backup og meta

Benepisyo Ng Mulberry Sa Kalusugan, Alamin Dito!

Benepisyo Ng Mulberry Sa Kalusugan, Alamin Dito!

Napakakaraniwang halaman ng Mulberry (Morus alba L.) sa Asya. Kabilang ito sa Moraceae family, namumulaklak, makahoy, at matibay na halaman na sikat sa mga jam at juice. At dahil kasama sa benepisyo ng mulberry sa kalusugan ang maraming pharmacological benefits, ginagamit din ito sa tradisyunal na medisina.

Ayon sa mga pag-aaral, naglalaman ang mulberry ng mga bioactive component tulad ng alkaloids, flavonoids, at anthocyanins. Naglalaman ang 100 grams ng hilaw na mulberry ng humigit-kumulang 44% ng daily value (DV) ng vitamin C, at 14% ng DV ng iron; at iba pang sustansya.

Nagsisilbi ding antioxidants ang mulberry na tumutulong sa cell damage repair. Nagpakita rin sila ng potensyal sa pagkakaroon ng maraming anti-cholesterol, anti-obesity, at hepatoprotective properties.

Mulberry Bilang Tradisyonal Na Halamang Gamot 

Lumang tradisyon na sa maraming kultura ang herbal preparation ng mga halamang gamot. Sa herbal medicine umasa ang mga sinaunang sibilisasyon para gamutin ang mga sakit at karamdaman, at nananatili pa rin sa modernong kultura ang ilan sa mga pagsasanay na ito. Nagsisilbi ring batayan ng makabagong gamot ang mga herbal medicine. Ayon sa World Health Organization, humigit-kumulang 80% ng populasyon sa mundo ang gumagamit pa rin ng mga herbal medicine kasabay ng mga bagong gamot.

Sa maraming bahagi ng mundo, ginagamit ang mulberry bilang medicinal plant dahil sa maraming biologically active properties na matatagpuan sa mga dahon, tangkay, at ugat nito. Sangkap din ito sa maraming pharmaceutical, food, at cosmetic products.

Sa India, kilala ang mulberry bilang “Kalpavriksha” o ang banal na puno na nagbibigay ng mga kahilingan. Ginagamit ang lahat ng bahagi nito sa tradisyunal na ayurvedic medicine, kung saan nagpapagaling ito ng maraming karamdaman sa kalusugan tulad ng rayuma at arthritis. Ilang ayurvedic medicine preparation din ang gumagamit ng mga prutas, dahon, ugat, bark o latex ng mulberry.

Sa Japan at Korea, ginagamit ang dahon ng mulberry bilang gamot sa diabetes. Naglalaman ang mga dahon ng mulberry ng mga compound tulad ng 1-deoxynojirmycin (DNJ), isobavachalcone, moachalcon, fagomine, at quercetin na mabisang panlaban sa diabetes.

Sa China, ang dulo ng mga batang mulberry shoots, gayundin ang dulo ng mga dahon nito ang ginagawang tsaa na pangkontrol ng blood pressure. Kilala rin ito sa bansa bilang treatment sa hypertension, hyperglycemia, lagnat, at ubo.

Benepisyo Ng Mulberry Sa Kalusugan

Napakalawak ng benepisyo ng mulberry s kalusugan. May mataas na melatonin ang prutas ng mulberry at fruit wine nito, isang hormone galing sa pineal gland, na lumalabas tuwing gabi. Tinutulungan nito ang katawan na kontrolin ang sleep-wake cycle nito. Maaaring humantong sa paghina ng immune system ang mababang supply ng melatonin sa paglipas ng panahon, na nagiging sanhi sa madaling pagkapit ng sakit sa isang tao.

Ang dulo ng mga dahon ng halaman ng mulberry sa lahat ng cultivars ang naglalaman ng pinakamataas na melatonin.

Ipinakita ng mga pag-aaral na naglalaman ang mulberry ng maraming chemical properties na may benepisyo sa kalusugan. Ang 1-Deoxynojirimycin (DNJ), phenolics at flavonoids, ang ilan lamang sa maraming functional compounds. Narito ang ilan sa maraming benepisyo ng mulberry sa kalusugan na makukuha ng tao mula sa pagkain nito:

  • Nababawasan ang panganib mula sa atherosclerosis
  • May anti-aging, anti-epileptic at anti-stress effect
  • Nababawasan ang panganib mula sa mga sakit sa puso, kanser at neurodegeneration
  • May anti-diabetic at anti-obesity properties
  • Maaaring epektibong gamot laban sa urine inconsistency, constipation, pagkahilo, impeksyon sa lalamunan, tinnitus, dyspepsia, melancholia, lagnat, depresyon at endemic malaria
  • Tumutulong na magpalakas ng immunity laban sa mga impeksyon
  • Nagpapabuti ng digestion
  • Pinapababa ang kolesterol
  • Tumutulong sa pagbaba ng timbang
  • Nagpapataas ng blood circulation
  • Bumubuo bone tissues
  • Nagpapababa ng blood pressure
  • Pinoprotektahan ang mga mata
  • Nagpapabuti ng buong body metabolism

Iba Pang Benepisyo Ng Mulberry Ayon Sa Mga Pag-Aaral Sa Mga Hayop

Nagpakita ang mga pag-aaral sa mga hayop ng mga potensyal na benepisyo ng mulberry, lalo na ang mga white mulberry leaf extract bilang gamot sa depresyon. Nakitang mayroon silang anxiolytic (anti-anxiety) at mga muscle relaxant qualities nang ipinakain sa daga.

Isa pang pag-aaral ang nagpakita na nakakabuti sa erectile function ang panggagamot sa mga daga ng may cyanidin-3-O-β-D-glucopyranoside mula sa mulberry fruit extract.

Babala Sa Allergy

Sa kabila ng maraming benepisyo ng mulberry sa kalusugan, may ilang report ding nagsasabi na posibleng food allergen ang prutas. Ilang pasyente ang nakaranas ng urticaria, paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga, at pananakit ng tiyan pagkatapos kumain ng mulberry.

Napakabihira lang ng allergy sa mulberry. Gayunpaman, kung sensitibo sa birch pollen, may pagkakataon na maaaring makaranas ng allergic reaction sa mulberry.

Matuto pa tungkol sa mga halamang gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Effects of Mulberry Fruit (Morus alba L.) Consumption on Health Outcomes: A Mini-Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5981255/, Accessed September 20, 2021

Mulberry leaves and their potential effects against cardiometabolic risks: a review of chemical compositions, biological properties and clinical efficacy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6130672/, Accessed September 20, 2021

Nutrition and healthy eating, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/improve-brain-health-with-the-mind-diet/art-20454746, Accessed September 20, 2021

Mulberry (Morus spp.): An ideal plant for sustainable development, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S266671932030011X, Accessed September 20, 2021

The Mulberry, Morus alba (L.): The Medicinal Herbal, Source for Human Health, https://www.researchgate.net/profile/Vitthalrao-Khyade-2/publication/332615098_The_Mulberry_Morus_alba_L_The_Medicinal_Herbal_Source_for_Human_Health/links/5dcc0ee9299bf1a47b363f8e/The-Mulberry-Morus-alba-L-The-Medicinal-Herbal-Source-for-Human-Health.pdf, Accessed September 20, 2021

White Mulberry, https://www.drugs.com/npp/white-mulberry.html, Accessed September 20, 2021

Kasalukuyang Version

08/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Rubilyn Saldana-Santiago, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo Ng Bawang Kapag Kinain Ng Hilaw, Ano Nga Ba?

Benepisyo Ng Mangosteen: Heto Ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Rubilyn Saldana-Santiago, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement