Pamilyar sa karamihan sa ating mga Pinoy ang salitang “hilot“. Ito ay isang uri ng massage therapy na nag-ugat sa sinaunang kasanayan ng mga Pilipino. Alamin ang mga benepisyo ng hilot, at kung bakit ito ay pinaniniwalaan na all-around remedy para sa iba’t ibang kondisyong medikal.
Ano Ang Hilot?
Ang Filipino word na hilot ay isang uri ng alternatibong medical technique na kinabibilangan ng acupressure at herbal medication. Ang Hilot ay ginagawa ng isang “manghihilot” o isang hilot practitioner.
Kung titingnan, ang isang tradisyonal na hilot ay maaaring mukhang isang tipikal na masahe na makukuha mo sa isang massage therapist.
Gayunpaman, may ilang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng benepisyo ng hilot at masahe. Sa hilot, maaaring hawakan ng manghihilot ang ilang bahagi ng iyong katawan para masukat ang temperatura ng iyong katawan at pakiramdam para sa anumang pagsisikip sa iyong muscles. Susubukan din ng manghihilot na alamin ang anumang “imbalances” na maaari nilang maramdaman sa loob ng iyong katawan.
Ang Hilot massage therapy ay maaari ding magkaroon ng kaunting sakit at discomfort. In fact, maaaring medyo sumama ang pakiramdam mo pagkatapos ng hilot session. Ang paniwala ay dahil nililinis ng katawan ang sarili sa anumang mga imbalances na maaaring lumitaw sa pamamagitan ng therapy.
Paano Ginawaga Ang Hilot?
Langis ng niyog ang kadalasang gamit ng mga manghihilot dahil sa kasaganaan nito sa rural areas ng Pilipinas. Ito ay mura, madaling hanapin, at tumutulong sa manghihilot sa paghilot ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Tinutulungan din ng langis ng niyog ang manghihilot na matukoy ang temperatura ng katawan, na maaaring maging indikasyon ng anumang iba pang kondisyon. Bilang karagdagan, ang langis ng niyog ay nakakatulong din sa pag-moisturize ng balat.
Maaaring irekomenda din ng manghihilot ang pagkain ng ilang particular na halaman, o pag-inom ng mga concoction mula sa pinaghalong katas ng halaman. Nasa ibaba ang ilan lamang sa mga natural na remedyo na maaaring irekomenda ng isang hilot practitioner:
- Tanglad at ugat ng kawayan: Tumutulong na alisin ang mga lason sa katawan.
- Dahon ng bayabas: Antibacterial agent para sa mga impeksyon.
- Nilagang kamote: Tumutulong sa paglilinis ng digestive system.
Benepisyo Ng Hilot
Ang Hilot ay maaaring tawaging hilot wellness massage dahil ito ginagamit bilang all-around na paggamot para sa iba’t ibang kondisyong medikal.
- Pinapaginhawa ang pananakit ng kalamnan
- Pinapawi ang mga naipit na nerves
- Nakakatulong sa panganganak, at tinutulungan ang isang ina na gumaling pagkatapos ng panganganak
Kung ikaw ay nasa lugar na hindi gaanong naa-access ang mga serbisyo, produkto, at benepisyo ng hilot, pero gusto mo ring maranasan ang hilot, maaaring magpamasahe na lang. Kahit na ang ilang features ng hilot ay maaaring hindi naaangkop sa panahon ng masahe, ito ang pinakamalapit na maaari mong makuha sa totoong deal.
Ano Ang Pagkakapareho Ng Masahe Sa Hilot?
Ang masahe ay tungkol sa iba’t ibang techniques ng pag press ng mga muscles, tendon, o ligament. Tulad ng tradisyonal na hilot, ang mga masahe ay kinabibilangan ng pagmamanipula ng balat. May pagkakapareho ang benepisyo ng hilot at masahe. Gayunpaman, ang mga masahe ay hindi nilalayong maging paggamot para sa mga medikal na kondisyon.
Ang mga masahe ay maaaring may maraming potensyal na benepisyo sa iyong kalusugan. Ngunit inirerekomenda lamang ito bilang pandagdag sa medication o paggamot.
