backup og meta

Pamalit sa Pagkain na Meal Replacement Shakes: Epektibo Ba Ang Mga Ito?

Pamalit sa Pagkain na Meal Replacement Shakes: Epektibo Ba Ang Mga Ito?

Kung ang usapan ay pagpapalaki ng muscle at pagdaragdag ng timbang, maraming mga pagpipiliang paraan mula rito. Isa sa pinakakaraniwan ay ang iba’t ibang meal replacement shakes na pamalit sa pagkain para sa pagdaragdag ng timbang.

Siguro’y nakita mo na ang mga shakes na ito na nabibili sa mga health supply stores. Maaaring nakakita ka na rin ng mga binebenta sa online tulad ng supplements upang makatulong sa pag-gain ng muscle at pagdaragdag ng timbang.

Ngunit ano eksakto ang mayroon sa meal replacement shakes, at ito ba talaga ay epektibo? Alamin natin.

Ano ang mga Meal Replacement Shakes na Pamalit sa pagkain?

Ang meal replacement shakes ay mayroong lahat ng nutrisyon na kinakailangan ng iyong katawan. Ito ay powder form na pupwede nang ihalo sa tubig.

Mayroong iba’t ibang type ng meal replacement shakes, at ang bawat isa ay may iba’t ibang gamit. Maaaring ireseta ng mga doktor ang mga meal replacement meals na ito para sa mga taong may sakit, o ang mga hindi kayang ngumuya o lumunok ng pagkain. Makatutulong ito na mapakain sila nang mas madali, gayong ang mga meal replacement shakes ay isa nang kompletong meal.

Ang mga doktor ay maaaring magpayo rin para sa pagbawas ng timbang ng mga obese o labis ang timbang na mga pasyente. Ito ay nakatutulong sa portion control at makasisigurado na hindi sila sobra na nakakain sa kinakailangan nila.

Gumawa na rin ang ilan sa mga manufacturers ng meal replacement shakes upang matulungan sa pagdaragdag at pag-gain ng muscle. Ang mga ito ay maaaring mabili na sa health food stores, at ito ay sobrang popular sa mga body builders, weightlifters, mga atleta, o sinoman na nagnanais na magdagdag ng timbang, mag bulk up at, mag-gain ng muscle.

Ang pamalit sa pagkain na mga ito ay kadalasan na mayroong mas maraming protina kumpara sa ibang types. Maaaring mayroon din itong ibang mga bitamina at minerals na dinisenyo upang kumilos nang kasabay ng iba pa upang mapabuti ang paglaki ng muscle. Mayroon din itong carbohydrates na tumutulong magbigay ng lakas sa pag-eehersisyo.

Benepisyo ng Meal Replacement Shakes para sa Pagdaragdag ng Timbang

Ang pinaka benepisyo ng paggamit ng meal replacement shakes ay ang pagiging convenient nito. Ang kailangan mo lang ay paghaluin ang powder kasama ang tubig, at mayroon ka nang agad na kompletong meal sa paraang inumin.

Dahil ang mga shakes na ito ay naglalaman lamang ng mga mahahalagang nutrisyon na kinakailangan ng katawan, kadalasan, wala itong dagdag na fat o sugar. Ang mga shakes na pamalit sa pagkain ay naglalaman din ng maraming calories, na ang ibig sabihin ay maaari kang makadagdag ng timbang nang mas mabilis.

Maaari ka ring uminom ng mga ganitong shakes kasabay ng pagkain ng mga prutas at gulay, na mas masustansyang alternatibo kaysa sa mas maraming kinakain.

Ang ilang mga meal replacement shakes ay vegetarian din o vegan. Para sa mga taong may istriktong diet, ang mga meal replacement shakes na ito ay lubhang nakatutulong.

Isa sa magandang bagay tungkol sa mga shake ay napapanatili nitong mas busog ang sistema sa mas mahabang panahon. Ibig sabihin, kung isasabay mo ang pag-eehersisyo, hindi ka mangangamba sa banta na makadaragdag ng sobrang timbang at pagiging hindi malusog.

pamalit sa pagkain

Gaano Kaligtas ang Meal Replacement Shakes para sa Pagdaragdag ng Timbang?

Sa pangkalahatan, ang shakes na pamalit sa pagkain ay masustansya. Wala ring problema kung magdedesisyon kang gamitin ito para sa pagdaragdag ng timbang. Gayunpaman, may panganib sa paggamit ng mga shake na ito, lalo na kung ang nabiling mga produkto ay hindi accredited o hindi natugunan and mga safety standards.

Sa nakalipas na panahon, may mga naging mga problema na sa mga protein powders at meal replacement shakes na naglalaman ng mga nakapamiminsalang kemikal. Ang dahilan ay ang mga powders na ito ay kinokonsiderang food supplements at hindi gamot. Ibig sabihin, ang standard kung paano sila sinusuri ay mas relax kumpara sa ibang mga produkto.

Kaya’t mahalagang laging suriin ang label, at bumili lamang ng mga produkto na mula sa mga  mapagkakatiwalaan na brand. Subukang iwasan na bumili ng mga meal replacement shakes na naka-re-pack na at mukhang mumurahin, o di kaya ay mula sa hindi kilalang manufacturer.

Sa pagsunod ng mga simpleng tips na ito masisiguro na ikaw ay hindi kumokonsumo ng hindi ligtas sa katawan.

Ibang Mga Panganib

Bago gumamit ng mga shakes na pamalit sa pagkain, kinakailangan maging maalam sa mga posibleng panganib:

  • Ang pagiging kulang sa timbang ay maaaring sanhi ng kondisyong medikal. Kung ito ang dahilan, sumailalim sa pagpapagamot ng kondisyon ang pinakamainam na paraan kaysa sa basta pag-inom ng pamalit sa pagkain.
  • Subukang iwasan ang pag-inom lamang ng meal replacement meal para sa iyong pagkain. Mas mainam kung magdaragdag ng mga gulay at prutas para sa balanseng diet.
  • Sigurahin na mag ehersisyo ng kahit 30 minuto kada araw. Ang pag-inom ng shakes ay hindi magiging epektibo kung hindi sasabayan ng tamang ehersisyo.
  • Kung nakaranas ng mga problema sa diet, tulad ng sakit ng tiyan, ihinto ang pag-inom ng meal replacement shakes.
  • Ang meal replacement shakes ay maaaring maglaman ng maraming calories. Kaya’t siguraduhin sapat lamang ang inumin na kailangan sa isang araw.
  • Bumili lamang ng mga meal replacement shakes galing sa mga pinagkakatiwalaang brand. Bukod dito, subukang tumingin sa mga rebyu online upang mas maraming malaman sa produkto.
  • Ang pamalit sa pagkain na shakes ay hindi lamang ang tanging paraan para magdagdag ng timbang, ang pagkain ng masustansyang diet ay maaaring makatulong din dito.

Mahalagang Tandaan

Isa pa sa mahalagang bagay na dapat tandaan na tungkol sa diet ay ang layuning magpalusog. Kaya mas aminam na komunsulta muna sa iyong doktor. Sa pangkalahatan, hindi magandang ideya na biglaang magbago ang iyong diet dahil magiging sanhi ito ng salungat na epekto sa iyong kalusugan. 

Ang isang doktor o dietician ay maaaring gumabay sa maaari mong gamitin na meal replacement shake.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Efficacy of a meal replacement diet plan compared to a food-based diet plan after a period of weight loss and weight maintenance: a randomized controlled trial, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2851659/, Accessed September 1 2020

The hidden dangers of protein powders – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-hidden-dangers-of-protein-powders, Accessed September 1 2020

Are liquid meal replacements safe and effective for weight loss? – Mather Hospital, https://www.matherhospital.org/weight-loss-matters/are-liquid-meal-replacements-safe-and-effective-for-weight-loss/, Accessed September 1 2020

Protein shakes: Good for weight loss? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/protein-shakes/faq-20058335, Accessed September 1 2020

Effects of a Meal Replacement on Body Composition and Metabolic Parameters among Subjects with Overweight or Obesity, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6327254/, Accessed September 1 2020

The scoop on protein powder – Harvard Health Blog – Harvard Health Publishing, https://www.health.harvard.edu/blog/the-scoop-on-protein-powder-2020030918986, Accessed September 1 2020

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Lift Me Up: Benepisyo ng BCAAs sa Muscles

Ano ang Benepisyo ng Protein Shake?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement