backup og meta

Halamang Gamot para sa Diarrhea: Heto ang Dapat mong Subukan

Halamang Gamot para sa Diarrhea: Heto ang Dapat mong Subukan

Habang ang gastrointestinal na kondisyon tulad ng Irritable Bowel Syndrome, ulcer at GERD ay magkaiba ng nature, marami sa mga ito ay sanhi ng karaniwang sintomas tulad ng constipation at diarrhea. Ano ang maaari kong inumin upang huminto ang diarrhea? Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang halamang gamot para sa diarrhea at ugnayan ng iba’t ibang gastrointestinal na sakit.

Ano ang Maaari kong Inumin upang Huminto ang Diarrhea?

Narito ang mga pangunahing halamang gamot na posibleng makatulong para sa diarrhea at iba pang gastrointestinal na sakit:

Peppermint

Ang peppermint ay marahil na pinaka karaniwan na halamang gamot para sa diarrhea, lalo na sa kondisyon na IBS o Irritable Bowel Syndrome.

Ilang mga senyales at sintomas ng IBS ay kabilang ang:

Kung ikaw ay may diarrhea, maaari kang makaranas ng sakit sa tiyan. Dito maaaring nakatutulong ang peppermint.

Sa isang pag-aaral, napag-alaman na ang peppermint oil ay nakababawas ng sakit sa tiyan sa diarrhea-predominant IBS dahil sa nilalaman nitong menthol, na may malamig at nakapapawi na epekto. Mahalaga na tandaan na bagaman ligtas na inumin ang peppermint na tsaa (gawa sa pinakuluang dahon), ang pag-aaral ay nakasentro sa pagkonsumo ng peppermint oil sa porma ng capsule.

Tandaan:

Laging kausapin ang iyong physician bago gamitin ang peppermint na halamang gamot para sa diarrhea. Kahit na madalang, maaaring meron itong side effects, lalo na kung ikaw ay umiinom ng mga gamot o may kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.

Artichoke

Ang artichoke ay magandang itsura ng halaman na kadalasang kinokonsiderang gulay, ito ay kinonsiderang isa sa mga pinakamahusay na halamang gamot upang mapabuti ang digestion.

Hindi lamang ito puno ng fiber, pati rin inulin – isa partikular na nilalaman ng fiber – umaakto rin na prebiotic na mainam para sa kalusugan ng tiyan. Dahil ito ay nakatutulong nang marami sa ating digestive health, maaari mong ikonsidera ang artichoke na mainam na halamang gamot para sa diarrhea.

Sa isang pag-aaral, 208 na mga tao ang nakararanas ng IBS na binigyan ng 1-2 capsules ng dahon ng artichoke na kinonsumo kada araw sa loob ng 2 buwan. Sila ay nag-ulat na ang mga sintomas (kabilang na ang diarrhea) ay nabawasan ng 26% at ang kalidad ng kanilang buhay ay napabuti ng 20%.

Maliban sa mga benepisyo sa digestive, ang artichokes ay maaari ding mainam sa:

  • Pagbawas ng masamang cholesterol
  • Pagtaas ng mabuting cholesterol
  • Mapabuti ang kalusugan ng atay
  • Nagpapababa ng lebel ng blood sugar

Tandaan:

Kung ikaw ay kokonsumo ng artichokes bilang pagkain, ito ay ligtas sa pangkalahatan. Gayunpaman, maging maingat dahil maaaring magkaroon ng allergic reactions kung ikaw ay may allergy sa mga halaman tulad ng marigolds at daisies. Maging tiyak na mag-ingat kung ikaw ay mag-extract ng dahon ng artichoke (sa capsules) bilang halamang gamot para sa diarrhea at IBS.

Huwag kalimutan na kausapin ang iyong physician bago magsimula ng kahit na anong lunas na kaugnay ng halamang ito.

Green Tea

Isa pang mainam na green tea upang mahinto ang diarrhea ay ang green tea. Ayon sa naitala, ito ay may mahabang kasaysayan sa pagtulong na malunasan at i-manage hindi lamang ang diarrhea, maging ang infections na sanhi ng Helicobacter pylori. Sa tipikal, ang H. pylori ay infection na sanhi ng pagkahilo, sakit sa tiyan, at bloating.

Maliban sa pagiging mahusay nito sa pagtulong sa panunaw, ang green tea ay maaari ding potensyal na:

Makatulong na mapigilan ang ilang mga uri ng cancer dahil sa taas ng antioxidant content

Nakatutulong na maprotektahan ang brain cells mula sa mga sakit tulad ng Parkinson’s at Alzheimer na Sakit

Mabawasan ang lebel ng masamang cholesterol

Maging epektibong agent para sa pagbawas ng timbang

Tandaan:

Dahil ang green tea ay malawak na nabibili sa komersyal, hindi mahirap na bumili nito. Ito ay posibleng ligtas kung ikokonsumo na may moderasyon. Gayunpaman, pakiusap na tandaan na maaari pa rin itong mag sanhi ng side effects tulad ng sakit sa ulo, pagkahilo, at hindi regular na heartbeat.

Chamomile

Ang chamomile ay isa sa mga kinakailangan na halaman para sa masakit na tiyan. Ito ay nakatutulong sa:

  • Diverticulitis
  • Ulcers
  • Irritable Bowel Syndrome
  • Indigestion
  • Gastritis
  • Colic acid

Mainam din ang chamomile na halamang gamot para sa diarrhea at nakatutulong ito magpakalma ng nerves, kaya’t maraming mga tao ang umiinom nito upang makatulong sa pagtulog.

Maaari mong ihanda ang chamomile bilang tsaa. Upang gawin, kailangan mo ng sariwang bulaklak o kahit na tuyo. Maghanda ng 8 ounces ng tubig. Maaari mong gamitin ang 4 na kutsara ng sariwang bulaklak, o 2 kutsara ng tuyong bersyon nito. Hayaan ang bulaklak na nakababad sa mainit na tubig ng 5 minuto bago isalin sa teacup. Salain muna ang bulaklak bago isalin.

Tandaan:

Ang chamomile na tsaa ay ligtas sa pangkalahatan, liban na lamang kung ikaw ay allergic dito. Kung ikaw ay may allergy sa daisy at aster, maaaring allergic ka rin sa chamomile dahil galing sila sa parehong pamilya.
Karagdagan, ang halaman na ito ay may natural na blood-thinning propertie. Mag-ingat kung ikaw ay kumokonsumo ng blood-thinning na gamot. Bago gamitin ang chamomile bilang halamang gamot para sa diarrhea, siguraduhin na kausapin muna ang iyong doktor.

Ginger Tea

Kung ikaw ay naghahanap ng paraan upang maibsin ang sakit sa tiyan, maaaring sagot na rito ang luyang tsaa.

Ayon sa isang pag-aaral, ang luyang tsaa ay nakatutulong sa mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy kung nararanasan nila ang pagkahilo at pagsusuka; karagdagan, ang mga buntis na nakararanas ng morning sickness ay nagkaroon ng benepisyo rin sa pag-inom ng luyang tsaa.

Kung hindi ka nakumbinse ng mga benepisyong nakalista sa itaas, tandaan na ang ilang mga pag-uulat ay nagsabing ang luya ay nakatutulong na mapagaan ang digestive na sintomas tulad ng bloating, cramps, gas, at kahit na ang indigestion.

Upang gumawa ng luyang tsaa, maggayat ng isang ugat ng luya. Hiwain ito at pakuluan sa tubig ng 10 hanggang 20 minuto. Dahil ang luya ay may tiyak na matapang na lasa. Maaari mong subukan na maglagay ng lemon o honey upang ma-enjoy mo ito.

Tandaan:


Ligtas sa pangkalahatan ang luya, lalo na kung ikokonsumo na may moderasyon o babantayan ang dami ng kinakain. Kung nakaranas ka ng sintomas tulad ng madaling magkapasa o pagdurugo, ihinto ang pag-inom ng tsaa. Kung nais ipagpatuloy ang pag-inom ng tsaa o bilang parte ng iyong food supplement upang mahinto ang diarrhea, konsultahin ang iyong doktor, lalo na kung mayroon kang kasalukuyang medikal na kondisyon.

Key Takeaways


Ano ang iinumin ko upang huminto ang diarrhea? Kailangan na ikonsidera ang pagkonsumo sa mga halamang gamot para sa diarrhea, lalo na kung mayroon kang allergies. Gayundin, kung ikaw ay nakararanas ng ibang pangkalusugang kondisyon at umiinom ng gamot.
Maraming mga paraan upang gamitin ang halaman na nakalista sa itaas. Kaya’t kausapin ang iyong doktor tungkol sa pinaka mainam na lunas.
Ang punto rito ay laging tugunan ang ugat ng iyong gastrointestinal disorder. Panghuli, huwag kalimutan na nakatutulong din ang ibang lunas upang magamot ang diarrhea at iba pang gastrointestinal na sakit, partikular na ang diet at ehersisyo.

Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

9 common digestive conditions from top to bottom, https://www.everydayhealth.com/digestive-health/common-digestive-conditions-from-top-bottom/, Accessed July 27, 2020

Efficacy of peppermint oil in diarrhea predominant IBS – a double blind randomized placebo – controlled study, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/23416804, Accessed July 27, 2020

Artichoke supplement: Benefits, uses, side effects, dosage & interactions, https://www.medicinenet.com/artichoke/supplements-vitamins.htm, Accessed July 27, 2020

Artichoke leaf extract reduces symptoms of irritable bowel syndrome and improves quality of life in otherwise healthy volunteers,  https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15353023, Accessed July 27, 2020

The Effectiveness of Ginger in the Prevention of Nausea and Vomiting during Pregnancy and Chemotherapy,
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4818021/, Accessed July 27, 2020

Ginger in gastrointestinal disorders: A systematic review of clinical trials,
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6341159/, Accessed July 27, 2020

Ginger Root Side Effects,
https://www.drugs.com/sfx/ginger-root-side-effects.html, Accessed July 27, 2020

Health-promoting effects of green tea,
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3365247/, Accessed July 27, 2020

Oxidative stress, inflammation, and cancer: How are they linked?
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2990475/, Accessed July 28, 2020

Green and black tea for the primary prevention of cardiovascular disease
https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD009934.pub2/full, Accessed July 28, 2020

Effectiveness of green tea on weight reduction in obese Thais: A randomized, controlled trial
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0031938407004003, Accessed July 28, 2020

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement