Ang pagtulog ay mahalaga para sa mga proseso ng ating katawan na maaaring makaapekto sa ating pisikal at mental na kalusugan sa araw-araw. Maaaring makaapekto sa pokus at lakas ng isang tao ang kakulangan ng tulog. Sa katunayan, kinakailangan ng pito hanggang siyam na oras ng pagtulog gabi-gabi ang mga nasa hustong gulang. Ang mga bata at kabataan naman ay mas nangangailangan ng higit na tulog lalo na kung sila ay mas bata sa limang taong gulang.Ganito na lamang kahalaga ang pag-alam sa mga vitamins para sa mga laging puyat upang makatulong sa mismong oras ng pagtulog.
Insomnia
Maraming posibleng dahilan kung bakit napupuyat ang isang tao. Maaaring ito ay kaugnay ng kaniyang trabaho, pag-aaral at iba pa. Habang sa kabilang banda, mayroong mga medikal na kondisyong maaaring maging sanhi rin ng hirap sa tamang proses ng pagtulog, isa na rito ang insomia.
Ang insomia ay isang karaniwang karamdaman sa pagtulog na maaaring nahihirapang makatulog at/o manatiling tulog, o maagang nagigising at nahihirapan bumalik muli sa pagtulog na nagiging sanhi ng puyat. Nakaaapekto rin ang insomia sa lebel ng kasiglahan at maging sa ating kalusugan.
Mga Sintomas ng Insomnia
Batay sa American Psychiatric Association (APA), may humigit-kumulang 30% ng lahat ng nasa hustong gulang at 6-10% ng mga may malubhang sintomas na na-diagnose bilang insomnia disorder.
- Hirap makatulog sa gabi o puyat
- Nagigising sa gabi
- Gumigising nang masyadog maaga
- Hindi nararamdamang nakapagpahinga matapos makatulog
- Pagkapagod sa araw o pagkaantok
- Pagkairita
- Depresyon
- Pagkabalisa
- Hirap magpokus
Vitamins para sa mga Laging Puyat
Palaging tandaan na mabuting kumonsulta muna sa iyong doktor bago pa man uminom ng mga vitamins upang maiwasan ang paglala ng anumang karamdaman na nakaaapekto sa iyong pagtulog.
Vitamin D at Omega-3
Ayon sa pag-aaral, ang kombinasyon ng vitamin D at omega-3 ay nakatulong upang mapabuti ang pagtulog ng isang tao. Batay sa mananaliksik, marahil ito ay dahil sa serotonin.
Maaaring makakuha ng omega-3 sa flaxseed at chia seed habang ang vitamin D naman ay sa egg yolk, mushroom at iba pa.
Tryptophan
Isa rin ang tryptophan sa mga vitamins para sa mga laging puyat sapagkat ito ay dietary amino acid na ginagamit ng katawan upang makagawa ng serotonin. Ang serotonin ay kemikal na tumutulong sa pag-regulate ng pagtulog at melatonin. Matatagpuan ang tryptophan sa mga pagkaing may protina at mas ina-absorb ng katawan kapag sinasamahan ng carbohydrates.
Sa isang pag-aaral, nalaman na nasa edad na mahigit 55 na nahihirapang makatulog nang maayos ay natutulungan ng pagkaing may tryptophan. Maaaring ang mga pagkaing ito ay keso, tofu, pulang karne, manok, itlog, beans at oats.
Magnesium
Sa isang pag-aaral na isinagawa, napabuti ng supplement na may magnesium ang insomia at pagtulog ng mga matatandang kalahok. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang puyat na makaaapekto sa kalusugan.
Maaaring makakuha ng magnesium sa mani, beans, buto, tofu, at saging.
Melatonin
Ang ating katawan ay natural na gumagawa rin ng melatonin. Hindi ka pinapatulog ng melatonin ngunit habang tumataas ang antas ng melatonin sa gabi, tinutulungan ka nito na makatulog. Konektado sa oras ng araw ang melatonin na ginagawa ng ating katawan. Tumataas ito kapag madilim at bumababa naman kapag maliwanag.
Sa katunayan, karaniwang ginagamit ang melatonin sa mga taong may karamdaman sa pagtulog, tulad ng insomnia.
Mahalagang tandaan din sa pag-inom ng melatonin na kumonsulta sa iyong doktor. Huwag iinom nito kung ikaw ay buntis o nagpapadede o may autoimmune disorder, seizure o depresyon.
Mahalagang Tandaan
- Ang pagtulog ay mahalagang pangangailangan ng ating katawan upang magkaroon ng sigla at pokus sa susunod na araw.
- Iwasan ang pagpupuyat hangga’t maaari upang hindi maapektuhan ang pisikal at mental na kalusugan.
- Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang tunay na sanhi ng hirap sa pagtulog.
[embed-health-tool-bmi]