backup og meta

Benepisyo Ng Atis Sa Kalusugan: Alamin Dito Ang Mga Ito

Benepisyo Ng Atis Sa Kalusugan: Alamin Dito Ang Mga Ito

Sa Pilipinas, karaniwang kinakain ang atis nang sariwa bilang panghimagas, ngunit ginagamit din ito bilang herbal medicine. Ano ang benepisyong pang-kalusugan ng atis? Sinasabing maraming taglay na healing properties ang mga dahon ng atis. Matuto pa tungkol sa mga benepisyo ng atis sa kalusugan. 

Ano ang Atis?

Ang atis, na kilala rin sa tawag na sweetsop o sugar-apple, ay kabilang sa pamilya ng Annonaceae at kilala sa scientific name nito na Annona squamosa. Isa itong seasonal fruit na matamis, malinamnam, at masustansya. May taglay rin itong:

  • Calcium
  • Phosphorus beta-carotene
  • Ascorbic acid
  • Fiber

May kaugnayan ang prutas na atis sa custard apple. Isa itong maliit na punong tumutubo nang hanggang 20 talampakan kapag ganap na ang laki. Medyo mabuhok ang mga dahon nito kapag mura (young) pa at hugis oblong. Mukhang hugis puso ang prutas nito na may polygonal tubercles.  

Ang balat ng prutas na ito ay scaly at bukol-bukol ngunit nakakain ang loob. Maputi hanggang sa madilaw ito at malaman. Lasang custard ang atis at nakakalat sa laman ang mga buto nito. Blackish-brown, matigas, makintab, at 12-18mm ang haba ng buto ng atis.

Kasaysayan ng Atis

Sinasabing nagmula sa Central America ang atis bago ito dinala sa Mexico at sa kalakhang tropical American regions. Nakarating ito sa Pilipinas kalaunan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila kung saan ito itinanim at nilinang paglaon. Matatagpuan na ito ngayon sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas. 

Mga Gamit

Ano ang benepisyo ng atis? Sa isang maliit na atis, taglay nito ang napakaraming iba’t ibang properties.

  • Vermicidal at insecticidal ang mga dahon
  • Nakatutulong din ito upang madagdagan ang menstrual flow
  • Nakatutulong upang mahinto ang lagnat
  • Puwedeng gamitin bilang pampalakas
  • Ang balakbak (bark) nito ay astringent
  • Ginagamit din ito bilang insecticide

Ipinapakita rin ng iba’t ibang pag-aaral na may analgesic, anti-inflammatory, antioxidant, anti-microbial, antidiabetic, insecticidal, at anti-ulcer properties ang atis. Isa ito sa pinakamasusustansyang prutas na mayroon tayo. 

Benepisyo ng Atis: Atis bilang Herbal Medicine

Kasingganda rin ng herbal medicine ang atis. Puwedeng gamitin para sa iba’t ibang bagay ang mga dahon, balakbak, ugat, at kahit ang juice ng atis.  

Kabilang sa mga sinasabing herbal benefits ng prutas ng atis, mga dahon, at balakbak ang:

  • Nakapagpapagaling ng sipon at lagnat
  • Nakababawas ng pananakit ng rayuma
  • Inaayos ang sugar sa katawan
  • Nakatutulong sa pagkontrol ng blood pressure
  • Ginagamot ang ringworm
  • Nakapagpapagaling ng mga sugat dahil sa anti-inflammatory properties nito at soothing effect
  • Gamot sa pagtatae
  • Nakapagpapahupa ng mga kagat ng insekto
  • Ginagamot ang disenteriya
  • Nakatatanggal ng kuto sa ulo

Benepisyo ng Atis: Siksik sa Vitamins at Minerals

Vitamin C. Magandang pagkunan ng antioxidants ang atis gaya ng vitamin C. Nakatutulong itong labanan ang free radicals sa katawan dahil pinoprotektahan nito ang puso mula sa posibleng cardiac disease. 

Vitamin A. May vitamin A din ang atis na nakatutulong upang mapanatiling malusog ang balat at buhok.

Copper content. May copper din ang atis na nakatutulong mapawi ang constipation gayundin ang indigestion. 

Magnesium. May taglay ring magnesium ang prutas ng atis na nakatutulong na mag-equalize ang balanse ng tubig sa ating katawan at matanggal ang acid mula sa mga kasukasuan. Nakatutulong ito na mabawasan ang mga sintomas ng rheumatism at arthritis.

Potassium. Nakatutulong ang key mineral na ito upang malabanan ng ating katawan ang panghihina ng mga muscle. 

Iron. Mayaman sa iron ang atis na nakatutulong upang maiwasan ang iron-deficiency anemia at mapalakas ang energy levels. 

Magandang pagkunan din ang atis ng:

  • Thiamine
  • Vitamin B6, B2, B3, B5, at B9

May taglay ring natural sugar fructose ang prutas ng atis na dahilan kung bakit maganda itong snack o panghimagas pagkatapos kumain. Hindi tulad ng candy o ng sugary sodas, ang atis ay good source ng sugar na may low glycemic index. Maganda ito para sa mga diabetic na pasyente dahil hindi ito nagdudulot ng malaking pagtaas ng level ng sugar. 

Mga Pag-iingat at Paalala

Bagaman maraming medicinal at herbal benefits ang atis, mahalagang malamang nakalalason ang mga buto nito, kasama ang mga dahon at ang balakbak (bark). 

Atis bilang lason

Ang langis na nakukuha mula sa buto nito ay ginagamit bilang pesticide. Ginagamit din bilang lason sa isda at insecticide sa India ang pinulbos na buto at pinatuyong prutas ng atis. Kaya’t maging maingat sa pagkonsumo nito.

Atis bilang abortifacient

Para sa mga buntis o nagpaplanong magbuntis, mahalagang isaisip na ang atis ay isang anti-ovulatory. 

Side Effects & Interactions

Gaya ng nabanggit, masustansya ang prutas at ligtas na ikonsumo. Gayunpaman, kailangang mag-ingat sa paghahanda at paggamit ng iba pang parte nito gaya ng buto, balakbak, at dahon dahil maaari itong magdulot ng ibang mga epekto sa kalusugan ng sinuman.

Ligtas ang pagkain ng atis bilang bahagi ng diet ng isang diabetic. Ngunit kung may mang mahalagang pagbabago sa iyong diet, pinakamabuting kumonsulta sa iyong doktor.

Dosage

Prutas

Puwede mong kainin ang prutas nang sariwa. May ilan ding gustong gawing juice ito at i-freezer ang prutas bilang panghimagas. 

  • Mapagagaling ang apektadong kagat ng insekto sa pamamagitan ng paglalagay ng katas ng hilaw na atis. 

Mga Dahon

  • Upang mag-induce ng menstruation, pakuluan ang mga dahon nito at inumin ang tsaa. 
  • Upang mabawasan ang pagkahilo at panghihina, puwede mong durugin ang mga dahon nito at langhapin ang amoy. 
  • At dahil mayroon din itong soothing effect, para sa hysteria, durugin ang sariwang mga dahon nito at ilagay sa ilalim ng ilong.

Mga Buto

  • Upang mapatay ang mga kuto sa ulo, durugin ang mga buto ng atis at ihalo sa tubig upang makagawa ng paste. Ipahid ito sa anit at iwan ito sa loob ng ilang minuto bago banlawan.

Balakbak (Bark)

  • Pakuluan ang balakbak upang makagawa ng decoction (sabaw) mula dito na puwedeng gamitin bilang gamot sa pagtatae.
  • Puwede rin itong gamitin bilang tonic.

Key Takeaways

Hindi lamang nagtataglay ng medicinal benefits ang prutas ng atis, masarap din ito at malasa. 
Ang pinakamaganda rito ay madaling tumubo ang atis at puwedeng itanim sa halos saan mang bahagi ng Pilipinas. 
Bagaman ligtas ang pagkain ng prutas na ito, kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa iba pang gamit nito upang matiyak ang iyong kaligtasan at magandang kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Atis, http://stuartxchange.com/Atis, Accessed July 21, 2020 

Atis Fruit, https://www.philippineherbalmedicine.org/atis.htm, Accessed July 21, 2020 

The antimicrobial effect of atis (Annona Squamosa) leaf extract on Staphylococcus aureus and Escherichia coli., http://www.herdin.ph/index.php/partners?view=research&cid=45645, Accessed July 21, 2020 

Custard apple and its health benefits, https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/health-fitness/diet/Custard-apple-and-its-health-benefits/articleshow/7150878.cms, Accessed July 21, 2020

Healing fruits: Atis, http://pitahc.gov.ph/healing-fruits-atis-anona-squamosa-l/, Accessed July 21, 2020 

The Effect of Annona Squamosa Linn (Atis) Leaves Decoction on the Severity of Productive Cough Among Selected iIdividuals with Acute Bronchitis in Barangay Labangon, Cebu City, http://www.herdin.ph/index.php/component/herdin/?view=research&cid=52513, Accessed July 21, 2020 

Annona squamosa (sugar apple), https://www.cabi.org/isc/datasheet/5820, Accessed July 21, 2020

Atis- Scientific name: Anona Squamosa L., http://www.filipinoherbshealingwonders.filipinovegetarianrecipe.com/atis.htm, Accessed July 21, 2020 

Kasalukuyang Version

12/05/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement