backup og meta

Mababang Sodium: Paano Nito Naaapektuhan Ang Immune System

Mababang Sodium: Paano Nito Naaapektuhan Ang Immune System

May kaugnayan ang mataas na salt intake sa pag-unlad ng cardiovascular diseases. Ito ang dahilan kung bakit nabuo sa kaisipan ng mga tao na mag-take lamang ng mababang sodium. 

Hinihimok ng health authorities ang publiko na maging maingat sa kanilang pagkonsumo ng sodium. Alam mo ba na meron ding koneksyon ang asin at immunity— maging sa low sodium at immune system? Paano nga ba nakakaapekto ang mababang sodium sa ating immune system? Alamin dito.

Koneksyon sa pagitan ng mababang sodium at immune system

Ang mga sumusunod na pag-aaral ay nagsasabi na ang mababang paggamit ng sodium ay puwedeng maging factor sa isang mas epektibong immune system.

Mababang sodium: Pag-take ng asin, immunity at hypertension

Sa isang pag-aaral na inilathala sa American Heart Association Journals, binanggit ng isang grupo ng researchers na ang immune system ay gumaganap ng isang active role sa pagbuo ng hypertension. Ang paggamit naman ng asin ay puwedeng maka-impluwensya sa mga pagbabago sa immune response.

Nang pinag-aralan ng researchers ang ilang mga study, nalaman nila na ang pagtaas ng paggamit ng asin ay nagpapasigla o stimulate sa paggawa ng ilang cytokines. Ang resulta? Pagkasira ng organ at pamamaga.

Pagtaas ng paggamit ng asin at sobrang immune responses

Sa isang scientific investigation, kinumpara ang immune response, sa pagitan ng healthy participants na may iba’t ibang antas ng paggamit ng asin: 6 grams bawat araw, 9 grams bawat araw, at 12 grams bawat araw.

Sa pagtatapos ng pag-aaral, nakita ng researchers na mayroong direktang koneksyon sa pagitan ng monocyte number at paggamit ng sodium. Makikita na ang kalahok na may 12 grams ng asin araw-araw ay may pinakamataas na antas ng monocytes. Ang monocytes ay isang uri ng white blood cell na karaniwang ginagawa ng katawan kapag may impeksyon. Ito ay nagpapahiwatig ng “sobra” ang immune responses, na pwedeng magdulot ng pinsala sa balanseng immune system.

Bukod diyan, naobserbahan din nila na ang mas mababang sodium intake ay sanhi ng pagbawas ng antas ng cytokines. Kung saan, ito ang nagtataguyod ng pamamaga. Gayunman, pinataas din nito ang level ng cytokines na may anti-inflammatory effects.

Ang sobrang asin ay nagpapahina ng immune system

Ano ang kaugnayan ng mababang sodium at immune system? Ang mababang sodium nga ba ay mabuti para sa immune system? Pwede ito ayon sa isang recent na pag-aaral sa Unibersidad of Bonn.

Nagbanggit ang mga researcher ng dalawang pag-aaral: isang eksperimento sa mga hayop at pananaliksik sa mga kalahok ng tao.

Ipinakita sa animal study, na ang mga daga na may mataas na antas ng sodium ay may 100 hanggang 1,000 beses na disease-causing pathogens. Kung saan, ang impeksyon sa ihi ng laboratory mice ay tila mas mabagal ang paggaling. Lalo na kung taglay nila ang mataas na antas ng asin sa katawan.

Gayundin, tila nakapagdevelop ng mahinang immunity ang mga volunteer na kumonsumo ng 6 na grams ng asin, sa kanilang karaniwang diet sa loob ng isang linggo.

“Coped much worse” sa bakterya. Ito ang napansin ng mga researcher sa immune cells pagkatapos ng diet na may mataas na asin.

Paano masasabi na sobra na ang asin sa katawan?

Pag-usapan naman natin ang malusog na paggamit ng asin. Ibig sabihin ba nito ay may koneksyon ang mababang sodium at immune system?

Ayon sa mga eksperto, ang adults ay dapat magkaroon ng hindi hihigit sa 5 grams ng asin (2 grams ng sodium) bawat araw.

Ang problema dito— karamihan sa tao ay kumokonsumo ng humigit-kumulang 9 hanggang 12 grams ng asin araw-araw. Iyan ay higit sa dalawang beses sa inirekomendang amount.

Makatutulong na tandaan na maraming pagkain ang naglalaman ng asin. Ang pag-abot sa salt shaker upang magdagdag ng lasa sa pagkain ay pwedeng maging sanhi ng labis na paggamit ng asin.

Case in point: Sa bawat oras na kumain ka ng isang slice ng pizza, sandwich, crisps, soup, o cereal— ito ay naglalaman ng asin o sodium.

Kaya, ‘wag kalimutang suriin ang label ng pagkain. Higit pa rito, tandaan na may mga alternatives para sa asin. Lalo na pagdating sa pampalasa ng iyong pagkain.

Pagpapalakas ng iyong immune system

Sa talakayan tungkol sa mababang sodium at immune system. Makikita na ang mababang paggamit ng sodium ay pwedeng isang factor lamang sa pagpapalakas ng iyong immune system. Tandaan na maraming bagay ang ginagawa mo sa araw-araw na pwedeng tumulong sa pagpapalakas ng immunity.

‘Wag kalimutang maging malusog at mag-balance diet. Kung saan, ito ay binubuo ng prutas, gulay, whole grains, at lean protein. Bukod pa rito, magsagawa ng regular na ehersisyo at magkaroon ng sapat na tulog at pahinga. Panghuli, makipag-usap sa’yong doktor— sa sandaling makaranas ka ng mga hindi maipaliwanag o hindi inaasahang mga sintomas.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Salt Intake and Immunity
https://www.ahajournals.org/doi/10.1161/HYPERTENSIONAHA.118.11128
Accessed June 15, 2021

Effects of dietary salt levels on monocytic cells and immune responses in healthy human subjects: a longitudinal study
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25497276/#:~:text=The%20studies%20on%20mice%20have,on%20human%20immunity%20is%20scarce.
Accessed June 15, 2021

Too much salt weakens the immune system
https://www.sciencedaily.com/releases/2020/03/200325143815.htm
Accessed June 15, 2021

Salt is new culprit in autoimmunity
https://medicine.yale.edu/news/medicineatyale/salt-is-new-culprit-in-autoimmunity/
Accessed June 15, 2021

Salt reduction
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/salt-reduction
Accessed June 15, 2021

Salt: the facts
https://www.nhs.uk/live-well/eat-well/salt-nutrition/#:~:text=Adults%20should%20eat%20no%20more,)%20%E2%80%93%2
Accessed June 15, 2021

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement