maaaring magkaroon ng adverse interaction sa iyong pang-araw-araw na gamot o kasalukuyang health condition. Bago ito, kumunsulta muna sa iyong doktor.

  • Kung kasalukuyan kang umiinom ng mga anti-depressant na gamot, tanungin ang iyong doktor bago ito gamitin. Ang katakataka ay may mga katangian na maaaring palakasin ang CNS depressant na gamot.
  • Maaari nitong baguhin ang mga epekto ng mga immunosuppressant.
  • Ang Katataka at mga kaugnay na species ng halaman ay naglalaman ng isang substance na tinatawag na bufadienolide, isang cardiac glycoside na maaaring magdulot ng toxicity kung ito ay makain ng marami o overdose. Maaari itong magkaroon ng additive effect sa mga cardioactive na gamot tulad ng digitoxin at digoxin. Ang mga sintomas ng overdose ay kinabibilangan ng pagduduwal, pagsusuka, hindi magkakaugnay na paggalaw (ataxia) at hindi regular na tibok ng puso (arrhythmias).
  • Maaari nitong mapataas ang mga epekto ng barbiturates.

Dosage

Ang dose sa paggamit ng halamang katakataka ay nag-iiba depende sa iyong kalusugan at edad, bukod sa iba pang mga konsiderasyon. Bagama’t ang karamihan sa mga halamang gamot ay maaaring ligtas na gamitin, ang mga reaksyon ng iyong katawan ay maaaring iba sa ibang mga tao. Laging ipinapayong kumunsulta sa iyong doktor bago gamitin ang alternatibong herbal na ito.

  • Para sa pag-alis ng styes sa mata, initin ang dahon ng katakataka at ilagay ito sa apektadong bahagi ng mata nang 1 minuto hindi bababa sa 3 beses araw-araw.
  • Painitin ang mga dahon ng katakataka at ilagay sa noo ng humigit-kumulang 10 minuto para sa sakit ng ulo,.
  • Sa pananakit ng likod o kasukasuan, painitin ang mga dahon at ilagay sa apektadong bahagi hanggang sa mawala ang pananakit.
  • Kung paggamot sa sprains, paso at impeksyon, dikdikin ang sariwang dahon ng katakataka at ilapat sa apektadong lugar.
  • Ang mga dahon ng Katakataka, sa mga katangiang antiviral nito ay pinakukuluan para gawing mainit na inumin para sa mga may trangkaso o sipon
  • Para sa pamamaga ng paa, ibabad ang iyong mga paa sa maligamgam na tubig na may mga dahon ng katakataka.

Ano Ang Anyo Ng Katakakata?

Ang halamang halamang katakataka ay madaling makuha sa hilaw na anyo nito, na kadalasang ginagamit ang mga dahon.

Para sa medicinal uses ng Kalanchoe pinnata, maaari kang gumamit ng sariwang dahon ng katakataka para sa pag-alis ng pananakit ng likod, pananakit ng ulo, at stye.

Maaari mo ring dikdikin ang mga dahon ng katakataka at ilapat ito bilang pantapal para sa mga impeksyon, paso, eksema, at iba pang kondisyon ng balat.

Key Takeaways

Tulad ng anumang iba pang herbal na gamot, mag-ingat kapag gumagamit ng katakataka, lalo na kung may iba ka pang pinagbabatayang kondisyon sa kalusugan. Sulitin ang medicinal uses ng Kalanchoe pinnata sa pamamagitan ng pagkonsulta sa iyong doktor bago ito gamitin.

Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Miracle Plant – Kalanchoe Pinnata, https://www.researchgate.net/publication/268347927_The_miracle_plant_Kalanchoe_pinnata_A_phytochemical_and_pharmacological_review, Accessed May 8, 2020

Kalanchoe Pinnata, http://www.herdin.ph/index.php/partners?view=research&cid=52752, Accessed May 8, 2020

Antibacterial property of the malic acid from the leaves of Katakataka (Kalanchoe pinnata, Lam., Fam. Crassulaceae), https://agris.fao.org/agris-search/search.do?recordID=PH1999100838, Accessed May 8, 2020

Katakataka, http://www.stuartxchange.org/Katakataka, Accessed May 8, 2020

Immunomodulating and Revascularizing Activity of Kalanchoe pinnata Synergize with Fungicide Activity of Biogenic Peptide Cecropin P1, https://www.hindawi.com/journals/jir/2017/3940743/, Accessed September 14, 2021

Kalanchoe pinnata (cathedral bells), https://www.cabi.org/isc/datasheet/29328, Accessed September 14, 2021

https://www.cabi.org/isc/datasheet/29328

Kasalukuyang Version

12/19/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement