Alam mo ba ang mga uri ng allergy sa pagkain? Ito ay medyo karaniwang kondisyon. Sa katunayan, tinatayang may humigit-kumulang 2.5% ng populasyon ng mundo ang apektado ng mga allergy sa pagkain. Tatalakayin ng artikulong ito ang mga uri ng allergy sa pagkain, sintomas, pagsusuri, at paggamot para sa kundisyong ito.
Ano ang Allergy sa Pagkain?
Bago natin talakayin ang mga uri ng allergy sa pagkain, kailangan muna nating linawin kung ano ito. Ang allergy sa pagkain ay isang kondisyong pangkalusugan kung saan ang mga uri ng pagkain ay maaaring mag-trigger ng abnormal na tugon mula sa immune system ng katawan.
Ang hindi normal na reaksyon ay nagmumula sa immune system. Mali ang pagkilala nito sa sangkap ng protina ng ilang partikular na pagkain na nakakapinsala. Kapag nangyari ito, pipiliting protektahan ng immune system ang katawan sa pamamagitan ng ilang reaksyon. Pinaka kapansin-pansin ang paglalabas ng chemicals. Ang isang karaniwang kemikal na inilalabas ng katawan sa oras ng allergic reaction ay histamine, na humahantong sa pamamaga.
Bagaman hindi gaanong malala ang karamihan sa kaso ng allergy sa pagkain, may mga kaso na medyo malala. Ang malubhang allergic reactions na ito ay maaaring banta sa buhay. Kilala ang mga ito na anaphylaxis.
Sintomas ng Food Allergy
Ang mga sintomas ng allergy sa pagkain ay maaaring makita agad sa loob ng ilang minuto ng paglunok ng pagkain na nag-trigger ng allergic reaction sa loob ng ilang oras. Ilan sa mga mas karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng:
- Pamamaga sa ilang bahagi ng katawan tulad ng dila, mukha, at bibig
- Hirap sa paghinga dulot ng pamamaga
- Pagsusuka
- Pagbaba ng presyon ng dugo
- Pagtatae
- Mga pantal at makating skin rashes
Mga Allergy sa Pagkain kumpara sa Food Intolerance
May mga kaso na ang food intolerance ay napagkakamalang allergy sa pagkain. Maaaring magkapareho ang dalawang kondisyong ito ngunit may mga pangunahing pagkakaiba. Ang pangunahing pagkakaiba ay walang kaugnayan ang immune system sa food intolerance. Sa halip, digestive system ang pangunahing sangkot. Ang food intolerance ay nangyayari kapag ang isang pagkain ay nakakairita sa digestive system ng isang tao o kapag ang pagkain ay hindi natutunaw ng maayos. Ang lactose intolerance ay ang pinakakaraniwang uri ng food intolerance.
Nauugnay din ang food intolerance sa dami ng pagkain, o kung gaano karami ang kinain. Nagsisimula lamang ang sintomas nito kapag ang isang tao ay kumain ng maraming pagkaing nagti-trigger ng kondisyon. Samantala, ang allergy sa pagkain ay karaniwang hindi nauugnay dami ng kinain. Kahit na kaunting partikular na pagkain ay pwedeng mag-trigger ng allergic reaction.
Ang isa pang kondisyon na may kaugnayan sa pagkain na ibang-iba sa food allergy ay ang food poisoning. Ito ay dahil sa pagkain ng sira o panis na pagkain at hindi ito pre-existing condition ng taong kumakain ng pagkain.
Mga Uri ng Allergy sa Pagkain
Mayroong dalawang pangunahing uri ng allergy sa pagkain:
IgE-mediated food allergy. Ito ang pinakakaraniwang uri ng allergy, na nati-trigger kapag ang immune system ay gumagawa ng antibody na tinatawag na immunoglobulin E.
Non-IgE-mediated food allergy. Ito ay sanhi ng mga selula maliban sa immunoglobulin E.
Ang mga uri ng allergy sa pagkain ay batay sa mga uri ng pagkain na nagti-trigger sa kanila. Narito ang ilan sa mga mas karaniwang pagkain na nagdudulot ng allergy:
Itlog
Karaniwan ang allergy sa itlog, lalo na sa mga bata. Posibleng maging allergy lamang sa mga yolks at hindi sa puti ng itlog o vice versa. Ito ay dahil sa mga protina na matatagpuan sa dalawang bahagi ng itlog.
Gatas ng Baka
Ang allergy sa gatas ng baka ay karaniwan din sa mga bata at maging sa mga sanggol. Minsan, nangyayari ito kapag na-expose sila sa protina na nasa gatas ng baka bago sila umabot ng anim na buwan. Ang mga bata at matatanda na may ganitong uri ng allergy ay magpapakita ng mga reaksyon sa loob ng 5 hanggang kalahating oras ng pag-inom ng gatas.