Kahit na kilala ang maraming herbal medicine sa Pilipinas— hindi alam ng lahat ang benepisyo ng pito-pito. Sa katunayan, walang halaman na pinangalanang pito-pito at hindi naman talaga ito isang halaman.
Kahit na kilala ang maraming herbal medicine sa Pilipinas— hindi alam ng lahat ang benepisyo ng pito-pito. Sa katunayan, walang halaman na pinangalanang pito-pito at hindi naman talaga ito isang halaman.
Ang Pito-pito ay kumbinasyon ng pitong halamang gamot at buto. Kabilang dito ang bayabas, mangga, alagaw, pandan, banaba, buto ng anis, at buto ng kulantro.
Karaniwan, ang mga dahon at herbs ay hinahalo sa isang tsaa. Ngunit dahil sa kasikatan nito, maaaring makita ito sa tea packets na naglalaman ng pito-pito.
Bago natin talakayin ang pito-pito sa kabuuan, mahalagang malaman ang tungkol sa mga constituents nito:
Safe sabihin na ang individual properties ng bawat sangkap ay carried over sa pito-pito blend.
Kaya makakatulong ito sa diabetes at altapresyon.
Dahil sa health-boosting at antimicrobial properties, tinutulungan ng pito-pito na itaboy ang mga pathogen na maaaring magdulot ng ubo, sipon, at trangkaso.
Bukod pa rito, ang anti-inflammatory property ng blend ay nakakatulong na mapawi ang sakit na dulot ng pamamaga ng lalamunan at sakit ng ulo.
Kapag blinend ito sa tsaa, ang pito-pito ay magiging isang magandang digestive tonic. Kung saan tumutulong ito sa katawan na ma-break down ang pagkain.
Ang anti-inflammatory properties ng pito-pito ay maaaring makatulong sa pag-reduce ng pamamaga. Sa ilang most common respiratory system problems, tulad ng hika.
Dahil ang pito-pito ay isang blend, mangyaring tandaan ang mga sumusunod na paalala:
Maaaring mag-iba ang mga sangkap ng pito-pito blend kung pipiliin mong bilhin ang commercially prepared tea packets.
Ang mainstays ay madalas ang mga dahon, mangga, bayabas, alagaw, pandan, at banaba. Minsan ang buto ay pinapalitan ng Tsaang gubat at papaya.
Sa ibang paghahanda, isa o dalawa sa mga dahon ang pinapalitan ng kaimito o dahon ng pinya. Dahil dito, palaging tingnan ang constituents ng tea bags na binili mo.
Sa pangkalahatan, ligtas ang pito-pito basta’t inumin mo ito in moderation at ayon sa instruction.
Bagama’t sa pangkalahatan ay ligtas ito. Huwag kalimutang tukuyin kung ikaw ay may allergy sa alinmang components ng pito-pito blend. Ang posibilidad ay bihira, ngunit naroroon pa rin ito.
At siyempre, kapag nagpaplanong uminom ng anumang uri ng halamang gamot. Komunsulta muna sa’yong pharmacist. Lalo na kung mayroon kang pre-existing na kondisyon sa kalusugan o kung ikaw ay buntis o nagpapasuso.
Kung umiinom ka ng anumang gamot o nananatili sa isang partikular na diet regimen. Kausapin muna ang iyong doktor bago inumin ang tsaa.
Halimbawa, ang banaba ay sinasabing nakikipag-interact sa mga gamot sa diabetes. Dahil pinabababa rin nito ang blood sugar levels. Maaari itong humantong sa hypoglycemia (estado ng pagkakaroon ng mababang glucose sa dugo).
Tandaan na ang mga paghahanda ay sinadya para tumulong at mag-educate. Hindi upang palitan ang anumang payo na ibinigay ng iyong doktor.
Sa ngayon, dalawa na lang ang paraan para kumuha ng pito-pito. Kung saan ihahanda ito nang sariwa sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga dahon at buto. O kaya’y bumili ng commercially prepared tea packets.
Kung pipiliin mo ang una, kailangan mong mangolekta ng tig-7 piraso ng dahon ng mangga, bayabas, pandan, alagaw, at banaba. Para sa anise at coriander seeds, kailangan mong maghanda ng 2 kutsarita bawat isa.
Ilagay ang lahat sa isang pot of water, na maaari mong ayusin depende sa kung gaano kalakas ang gusto mong maging tsaa. Pagkatapos ay pakuluan ito ng 30 minuto. Salain ang mga dahon at buto at enjoyin ang tsaa.
Ang easier way siyempre, ay bumili ng tea bags. Para maghanda, sundin lamang ang package instruction. Subalit ang common way ay i-steep ang bag sa isang tasa ng mainit na tubig sa loob ng 3 hanggang 5 minuto. Pagkatapos ay alisin ang bag at mag-enjoy.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Alagaw/ Premna odorata: Philippine medicinal herbs / Philippine alternative medicine. (n.d.). StuartXchange Front Page – SX – Godofredo Umali Stuart’s Cyber-Warehouse. https://stuartxchange.com/Alagaw.html
Health benefits of pito-pito tea | Livestrong.com. (2011, July 8). LIVESTRONG.COM. https://www.livestrong.com/article/297036-health-benefits-of-pito-pito-tea/
Pito-pito, a blend of seven medicinal herbs : Philippine herbal medicinal plants / Philippine alternative medicine. (n.d.). StuartXchange Front Page – SX – Godofredo Umali Stuart’s Cyber-Warehouse. https://stuartxchange.com/PitoPito
Kasalukuyang Version
12/19/2022
Isinulat ni Lornalyn Austria
Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD
In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.