Mahilig ka bang manood ng cooking vlogs? Kung “oo”, siguradong nakatagpo ka ng mga chef na nagpapakita ng mga benepisyo ng Himalayan pink salt. Ito ang alternatives na madalas ipamalit sa white table salt— na nakasanayan gamitin ng maraming tao.
Kaya ang madalas na tanong ngayon, may pagkakaiba ba ang dalawang ito? Ano ang mga benepisyo ng Himalayan pink salt?
Ano ang Himalayan Pink Salt?
Ang Himalayan salts ay kadalasang nagmumula sa Punjab, isang lugar sa Pakistan malapit sa paanan ng Himalayas.
Hindi tulad ng karaniwang rock salt na kadalasang mayroon sa bahay ng mga Pilipino. Ang Himalayan salt crystals ay may kaakit-akit na kulay-rosas na kulay. Kaugnay nito, marami ang nagtatanong kung ang asin na ito ay mas mabuti ba para sa’ting kalusugan?
Ayon sa mga pagsusuri, ang Himalayan pink salts ay tulad din ng karaniwang table salts. Pareho itong binubuo ng sodium chloride. Gayunpaman, may mga pag-aangkin o claims na ang mga pink salt ay naglalaman ng 84 trace minerals at elements. Kung saan, ang ilan sa mga ito ay hindi mahahanap sa karaniwang rock salts.
Higit pa rito, kumpara sa table salts, ang Himalayan pink salts ay mas maraming taglay na calcium, potassium, at magnesium. Sinasabi ng mga eksperto na ang trace minerals na ito ang nagbibigay sa kanila ng pinkish na kulay at bahagyang kakaibang lasa.
Paano mo gagamitin ang benepisyo ng Himalayan pink salt pagdating sa pagkain?
Pwede mong gamitin ang Himalayan pink salts, sa parehong paraan ng paggamit ng table salt sa pagluluto at iba pang uri ng paghahanda ng pagkain. Maaari mo itong ipahid sa karne, ihalo sa mga marinade at sarsa, o gamitin ito bilang last-minute seasoning.
Ang trace elements ba ay ginagawang “mas mahusay” ang Himalayan salts?
Sinasabi na ang Himalayan pink salts ay maaaring nagtataglay ng mas maraming trace elements. Ngunit hindi ito nangangahulugang na mas mabuti o mas malusog ang mga ito.
Ayon sa mga eksperto, ang trace elements sa pink salts ay kaunti lamang. Hindi sapat ang dami ng trace elements para magkaroon ng epekto sa pagkain.
Para ilagay ang mga bagay sa perpektibo, isipin ito sa ganitong paraan:
- Saan man sila nagmula, karamihan sa mga asin ay naglalaman ng halos kaparehong dami ng sodium chloride, na humigit-kumulang 98%.
- Kung ang pink Himalayan salts ay naglalaman din ng 98% sodium chloride. Ang trace elements naman ay mayroon lamang na 2% na salt’s composition.
Kung nais mong makakuha ng mas maraming kapaki-pakinabang na trace elements, kailangan mong mag-consume ng mas maraming asin.
Ito ay counterproductive dahil ang pagtaas ng pagkonsumo ng asin ay nauugnay sa mga kondisyong nagbabanta sa buhay, tulad ng hypertension, atake sa puso, at stroke.
Benepisyo ng Himalayan salt: Mayroon nga ba?
Pwedeng mayroong benepisyo ang pink salt. Ngunit sinasabi ng mga eksperto na kailangan natin ng higit pang mga pag-aaral para patunayan ang mga ito.
Halimbawa, maraming brand ng Himalayan pink salts ang may malalaking butil. Ang pag-scoop sa kanila gamit ang teaspoon ay pwedeng mangahulugan na mas kaunting sodium chloride— ang gagamitin sa pagluluto.
Gayunpaman, ang ilang mga tao ay nagsasabi na ang pink salt ay mas maalat. Sinasabi na maaaring hindi mo kailangang gumamit ng marami nito, upang makuha ang ninanais na lasa.
Ayon din sa mga ulat ang pink salt ay “mas natural”. Dahil naglalaman ito ng mas kaunting additives. Pwedeng totoo ito, subalit mangyaring tandaan na ang kadahilanang ito ay kadalasang nakadepende sa brand na iyong pipiliin.
Mga paalala kapag gumagamit ng pink salts sa pagluluto
Ang unang bagay na dapat mong tandaan ay ito: ang pink salts ay asin pa rin. Maaaring mayroon silang mas maraming trace element at mas kaunti ang kanilang additives. Ngunit ang pangunahing komposisyon ng mga ito ay nananatiling sodium chloride. Isang compound na maaaring negatibong makaapekto sa kalusugan ng isang tao kapag tinake nang sobra.
Huwag kalimutan na tingnan ang nutritional labels. Tulad ng mga nabanggit, ang ilang brands ay mayroong mas malalaking kristal na asin. Habang ang iba naman ay mayroong mas maliliit na butil. Para maging tiyak sa nilalaman ng sodium, suriin ang nutritional facts nito.
At isa pa, maging maingat sa’yong iodine intake. Dahil karamihan sa table salts ay “iodized”, para makatulong na maiwasan ang iodine deficiency. Ang pagpili ng Himalayan pink salts ay pwedeng magpahiwatig na magkakaroon ka ng mas kaunting iodine sa’yong diyeta.
Key Takeaways
Anuman ang asin na pipiliin mo para sa’yong mga pagkain. Tandaan na ang labis na paggamit ng sodium ay pwedeng negatibong makaapekto sa’yong kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]