Benepisyo ng Dalandan sa Katawan
At dahil madaling tumubo ang dalandan sa klima ng Pilipinas, maraming nagtatanim nito, at hindi rin mahirap makahanap ng dalandan sa mga tindahan.
At dahil madaling tumubo ang dalandan sa klima ng Pilipinas, maraming nagtatanim nito, at hindi rin mahirap makahanap ng dalandan sa mga tindahan.
Ano ang benepisyo ng dalandan sa katawan? Sa bawat 100 grams ng dalandan, ay makakakuha ka ng 37 hanggang 66 calories. Mayroon rin itong 9.7 hanggang 15.2 grams ng carbohydrates, na kasama na ang natural fiber at sugar na fructose.
Fat-free ito, at mayroon ring 1 gram ng protein. Ang isang serving naman ay nagbibigay ng 45 hanggang 90 mg ng vitamin C, na nakakapagpalakas ng resistensya, at nakakatulong rin upang magkaroon ng magandang balat.
Mayroon ring vitamin A at calcium ang dalandan, na nakakatulong sa mata at nagpapatibay ng buto.
Wala pang pag-aaral na nagawa sa epekto ng dalandan sa sugat, ngunit dahil sa taglay nitong vitamin C, maaaring sabihin na nakakatulong ito sa paggaling ng mga sugat. Ito ay dahil malaki ang naitutulong ng vitamin C sa wound healing.
Ang flavonoids ay mga compounds na mayroong anti-inflammatory at anti-oxidant properties. Alam niyo ba na ang chronic inflammation ay konektado sa mga sakit tulad ng cancer, metabolic disorders, at sakit sa puso?
Dahil sa flavonoids ng dalandan, posibleng makabawas ito sa inflammation sa katawan. Bukod dito, nakakatulong rin ang antioxidant na ito upang makabawas sa free radicals na nagiging toxic sa katawan.
Bagama’t wala pa ring matibay na patunay na nagsasabing nakakabawas sa timbang ang dalandan, may mga pag-aaral na natagpuang nakakatulong raw ito sa thermogenesis, na nakakapagpabawas ng timbang. Natagpuan rin ng ibang pag-aaral na nakakatulong raw itong pataasin ang heart rate.
Ano ang benepisyo ng dalandan sa katawan? Dahil sa antioxidant properties, vitamin C content at antibacterial properties ang dalandan ay mainam itong gamitin sa balat. Nagagamit rin nga ito upang magamot ang athlete’s foot.
Marami man ang benepisyo ng dalandan sa katawan, mahalaga pa rin na mag-ingat sa paggamit nito bilang gamot.
Heto ang ilang dapat tandaan:
Ang paggamit ng dalandan essential oil sa balat ay maaring magdulot ng photosensitivity. Iwasan ring pagsabayin ang dalandan at kape, dahil maaari nitong itaas ang iyong blood pressure.
Ligtas naman ang dalandan, basta’t hindi sosobra sa pagkain nito. Ngunit kung marami kang kainin nito, o kaya gamitin mo bilang gamot, posibleng makasama ito. Ligtas rin ang essential oil nito basta’t siguraduhin mong sundin ang instructions sa paggamit nito.
Kung mayroon kang allergy, hindi mainam na kumain o kaya gumamit ng dalandan. Kung ikaw ay buntis o kaya mayroong pre-existing health conditions, siguraduhing magpakonsulta muna sa doktor upang malaman kung ligtas ba ito sa’yo.
Kung ikaw rin ay mayroong diabetes, mag-ingat sa pagkain ng dalandan dahil baka makaapekto ito sa iyong blood pressure. Kung isabay rin ito sa pag-inom ng caffeine, posible itong makataas ng blood pressure. Kapag mayroon kang special diet o kaya umiinom ng gamot, magpakonsulta muna sa iyong doktor bago subukan ang dalandan.
Madaling mahanap ang dalandan sa Pilipinas, kaya’t isa itong prutas na karaniwang kinakain sa bansa. Dahil rin sa benepisyo ng dalandan sa katawan, mainam itong source ng vitamin C, at nakakatulong sa kalusugan.
Kung masyado naman itong maasim, puwede mo itong gawing shake o ihalo sa ibang mga prutas. Maaari ka ring gumamit ng mga essential oils na puwedeng ipahid sa balat, o kaya ay gamitin para sa aromatherapy.
Alamin ang tungkol sa iba pang halamang gamot, dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Is bitter orange safe and effective for weight loss? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/bitter-orange/faq-20058283, Accessed August 31, 2020
Dalandan / Citrus aurantium / Sweet orange: Philippine medicinal herbs / Philippine alternative medicine. (n.d.). StuartXchange Front Page – SX – Godofredo Umali Stuart’s Cyber-Warehouse, https://stuartxchange.com/Dalandan, Accessed August 31, 2020
Bitter Orange, https://www.nccih.nih.gov/health/bitter-orange#:~:text=Native%20to%20eastern%20Africa%2C%20the,indigestion%2C%20nausea%2C%20and%20constipation, Accessed August 31, 2020
Fruit Juice Interactions, https://www.pharmacytimes.com/publications/issue/2005/2005-12/2005-12-5042, Accessed August 31, 2020
An Overview on Citrus aurantium L.: Its Functions as Food Ingredient and Therapeutic Agent, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5954905/, Accessed September 14, 2021
Citrus Aurantium, https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/citrus-aurantium, Accessed September 14, 2021
An overview of Citrus aurantium used in treatment of various diseases, https://academicjournals.org/article/article1380019714_Suryawanshi.pdf, Accessed September 14, 2021
Kasalukuyang Version
03/25/2024
Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.
Narebyu ng Eksperto Chris Icamen
In-update ni: Jan Alwyn Batara