Sa oras ng masahe, ang isang “relaxation response” ay nati-trigger. Kapag naabot na ng katawan ang estadong ito, bumababa ang stress level at pagkabalisa, habang bumabagal ang iyong tibok ng puso at paghinga. Dahil sa pagmamasa at paghaplos na kasama sa karamihan ng mga pamamaraan ng masahe, tumataas din ang sirkulasyon sa dugo at lymphatic fluid.
Bakit Kailangang Magpamasahe?
Ang mga masahe ay hindi gaanong naiiba sa tradisyunal na hilot, at maaaring maging mas komportable sa iyo. Bagama’t ang mga sesyon ng hilot ay maaaring may kasamang pananakit, ang mga massage therapist ay nag-iingat ng higit upang maiwasang magdulot ng discomfort na maaaring mas makasama kaysa makabubuti.
Pangunahing benepisyo ng pagpapamasahe ay ang pagre-relax nito sa muscle tissue, na maaaring epektibong maibsan ang pananakit o paninikip ng ilang bahagi ng katawan tulad ng mga balikat, lower back, o mga binti.
Ang mga masahe ay maaari ding magkaroon ng mga positibong epekto sa iyong pagtulog. Kung ikaw ay dumaranas ng hindi pagkakatulog, maganda ang mga masahe para sa iyo. Dahil sa nakaka-relax na epekto nito, ang mga masahe ay maaaring makatulong sa iyo na mag relax mula sa isang abalang araw. Ang masahe ay makakatulong sa iyong makatulog nang mas mabilis. Maaaring maibsan pa ng mga masahe ang pananakit ng katawan na humahadlang sa isang good night’s rest.
Mga Karaniwang Uri Ng Masahe
Mayroong iba’t ibang uri ng masahe na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan. Ang ilang karaniwang uri ng masahe ay ang mga sumusunod:
- Swedish Massage: Ang masahe na ito ay pinakaangkop para sa mga first-timer. Ang Swedish massage ay mahaba at banayad na mga stroke nang walang sobrang pressure.Ito ang uri ng masahe na dapat mong piliin kung gusto mong mag-relax.
- Sports Massage: Ang isang sports massage ay maaaring gumamit ng mga techniques sa masahe na makakatulong sa pagpapagaan o pagpigil sa anumang muscle strain mula sa mahigpit na pisikal na aktibidad. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga atleta.
- Trigger Point Massage: Ang mga trigger point massage ay pag apply ng pressure sa “trigger point” o mga tight spots kung saan ang mga muscles ay overworked dahil sa paulit-ulit na paggalaw. Maaari mong gawin ang mga trigger point na masahe sa iyong sarili kung nakakaramdam ka ng matinding pananakit sa ilang lugar.
- Deep Tissue Massage: Ang deep tissue massage ay para sa mga nabanat na muscles o iba pang katulad na injury na maaaring mangailangan ng higit na pressure.
Risk Ng Massage
Ang mga masahe ay karaniwang ligtas para sa sinuman kung gagawin ng isang lisensyadong massage therapist. Sa mga bihirang kaso, ang mga masahe ay maaaring maging risk ng :
- Nerve injuries
- Blood clots
- Mabali ang buto
- Iba pang damage sa muscles
Para maiwasan ang mga injury sa pagmamasahe, tiyaking magpa-appointment sa isang lisensyadong massage therapist mula sa mga reputable establishments. Pinakamabuting suriin ang silid o lugar kung saan ka magpapamasahe para matiyak na ikaw ay komportable at ligtas.
Key Takeaways
Ang mga benepisyo ng hilot ay marami at malawak na sinusuportahan sa Pilipinas. Ang hilot at masahe ay mahusay na paraan para makadagdag sa mga gamot o paggamot. Ito rin ay nakakatulong na mapawi ang mga sintomas o maging mas epektibo ang paggamot.
Gayunpaman, ang dalawang practices na ito ay hindi dapat gamitin bilang kapalit ng gamot na inireseta ng iyong doktor. Pinakamabuting kumunsulta sa iyong doktor bago mag-book ng appointment sa isang manghihilot o massage therapist.
Alamin ang iba’t pang Herbal at Alternatibong Medisina dito.