backup og meta

Ano ang First Aid Kapag Nakakaranas ng Anaphylaxis

Ano ang First Aid Kapag Nakakaranas ng Anaphylaxis

Kapag mayroon kang allergies, ang immune system mo ay nag-o-overreact at itinuturing na nakakapinsala ang isang karaniwang harmless na foreign substance. Halimbawa, ang mga reaksyon ng iyong katawan—pagbahing, pantal, o sakit sa tiyan—ay pagpapakita ng pagtatangka ng katawan na alisin ang nasabing substance. Tatalakayin sa artikulong ito kung ano ang first aid sa anaphylaxis

Ano ang anaphylaxis? 

Kadalasang mild o moderate ang mga allergic reaction. Ang mga sintomas ay maaaring tumagal ng ilang minuto o oras, at kadalasang nawawala sa sandaling uminom ka ng mga gamot na pumipigil sa iyong katawan sa paggawa ng labis na antibodies.

Gayunpaman, mayroon ding mga tao na ang mga allergy ay napakalubha hanggang sa punto na banta ito sa buhay. Ang ganitong uri ng reaksyon ay tinatawag na anaphylaxis. ¹

Bagama’t nakakatakot ang makaranas ng anaphylaxis o masaksihan ang isang taong nagkakaroon nito, kailangan mong manatiling kalmado hangga’t maaari at maging mabilis sa pagharap sa sitwasyon. Sa agaran at maayos na pangangasiwa ng paggamot, makakapagligtas ka ng mga buhay. 

Maaaring wala kang sapat na oras na mag-search sa internet para sa “first aid sa anaphylaxis” kapag may isang tao na nakakaranas nito. Kaya mainam na higit na malaman ang tungkol sa kondisyon at kung ano ang maaari mong gawin bago pa man ito mangyari. 

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa first aid sa anaphylaxis:

Ano ang Sanhi ng Anaphylaxis?

Kadalasan, ang anaphylaxis ay sanhi ng malubhang allergy sa pagkain. Ang ilan sa mga pinakakaraniwang sanhi ay mga mani, mga tree nuts tulad ng mga walnut at kasoy, itlog, gatas ng baka, shellfish (lalo na ang hipon), toyo, at wheat.

Mayroon ding iba pang mga allergens na maaaring maging sanhi ng anaphylaxis. Kabilang dito ang latex, kamandag ng insekto, at ilang partikular na gamot. Tandaan na ang gamot mismo ay hindi nagiging sanhi ng allergic reaction⁴, ngunit sa halip ay isang partikular na aktibong sangkap. Samantala, ang pollen, pet dander, at iba pang allergens na nalalanghap ay bihirang nagdudulot ng anaphylactic shock.

Mga Sintomas ng Anaphylaxis

Depende sa pasyente, ang anaphylaxis ay maaaring makita sa isa o maraming paraan. Kabilang sa mga pinaka makikitang sintomas³ ang skin reactions tulad ng mga pantal, namumula na balat, o maputlang balat, pati na rin ang pamamaga sa mukha o kung saan nagkaroon ng kontak ang allergen.

Ang isang taong dumaranas ng anaphylaxis ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:

  • kinakapos na paghinga
  • paninikip ng dibdib
  • namamaga ang dila, lalo na kung ang sanhi ay pagkain
  • hirap sa paglunok
  • sakit sa tiyan
  • pagduduwal at pagsusuka
  • pagtatae
  • cramps
  • pagkalito
  • pagkawala ng malay

Kabilang sa mga di-nakikitang palatandaan ng anaphylaxis ang mababang presyon ng dugo at mahina, mabilis na pulso.

Marami sa mga sintomas sa itaas ay agad-agad na nagpapakita at lumalala. Halimbawa, ang isang pantal ay maaaring magsimula sa isang maliit na bahagi ng balat at pagkatapos ay masasakop ang buong katawan. Gayunpaman, may mga kaso ng anaphylaxis kung saan ang reaksyon ay hindi mangyayari hanggang ilang oras. 

Ano ang first aid sa anaphylaxis: Ano ang Gagawin Mo Kung Ikaw o Isang Tao ay Nakakaranas ng Anaphylaxis?

Kung nakakaranas ka ng anaphylaxis, dapat kang mabigyan agad ng gamot, tulad ng adrenaline (epinephrine).

Ang TANGING lugar para i-inject ito ay sa iyong outer mid-thigh. Kung hindi mo kaya, huwag mo na itong gamitin o ipa-inject ito ng iba para sa iyo. Ang pag-iniksyon ng adrenaline (epinephrine) sa anumang bahagi ng katawan ay maaaring magdulot ng malubhang epekto.

Samantala, kung ikaw ay isang bystander habang ang isang tao ay nakakaranas ng anaphylaxis, narito ang ilang mahahalagang hakbang na maaari mong gawin:

  • Kung maaari, alisin ang bagay na nagdudulot ng allergic reaction
  • Kung walang respiratory distress, ihiga ang tao na nakataas ang mukha sa isang patag na ibabaw, na bahagyang nakataas ang mga binti (upang ma-maximize ang perfusion ng vital organs). At kung nahihirapan sa paghinga o kung nagsusuka, ilagay sa komportableng posisyon, na bahagyang nakataas din ang mga binti.
  • Tanungin kung ang tao ay may adrenaline injector.
  • Kung oo ang sagot, kunin ang adrenaline injector at kumpirmahin kung kailangan ng tao ng tulong sa paggamit nito. Upang gawin ito, itusok ang injector sa outer thigh ng tao.
  • Kung ang tao ay nakasuot ng masikip na damit, sinturon, o mga accessories, paluwagin ang mga ito.
  • Panatilihing mainit ang tao gamit ang kumot o jacket.
  • Huwag painumin ng kahit ano upang maiwasan na mabulunan o magsuka.
  • Itagilid ang ulo kung may pagsusuka o pagdurugo mula sa bibig.
  • Tumawag ng ambulansya.
  • Tawagan ang emergency contact ng tao.

Ano ang first aid sa anaphylaxis:  Iba pang mga dapat gawin

Pagkatapos gamitin ang adrenaline injector, i-monitor ang kondisyon ng pasyente nang mga 5 minuto. Dapat bumuti ang kanyang kalagayan sa loob ng panahong iyon; kapag walang anumang pagbabago, magbigay ng pangalawang shot ng adrenaline.

Kung ang pasyente ay hindi humihinga, hindi nagpapakita ng anumang mga senyales ng paggalaw, o walang pulso (maaari itong suriin sa pamamagitan ng paghawak sa ibaba ng kanang panga ng pasyente), magsagawa kaagad ng CPR.

Kung sakaling wala kang anumang pagsasanay, maaari ka pa ring magsagawa ng tinatawag na hands-only o compression-only na CPR.⁶

Upang gawin ito, i-press nang husto ang dibdib ng pasyente (2-inch na lalim bawat compression) at gawin ang humigit-kumulang 100 compressions bawat minuto. Gawin ito hanggang sa huminga muli ang pasyente o hanggang sa dumating ang mga emergency responder.

Kung ang pasyente ay maraming gamot sa allergy, siguraduhing gamitin muna ang adrenaline injector. Pagkatapos, kapag nakakita ka ng pagbuti, maaaring isunod ang iba pang mga paggamot (hal., isang inhaler).  

Kinakailangan din na ilipat ang pasyente sa isang ospital para ma-obserbahan, kahit na maayos ang pag-respond niya sa adrenaline shot. Ito ay dahil ang isa pang pag-atake ng anaphylaxis ay maaaring mangyari pagkatapos ng una. Kadalasan, susubaybayan ng mga doktor ang pasyente sa loob ng 4 hanggang 5 oras.

Gaya ng naunang nabanggit, ang anaphylaxis ay maaaring maging banta sa buhay kung hindi bibigyan ng agarang paggamot. Kaya, kailangan mong maging mapagmasid at alam mo ang first aid sa anaphylaxis upang magawa mo kung ano ang kinakailangan. Pansinin ang mga detalye sa itaas upang mapanatili mong ligtas ang iyong sarili, ang iyong mga mahal sa buhay, o maging ang mga estranghero kung sakaling magkaroon ng anaphylactic shock.

Matuto pa tungkol sa first aid dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1. First Aid for Anaphylaxis by Mayo Clinic Staff https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-anaphylaxis/basics/art-20056608 Accessed October 14, 2022

2. Anaphylaxis – Causes and Symptoms by Mayo Clinic Staff

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anaphylaxis/symptoms-causes/syc-20351468 Accessed October 14, 2022

3. Anaphylaxis by Cleveland Clinic Staff

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8619-anaphylaxis#symptoms-and-causes Accessed October 14, 2022

4. Allergic Reactions Emergency First Aid

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/allergic-reactions-emergency-first-aid#symptoms-of-a-severe-allergic-reaction-anaphylaxis Accessed October 14, 2022

5. Biphasic anaphylaxis: review of incidence, clinical predictors, and observation recommendations by John W. Tole and Phil Lieberman

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17493505/ Accessed October 14, 2022

6. Hands-Only CPR by American Heart Association

https://cpr.heart.org/en/cpr-courses-and-kits/hands-only-cpr

7. Pathophysiology of Anaphylaxis by Stephen Kemp

https://www.uptodate.com/contents/pathophysiology-of-anaphylaxis?search=anaphylaxis&source=search_result&selectedTitle=4~150&usage_type=default&display_rank=4#H1

 

Kasalukuyang Version

01/29/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Humidifier ba o air purifier ang makatutulong sa allergy?

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement