backup og meta

Benepisyo Ng Gotu Kola Sa Kalusugan, Alamin Dito

Benepisyo Ng Gotu Kola Sa Kalusugan, Alamin Dito

Sa kasalukuyan, ang mga halamang gamot ay lalong nagiging popular. May mga taong gusto ng mas natural na pamumuhay. Isa sa mga halamang-gamot na sumikat sa katanyagan ay ang takip kohol, o mas kilala bilang gotu kola. Alamin ang mga benepisyo ng gotu kola dito.

Ano Ang Takip Kohol o Gotu Kola?

Ang gotu kola, na kilala sa siyentipikong pangalan ng Centella asiatica. Ito ay kilala rin bilang takip kohol, Indian pennywort, o Asiatic pennywort. Ito ay karaniwang halaman na tumutubo sa Timog-silangang Asya, at ginamit hindi lamang para sa mga benepisyo ng  kalusugan, kundi bilang pagkain din. Ang paglaki nito ay napakalawak na ang ilang mga tao ay napagkakamalang damo na walang ideya sa mga benepisyo ng gotu kola.

Ito ay nauugnay sa pamilya ng parsley, at ginamit sa tradisyunal na Chinese at Ayurvedic na gamot sa daan-daang taon.

Mga Gamit

Ayon sa mga taong gumagamit ng herb na ito, ang gotu kola ay may pakinabang sa kalusugan ng isang tao. Ito ay nakakatulong sa mga sakit sa balat, at nagpapalakas pa ng brainpower. Ang mga pahayag na ito ay mukhang too good to be true, ngunit ang ilan ay nagpapatunay na ang gotu kola ay may benepisyo sa pangkalahatang kagalingan.

Benepisyo Ng Gotu Kola

1. Makakatulong ito sa pagpapagaling ng iba’t ibang sakit sa balat. 

Ang isa sa mga mas karaniwang claim ng mga tao ay nakakatulong ang gotu kola sa taong nagdurusa sa mga sakit sa balat, tulad ng psoriasis.

Nakakatulong din ito sa pag-alis ng mga stretch mark at paghilom ng sugat

Maaaring direktang ipahid sa balat, o idagdag ang katas sa isang cream bago ipahid sa balat.

Naiulat din na nakakatulong ito sa mga keloid pati na rin sa mga peklat kapag ang mga dahon ay direktang inilapat sa balat.

Bagamat ang ilang mga tao ay nagpapatunay ng kakayahan nito na magpagaling ng mga sakit sa balat at mga sugat, higit pang pag-aaral ang kailangang gawin tungkol sa bisa nito.

2. Benepisyo Ng Gotu Kola Sa Blood Circulation

Nakakatulong ang gotu kola sa mga taong may problema sa sirkulasyon ng dugo.

Ang Centellase, isang chemical compound na nasa sa gotu kola, ay nakakatulong na mabawasan ang pamamaga. Makatutulong din na mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa mga binti ng mga taong dumaranas ng mga problema sa sirkulasyon.

Dahil dito, pinaniniwalaan din na ang gotu kola ay makakatulong sa pagbabawas ng mga namuong dugo. Ngunit higit pang pananaliksik ang kailangang gawin upang makumpirma ang claim na ito.

3. Antioxidant Properties

Ang Gotu kola ay natagpuan din na may antioxidant properties. Nangangahulugan ito na ang mga extract na ginawa mula sa gotu kola ay maaaring gamitin upang maiwasan ang pamamaga, at pabagalin ang cell damage.

Nangangahulugan din na ito ay may potensyal na magagamit sa paggamot ng kanser, ngunit higit pang pag-aaral ang kailangang gawin tungkol sa pagiging epektibo nito.

4. Benepisyo Ng Gotu Kola Sa Utak

Ang ilang mga pag-aaral ay nagpakita na ang gotu kola extracts ay may ilang potensyal bilang isang antidepressant, antiepileptic, at maaaring makatulong sa pagpapasigla ng utak. 

Gayunpaman, karamihan sa mga pag-aaral na ito ay isinagawa lamang sa mga daga.  Kaya mas maraming pag-aaral sa mga benepisyo ng gotu kola para sa mga tao ang kailangang gawin para mas maunawaan ang medical potential para sa utak.

Sa kabila nito, ang kasalukuyang impormasyon na mayroon tayo tungkol sa gotu kola ay tila maaasahan. Ang mga kemikal na compound na nakapaloob sa loob ng halaman, sa katunayan, ay nagpakita na ito ay makakatulong sa depression, epilepsy, pati na rin mapabuti ang paggana ng utak.

5. Makakatulong Din Ito Sa Mga Gastric Ulcer

Natuklasan ng isang pag-aaral ang benepisyo ng gotu kola sa paggamot ng mga gastric ulcer. Ipinakita ng mga pagsusuri na ang gotu kola extract ay makakatulong sa pagpapagaling ng mga ulcer at may potensyal na magamit ito bilang gamot.

Mga Pag-Iingat At Babala

Allergic Reactions

Isang posibleng risk ng paggamit ng mga herbal na gamot ay maaaring allergy sa isa sa mga chemical compound na nasa halaman. Ang gotu kola ay hindi naiiba. Mahalagang suriin muna kung may allergy dito bago gamitin o kainin ang halaman.

Mga Buntis At Nagpapasusong Ina

Mahalagang tandaan na hindi pa sapat ang pag-aaral na ginawa tungkol sa kaligtasan nito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Habang ginagamit ito sa iyong balat habang buntis ay maaaring okay. Mas mainam pa rin na iwasan ang paggamit ng anumang anyo ng gotu kola habang ikaw ay buntis o nagpapasuso. Ito ay para maiwasan ang anumang panganib sa sanggol.

Pagka-Antok

Ang pagka-antok ay maaari ding isa pang side effect ng paggamit ng gotu kola. Lalongllalo na kung ito ay kinakain o inuubos bilang juice.

Side Effects & Interactions

Ang gotu kola ay maaari ding makapinsala sa atay, kaya pinakamahusay na huwag itong inumin kasama ng iba pang mga gamot na maaaring magdulot ng pinsala sa atay, tulad ng acetaminophen, birth control pills, gamot sa presyon ng dugo, atbp.

Laging magandang ideya na kumunsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng anumang uri ng halamang gamot. Nakakatulong ito na maiwasan ang anumang posibleng komplikasyon o problema sa kalusugan na maaaring magresulta mula sa paggamit ng gotu kola.

Hindi rin dapat gamitin ang gotu kola bilang pamalit sa gamot, lalo na kung hindi ito inirerekomenda ng iyong manggagamot. 

Dosage

Ang gotu kola ay karaniwang ligtas na gamitin. Ang benepisyo ng gotu kola ay kapakipakinabang. Maaari ihalo sa salad, o kayanaman ay gumamit ng blender o juicer upang gawing juice o smoothie.

Ang ilang mga tao ay nagpapahid din nito sa kanilang balat upang makatulong sa iba’t ibang sakit sa balat.

Matuto pa tungkol sa Halamng Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gotu kola, https://www.drugs.com/npc/gotu-kola.html, Accessed Aug 6, 2020

Pharmacological Review on Centella asiatica: A Potential Herbal Cure-all, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3116297/, Accessed Aug 6, 2020

Gotu Kola, https://www.rxlist.com/gotu_kola/supplements.htm, Accessed Aug 6, 2020

Chapter Four – Gotu Koa (Centalla asiatica): Nutritional Properties and Plausible Health Benefits, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S104345261500056X, Accessed Aug 6, 2020

Centella asiatica (Gotu kola) as a neuroprotectant and its potential role in healthy ageing, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0924224417305587, Accessed Aug 6, 2020

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement