backup og meta

Epektibo Ba Ang Ear Candling? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Epektibo Ba Ang Ear Candling? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Mayroong iba’t ibang uri ng mga treatment at procedure na maaari mong makuha kapag ikaw ay nasa isang spa. Ang isa sa mga ito ay ang ear candling, na isang sikat na treatment at nangangako ng relaxation at iba pang benepisyo sa kalusugan. Ngunit epektibo ba ang ear candling?

Marami ang mga tanong tungkol sa procedure na ito. Ligtas ba? Makakasama ba sa iyong pandinig?

Bakit Tayo May Ear Wax?

Una, kailangan natin ng ear wax para protektahan ang ating mga tainga. Kinulong nito ang anumang dumi o bacteria na maaaring makapasok sa kanal ng tainga. Karaniwan, ang wax sa tainga kapag ito ay malambot ay dumudulas. Kung ito ay medyo matigas, ito ay mahuhulog lamang. Gayunpaman, maaaring makaranas ang ilang tao ng build-up at maaaring makaapekto ito sa kanilang pandinig.

Maaaring harangan ng ear wax ang kanal ng tainga kung matigas ito. Gayunpaman, madali itong palambutin ng kaunting olive oil o baby oil. Hindi hinihikayat ng mga doktor ang paggamit ng cotton buds o ang iyong mga daliri na alisin ang ear wax dahil maaaring itulak pa nito ang wax sa kanal o maaaring aksidenteng mapunit ang eardrum.

Para sa matigas na build-up, kumunsulta sa iyong Ear, Nose at Throat specialist dahil sila ay trained na alisin ang ear wax ng ligtas.

Ano Ang Ear Candling?

Ang ear candling ay isang pamamaraan kung saan ang isang mahaba, hollow, hugis-kono na kandila ay inilalagay sa kanal ng tainga. Pagkatapos ay sisindihan ang kandila, hayaang matunaw at tumulo ang wax ng kandila. Ang ear candling ay pinaniniwalaan na isang mabisang paraan ng pag-alis ng ear wax, lalo na’t ang paggamit ng Q-tips o cotton swabs ay itinuturing na nakakapinsala.

Benepisyo Ng Ear Candling

Ang ear candling ay isang pain-free remedy para sa mga sumusunod na kondisyon: tinnitus, impeksyon sa tainga, glue ear, and swimmer’s ear. Bukod pa rito, pinaniniwalaang nakakatulong ang pamamaraan na labanan ang pananakit ng ulo, pananakit ng lalamunan, postnasal drips, sinusitis, at catarrh.

Sinasabi ng ilang tao na nakakaranas sila ng agarang ginhawa mula sa congestion. Kumbaga, ito ay mahusay para sa mga taong may upper respiratory congestion. Mayroon ding mga naniniwala na ang ear candling ay mahusay para sa lymph drainage at circulation.

Pero, totoo ba ang mga pahayag na ito at epektibo ba ang ear candling?

Talaga Bang Gumagana Ang Ear Candling?

Sa kabila ng ilang mga pagsusuri, ang mga ear candles ay hindi inirerekomenda at hindi gumagana na matanggal ng ear wax. Wala ring siyentipikong patunay na natutugunan nito ang iba’t ibang ear problems, tulad ng impeksyon at tinnitus, bukod sa iba pa.

In fact, ang proseso ay maaaring maging sanhi na maitulak ang earwax paloob sa ear canal, na nagpapahirap sa paglilinis ng iyong mga tainga gamit ang mga normal na tool. Ang ear candling ay maaaring maging lubhang nakakapinsala sa iyong tainga.

Kapag naglilinis, dapat mong linisin lamang ang panlabas na bahagi ng tainga.

Dangers Ng Ear Candling

Kabilang sa mga risk na maaaring mangyari sa procedure na ito ay ang:

  • Masunog ng wax ang mukha, tainga, anit, ear canal, gitnang tainga, at eardrums
  • Matusok ang iyong eardrums
  • Mapasama ang mga deposito ng ear wax sa ear canal

Pagdating sa mga risk ng ear candling, ang isang case study ay nag-ulat ng isang insidente ng isang 50-anyos na babae ang bumisita sa kanyang doktor at ipinaliwanag ang isang failed ear candling procedure.

Dahil sa isang aksidente sa oras ng procedure, ang candle wax ay tumapon sa tainga ng pasyente. Sa pagsusuri, may isang piraso ng kandilang na-stuck sa kanyang tainga, ilong, at throat cavity. Para maalis ang candle wax, kinailangang sumailalim sa general anesthesia ang babae.

Bukod sa candle wax, nakita ng mga doktor ang maliit na butas sa kanyang tympanic membrane. Ito ay nagdulot ng banayad na conductive hearing sa isang gilid. Kahit makalipas ang isang buwan, hindi gumaling ang pagkabutas at hindi bumuti ang kanyang pandinig.

Bagama’t may filter ang mga ear wax candle na pumipigil sa pagpasok ng wax sa tainga habang may session, maaaring mangyari ang mga aksidenteng tulad nito. Kung epektibo ba ang ear candling, ayon sa mga doktor ay pinipigilan nila ang mga tao na subukan ang ear candling sa bahay.

Bakit Hindi Gumagana Ang Ear Candling?

Mayroong ilang mga myth tungkol sa ear candling, at pinatutunayan ng agham na hindi ito gagana. For one, sinasabi ng mga ear candling practitioner na pwedeng alisin ang ear wax sa pamamagitan ng pagtunaw ng ear wax sa iyong tainga. Gayunpaman, kung epektibo ba ang ear candling, ayon sa mga eksperto na hindi ito posible dahil mas mababa ang init mula sa isang ear candle kaysa sa temperatura ng ating katawan. Hindi ito sapat para matunaw ang ear wax.

Bukod pa rito, naniniwala ang mga tao na maaari nitong alisin ang ear wax sa pamamagitan ng paggawa ng suction, na posible. Ngunit ito ay gagana lamang kung ang suction ay sapat na malakas. Sa kasamaang palad, natuklasan ng mga test na ang pamamaraan ay hindi lumilikha ng suction. Kung walang anumang suction, kahit na ang pinakamaliit na ear wax ay hindi maalis.

Paano Kung Gusto Ko Pa Ring Subukan Ang Ear Candling?

Para sa mga gusto pang magpa-ear candling, isipin muli. Remember, ang ear candling ay hindi inirerekomenda ng sinumang doktor o eksperto, kabilang ang Food and Drug Administration. Katunayan, pinagbabawalan ng ahensya ang mga ear candle manufacturers at practitioners na i-advertise ang hindi kumpirmadong benepisyo ng procedure.

Gayunpaman, kung gusto mo talagang subukan, siguraduhing gawin ang procedure sa mga reputable clinics. Palaging suriin ang mga review sa service provider. Bagama’t ang ear candling ay hindi nag-aalis ng anumang ear wax, nare-relax ang ilang tao sa ear candling.

Key Takeaways

Epektibo ba ang ear candling? Bagama’t sikat ang ear candling, hindi ito kapaki-pakinabang at maaari talagang magdulot ng malubhang pinsala. Pinakamabuting iwasang sumailalim sa procedure na ito. Kung gusto mong subukan, kumunsulta sa iyong espesyalista para mas maunawaan ang mga risk nito.

Matuto pa tungkol sa Mga Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Earwax blockage, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/earwax-blockage/diagnosis-treatment/drc-20353007, Accessed July 5, 2021

Is ear candling a safe way to remove earwax? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/consumer-health/expert-answers/ear-candling/faq-20058212, Accessed July 5, 2021

Ear candling, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2231549/, Accessed July 5, 2021

3 reasons to leave earwax alone, https://www.health.harvard.edu/blog/3-reasons-to-leave-earwax-alone-2017051711718, Accessed July 5, 2021

What is an ear infection? https://www.cdc.gov/antibiotic-use/ear-infection.html, Accessed July 5, 2021

Kasalukuyang Version

04/27/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Rayuma Sa Kamay, Anu-Ano Ito?

Halamang Gamot Sa Vertigo, Anu-Ano Nga Ba Ito? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement