backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ang Mga Uri ng Allergy sa Pagkain na Dapat Alam Mo

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD · General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Ang Mga Uri ng Allergy sa Pagkain na Dapat Alam Mo

    Alam mo ba ang mga uri ng allergy sa pagkain? Ito ay medyo karaniwang kondisyon. Sa katunayan, tinatayang may humigit-kumulang 2.5% ng populasyon ng mundo ang apektado ng mga allergy sa pagkain. Tatalakayin ng artikulong ito ang mga uri ng allergy sa pagkain, sintomas, pagsusuri, at paggamot para sa kundisyong ito.  

    Ano ang Allergy sa Pagkain?

    Bago natin talakayin ang mga uri ng allergy sa pagkain, kailangan muna nating linawin kung ano ito. Ang allergy sa pagkain ay isang kondisyong pangkalusugan kung saan ang mga uri ng pagkain ay maaaring mag-trigger ng abnormal na tugon mula sa immune system ng katawan. 

    Ang hindi normal na reaksyon ay nagmumula sa immune system. Mali ang pagkilala nito sa sangkap ng protina ng ilang partikular na pagkain na nakakapinsala. Kapag nangyari ito, pipiliting protektahan ng immune system ang katawan sa pamamagitan ng ilang reaksyon. Pinaka kapansin-pansin ang paglalabas ng chemicals. Ang isang karaniwang kemikal na inilalabas ng katawan sa oras ng allergic reaction ay histamine, na humahantong sa pamamaga.

    Bagaman hindi gaanong malala ang karamihan sa kaso ng allergy sa pagkain, may mga kaso na medyo malala. Ang malubhang allergic reactions na ito ay maaaring banta sa buhay. Kilala ang mga ito na anaphylaxis.

    Sintomas ng Food Allergy

    Ang mga sintomas ng allergy sa pagkain ay maaaring makita agad sa loob ng ilang minuto ng paglunok ng pagkain na nag-trigger ng allergic reaction sa loob ng ilang oras. Ilan sa mga mas karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng: 

  • Pamamaga sa ilang bahagi ng katawan tulad ng dila, mukha, at bibig
  • Hirap sa paghinga dulot ng pamamaga
  • Pagsusuka
  • Pagbaba ng presyon ng dugo
  • Pagtatae
  • Mga pantal at makating skin rashes
  • Mga Allergy sa Pagkain kumpara sa Food Intolerance

    May mga kaso na ang food intolerance ay napagkakamalang allergy sa pagkain. Maaaring magkapareho ang dalawang kondisyong ito ngunit may mga pangunahing pagkakaiba. Ang pangunahing pagkakaiba ay walang kaugnayan ang immune system sa food intolerance. Sa halip, digestive system ang pangunahing sangkot. Ang food intolerance ay nangyayari kapag ang isang pagkain ay nakakairita sa digestive system ng isang tao o kapag ang pagkain ay hindi natutunaw ng maayos. Ang lactose intolerance ay ang pinakakaraniwang uri ng food intolerance.

    Nauugnay din ang food intolerance sa dami ng pagkain, o kung gaano karami ang kinain. Nagsisimula lamang ang sintomas nito kapag ang isang tao ay kumain ng maraming pagkaing nagti-trigger ng kondisyon. Samantala, ang allergy sa pagkain ay karaniwang hindi nauugnay dami ng kinain. Kahit na kaunting partikular na pagkain ay pwedeng mag-trigger ng allergic reaction.

    Ang isa pang kondisyon na may kaugnayan sa pagkain na ibang-iba sa food allergy ay ang food poisoning. Ito ay dahil sa pagkain ng sira o panis na pagkain at hindi ito pre-existing condition ng taong kumakain ng pagkain.

    Mga Uri ng Allergy sa Pagkain

    Mayroong dalawang pangunahing uri ng allergy sa pagkain:

    IgE-mediated food allergy. Ito ang pinakakaraniwang uri ng allergy, na nati-trigger kapag ang immune system ay gumagawa ng antibody na tinatawag na immunoglobulin E.

    Non-IgE-mediated food allergy. Ito ay sanhi ng mga selula maliban sa immunoglobulin E.

    Ang mga uri ng allergy sa pagkain ay batay sa mga uri ng pagkain na nagti-trigger sa kanila. Narito ang ilan sa mga mas karaniwang pagkain na nagdudulot ng allergy:

    Itlog

    Karaniwan ang allergy sa itlog, lalo na sa mga bata. Posibleng maging allergy lamang sa mga yolks at hindi sa puti ng itlog o vice versa. Ito ay dahil sa mga protina na matatagpuan sa dalawang bahagi ng itlog. 

    Gatas ng Baka

    Ang allergy sa gatas ng baka ay karaniwan din sa mga bata at maging sa mga sanggol. Minsan, nangyayari ito kapag na-expose sila sa protina na nasa gatas ng baka bago sila umabot ng anim na buwan. Ang mga bata at matatanda na may ganitong uri ng allergy ay magpapakita ng mga reaksyon sa loob ng 5 hanggang kalahating oras ng pag-inom ng gatas.

    Tree Nuts

    Ito ay medyo tiyak na uri ng allergy at nati-trigger ng nuts at seeds mula sa mga puno. Alam mo ba na ito ay medyo karaniwan?  Ang ilang mga tree nuts na maaaring maging sanhi ng ganitong uri ng allergy ay kinabibilangan ng:

  • Almonds
  • Brazil nuts
  • Cashews
  • Macadamia nuts
  • Pistachios
  • Pine nuts
  • Walnuts
  • Ang food products na naglalaman ng mga ito ay maaaring mag-trigger ng allergic reaction.

    Mani

    Ang allergy sa mani ay isa sa mga pinakakaraniwan at kilalang uri ng allergy sa pagkain. Ito ay iba sa tree nut allergy, ngunit kung meron nito, madalas na mayroon din ng isa. Hindi pa malinaw kung ano ang nagiging sanhi ng mga allergy sa mani, ngunit ang genetics ang isang posibleng kadahilanan.

    Shellfish

    Ang allergy na ito ay sanhi ng pag-atake ng immune system sa mga protina na nagmumula sa shellfish tulad ng hipon, crayfish, lobster, pusit, scallops, at prawns. Ang pinakakaraniwang uri ng protina na matatagpuan sa shellfish na nag-trigger ng ganitong uri ng allergy ay tinatawag na tropomyosin.

    Soy

    Kadalasang nakakaapekto sa mga bata at sanggol ang uri ng allergy na ito. Nati-trigger ito ng protina na nasa soybeans at mga produkto na naglalaman ng soybeans.

    Wheat 

    Sa mga nakalipas na taon, naging pamilyar ang maraming tao sa wheat allergy. Ito ay dahil madalas itong makalito sa celiac disease. Ang wheat allergy ay nati-trigger ng mga protina na nasa wheat at may may daan-daang mga protina iyon.   

    Key Takeaway

    Ang mga ito ay ilan lamang sa mga mas karaniwang uri ng allergy sa pagkain na dapat mong malaman. Kung sa tingin mo na mayroon kang allergy sa pagkain, kumunsulta sa isang doktor. 

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Elfred Landas, MD

    General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement