backup og meta

Halamang Gamot Sa Pamamaga Ng Kamay, Ano Ba Ang Mabisa?

Halamang Gamot Sa Pamamaga Ng Kamay, Ano Ba Ang Mabisa?

Ang mga kamay ang isa sa mga parte ng katawan na kadalasan ginagamit sa pangaraw-araw. At habang tumatanda ka, napapansin mo na unti-unti itong namamaga dahilan para ikaw ay mangamba tungkol dito. Ano-ano ang mga halamang gamot sa pamamaga ng kamay na pwede mong gamitin? Alamin dito.

Pamamaga Ng Kamay, Ang Pagpapaliwanag

Madalas na tinutukoy bilang arthritis ang pananakit at pamamaga ng mga tissue sa iyong kasukasuhan. At dahil maraming kasusuhan na matatagpuan sa iyong kamay, ito ay karaniwang lugar ng naturang kondisyon. 

Ang arthritis sa kamay ay nagdudulot ng pananakit at pamamaga, paninigas, at deformity. Habang tumatagal at umuunlad ito, nakaapekto ito sa iyong paggawa ng mga pangaraw-araw na gawain.

Mayroong iba’t ibang uri ng arthritis na maaaring mangyari sa mga kamay:

  • Rheumatoid arthritis. Ito ay isang chronic inflammatory autoimmune disease na nagiging sanhi ng pamamaga ng joint lining. Dahil dito, nagdudulot ito ng pananakit, paninigas, maging pagkawala ng pagkilos.  
  • Osteoarthritis. Ang osteoarthritis ay ang pinakakaraniwang uri na kinikilala rin bilang “wear and tear” o degenerative arthritis. Ito ay maaaring sanhi ng normal na paggamit ng kamay o maaari itong mangyari pagkatapos ng isang pinsala. Ang naturang uri ay kadalasang nabubuo sa isa sa 3 lugar: ang base ng hinlalaki, sa dulong joint na pinakamalapit sa dulo ng daliri, o sa gitnang joint ng isang daliri.
  • Psoriatic arthritis. Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, naaapektuhan ang parehong balat at mga kasukasuhan. Ito ay nagdudulot ng pamamaga sa iyong mga daliri. Higit pa rito, makakaramdam ka rin ng pananakit ng kasukasuhan at paninigas sa umaga. Sa maraming kaso, ito ay naihahalintulad sa naunang uri, ang rheumatoid arthritis. Gayunpaman, maaari lamang itong mangyari sa ilang mga daliri.

Nakadepende ang mga opsyon sa paggamot sa uri ng arthritis, yugto ng arthritis, kung gaano karaming mga kasukasuan ang apektado, edad, antas ng aktibidad, ang kamay na apektado (kung ito ang dominant na kamay), at iba pang umiiral na kondisyong medikal. Ikinokonsidera ng ilan ng mga halamang gamot sa pamamaga ng kamay upang ang mga sintomas na nararamdaman. 

Mga Halamang Gamot na Maaaring Makatulong sa Pamamaga ng Kamay

Sa kabila ng mga bago at mas epektibong paraan ng paggamot, maraming mga pasyente na may arthritis ang binabaling ang kanilang mga atensyon sa mga herbal na gamot at iba pang “natural” remedy sa paniniwalang ang mga ito ay mabisa at mas ligtas kumpara sa mga karaniwang gamot. Narito ang ilang mga halamang gamot na maaaaring makatulong sa sa pamamaga ng kamay na maaari mong gamitin:

Luya

Nangunguna sa listahan ang isang sangkap na madalas na nakikita sa kusina ng maraming mga Pinoy, ang luya. 

Natuklasan sa mga pag-aaral na ang mga ito ay mayroong mga anti-inflammatory properties na mainam para sa arthritis. Bukod pa rito, naniniwala ang mga mananaliksik na posible itong maging alternatibo sa mga nonsteroidal inflammatory drugs (NSAID). Sumasang-ayon din ang mga may-akda na sa hinaharap, ang mga sangkap sa luya ay maaaring maging batayan ng isang pharmaceutical arthritis para sa rheumatoid arthritis. Hindi lamang ito makakatulong na pamahalaan ang mga sintomas ngunit makatutulong din na maiwasan ang pagkasira ng buto.

Green Tea

Alam mo ba na kabilang ang green tea sa mga halamang gamot sa pamamaga ng kamay? Ang inuming ito ay naglalaman ng natural antioxidant na tinatawag na epigallocatechin-3-gallate (EGCG). Sinasabing nakatutulong ang sangkap na ito upang mapahinto ang paggawa ng ilang mga inflammatory chemicals sa katawan, kabilang ang mga nasasangkot sa arthritis. Iminumungkahi din ng mga bagong pag-aaral na maaaring pigilan ng EGCG ang pagkasira ng cartilage. Dahil dito, napapanatili ang pagtagal ng mga joints.

Turmeric

Ang turmeric ay isang dilaw na pulbos na maituturing na halamang gamot sa pamamaga ng kamay. Karaniwan itong ginagamit bilang pandagdag ng lasa at kulay sa mga pagkain at inumin tulad ng tsaa. 

Ang pangunahing sangkap nito na tinatawag na curcumin ay may mga anti-inflammatory properties. Ang naturang sangkap ay matagal ng gingamit sa traditional Ayurvedic at Chinese medicine.

Mayroong iba’t ibang paraan upang magamit ang mga halamang gamot na ito. Maaaring gamitin sa anyo ng tableta at kapsula, infusions at mga tsaa, mga extracts at tinctures. O kaya naman herbal na sangkap para sa pagluluto. Makatutulong din ang paggamit ng mga ito bilang mga creams, gels, o iba pang mga pamahid na makakaibsan ng pamamaga

Key Takeaways

Ang pamamaga ng kamay ay isang karaniwang kondisyon na maaaring mangyari sa iyo lalo na kapag tumatanda. Kung nakararamdam ka na ng panankit at pamamaga ng kamay, maaaring makatulong ang ilang mga halamang gamot na nabanggit upang maibsan at maiwasan ang paglala nito. Ngunit, mainam pa rin na kausapin ang iyong doktor upang masuri at magamot ito nang maayos. 

Alamin ang iba pa tungkol sa mga Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Arthritis of the Hand, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7082-arthritis-of-the-wrist-and-hand, Accessed July 5, 2022

Hand Pain and Problems, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hand-pain-and-problems#:~:text=Arthritis%20is%20joint%20inflammation%20and,hand%20can%20be%20very%20painful.&text=Rheumatoid%20arthritis%2C%20a%20condition%20that,of%20the%20wrist%20and%20fingers, Accessed July 5, 2022

Efficacy of Turmeric Extracts and Curcumin for Alleviating the Symptoms of Joint Arthritis: A Systematic Review and Meta-Analysis of Randomized Clinical Trials – James W. Daily, Mini Yang, and Sunmin Park, https://www.liebertpub.com/doi/full/10.1089/jmf.2016.3705, Accessed July 5, 2022

Anti-inflammatory effects of the essential oils of ginger (Zingiber officinale Roscoe) in experimental rheumatoid arthritis – Janet L.Funk, Jennifer B. Frye, Janice N. Oyarzo, Jianling Chen, Huaping Zhang, Barbara N. Timmermann, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S2213434416300056, Accessed July 5, 2022

Zingiber officinale: A Potential Plant against Rheumatoid Arthritis – Abdullah Al-Nahain, Rownak Jahan, and Mohammed Rahmatullah – https://www.hindawi.com/journals/arthritis/2014/159089/, Accessed July 5, 2022

Health Benefits of Ginger for Arthritis, http://blog.arthritis.org/living-with-arthritis/health-benefits-of-ginger/, Accessed July 5, 2022

Herbal Remedies, Supplements & Acupuncture for Arthritis, https://www.rheumatology.org/i-am-a/patient-caregiver/treatments/herbal-remedies-supplements-acupuncture-for-arthritis, Accessed July 5, 2022

Seven Foods to Help You Fight Arthritis, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/musculoskeletal-and-rheumatology/2018/may/seven-foods-to-help-you-fight-arthritis, Accessed July 5, 2022

5 Ways to Take Herbs and Supplements for Arthritis, https://www.arthritis.org/health-wellness/treatment/complementary-therapies/supplements-and-vitamins/5-ways-to-take-herbs-and-supplements-for-arthritis, Accessed July 5, 2022

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Natural Na Supplement Sa Arthritis, Ano Nga Ba? Alamin Dito!

Ano Ang Arthritis? Heto Ang Lahat Ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement