backup og meta

Pagkain Bago Mag-Ehersisyo Sa Umaga: Dapat Ba Itong Gawin?

Pagkain Bago Mag-Ehersisyo Sa Umaga: Dapat Ba Itong Gawin?

Narinig na nating lahat na ang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa umaga dahil marami itong benepisyo sa ating kalusugan. Gayunpaman, ang ilan pa rin sa atin ay mas gustong mag-ehersisyo o mag-jog muna sa umaga. Ngunit ang tanong, ang pagkain bago mag-ehersisyo sa umaga ay isa bang magandang ideya para sa ating kalusugan? Alamin dito!

Mga Pros ng pagkain bago mag-ehersisyo sa umaga

Mas maraming enerhiya

Karaniwan ang pag-eehersisyo sa umaga ay iba sa pag-eehersisyo sa hapon at gabi dahil karaniwan kang fasted nang hindi bababa sa 8 oras. Sa paggising, ang iyong katawan ay naubos na ang karamihan ng glucose at glycogen, na nagpapababa ng iyong blood sugar.

Dahil ang utak ay nangangailangan ng glucose at ang mga muscle ay nag-iimbak ng glycogen para pasiglahin ang sarili sa oras ng aktibidad, mahalaga na i-refuel ang iyong katawan, at ang kombinasyon ng simple at complex carbs ang pinakamainam na kainin sa umaga.

Ang mga simple carbs ay may kasamang sugar, na matatagpuan sa prutas, honey, table sugar, at juice. Habang ang refined grains tulad ng puting bigas at tinapay ay technically na complex carb. Gayunpaman mayroon silang mas kaunting nutritional value at fiber kaysa sa mga whole grain na pagkain at starch na gulay.

Dagdag pa, mas matagal din na ma-break down ang complex carbs kung saan ito ang nagbibigay ng mas sustainable na enerhiya. Huwag ding kakalimutan na ang brown rice, whole wheat bread, at oatmeal ay magandang sources din ng complex carbs, fiber, at protina.

Paunlarin ang Mood

Bilang karagdagan sa pagpro-provide ng enerhiya upang simulan ang iyong araw, ang masarap na almusal ay maaaring maglagay sa’yo sa isang magandang mood. Ang pagkakaroon ng makakain sa umaga ay makapagbibigay sa’yo ng motibasyon para magpapawis at ang mababang blood sugar sa umaga ay maaaring makapagdulot sa’yo ng pakiramdam na pagkatamad at pagiging iritable. Muli, ang kombinasyon ng simple at complex carbs ay isang magandang paraan upang simulan ang iyong araw.

Mas magandang performans

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming enerhiya at magandang mood kapag aalis ka sa’yong tahanan, ikaw ay halfway ready para sa’yong pag-eehersisyo. Ang pagkain bago mag-ehersisyo sa umaga ay ang magpapanatili sa’yo at makapagbabawas ng risk para sa mga injury. Kung ikukumpara sa pag-eehersisyo habang fasted, makikita mo ang iyong sarili na mas mabilis na tumatakbo, mas nakabubuhat ng mabibigat, at mas nakapagtitiis ng mas matagal.

Ang pagkain ng kaunting protina bago mag-ehersisyo ay nagbibigay sa’yong mga muscle ng fuel para mas palakasin ka. Ang pagkain ng ilang yogurt o gatas kasama ng iyong bowl of oatmeal at prutas ay isang well-rounded breakfast.

Mga Cons ng pagkain bago mag-ehersisyo sa umaga

Nakauubos ng oras

Kahit na mahalaga ang almusal, madalas nating pinipiling matulog sa halip na bumangon kaagad. Kaya kaunti o wala ng oras para makapaghanda ng masustansiyang almusal o ehersisyo. Dagdag pa, kapag mayroon tayong oras madalas naman tayong nahuhuli sa pagpili sa pagitan ng dalawa.

Ang fast food ay convenient ngunit hindi ito ideal dahil karaniwang naglalaman ito ng mataas na amounts ng fat na mas mahirap tunawin. Sa halip, ang paghahanda ng pagkain sa gabi ay mas mabilis at malusog para ma-simplify ang iyong morning routine.

Mabigat na Pakiramdam

Ang isang dahilan kung bakit gusto ng mga tao na iiskip ang almusal sa umaga ay dahil ito’y nagpaparamdam sa kanila ng kabusugan o kabigatan. Hindi ito ideal sa panahon ng pagtakbo o habang nagbubuhat ng mga mabibigat dahil ang pagkain ng sobra o masyadong maaga bago ang isang pag-eehersisyo ay maaaring makapagdulot ng discomfort o pakiramdam na nasusuka. Gayunpaman, ang pagtakbo o paggalaw nang buong tiyan ay hindi nagdudulot ng apendisitis—ito ay isang pamahiin lang.

Mahinang Panunaw

Iwasan ang pagkain ng masyadong maraming taba at protina bago mag-ehersisyo sa umaga. Bagama’t mahalaga pa rin ang protina at taba bilang bahagi ng isang malusog na diyeta, mas mahirap silang matunaw kumpara sa mga carbohydrate. Mag-opt para sa mga low-fat dairy products tulad ng skim milk at yogurt, at kung ikaw ay lactose intolerant o nasa isang plant-based na diyeta, maaari mong subukan ang gatas bilang pamalit.

Dagdag pa rito, ang pagkain ng masyadong maaga bago ang isang pag-eehersisyo ay maaaring makahadlang sa’yong performans dahil sa panahon ng ehersisyo, mas maraming dugo ang umiikot sa’yong mga muscle para makasuplay ng oxygen at mag-alis ng mga dumi. Kaya naman ang tiyan at digestive tract ay tumatanggap ng mas kaunting daloy ng dugo, na maaaring magresulta sa hindi pagkatunaw ng pagkain at pananakit ng tiyan.

Ano ang pagkain bago mag-ehersisyo sa umaga

Ang pinakamainam na pagkain bago mag-ehersisyo sa umaga ay isang light meal na madaling matunaw sa maikling panahon. Bigyan ang iyong sarili ng hindi bababa sa 3 oras bago mag-ehersisyo upang matunaw ang iyong pagkain. Kung kakain ka lamang ng isang quick snack sa halip na isang whole meal, maaari kang kumain ng kahit ano nang hindi bababa sa 30 minuto bago.

Magandang pre-workout na pagkain

  • Cereal (iwasan ang mga sugar-coated o matamis na cereal)
  • Oatmeal
  • Whole wheat bread
  • Fruit smoothie
  • Mga sariwang cut fruit (lalo na ang mga saging at mansanas)
  • Maliit na serving ng walang taba na manok o isda
  • Mga itlog
  • Low-fat milk o milk substitutes
  • Tubig

Masamang pagkain bago mag-ehersisyo

  • Canned meat
    • Pritong pagkain
  • Bacon
    • Letsugas
    • Repolyo at brokuli
    • Mga salad
    • Mga mani
  • High-fiber food
  • High-protein shakes

Key Takeaways

Ang pagkain ng almusal bago ang pag-eehersisyo sa umaga ay mainam. Gayunpaman ang tamang pagkain sa tamang oras ay ang susi para hindi makaramdam ng pamamaga o hindi pagiging komportable habang nag-eehersisyo. Makipag-usap sa’yong doktor o fitness coach para malaman ang tamang programa sa diyeta at ehersisyo para sa’yong mga layunin sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

Isinalin sa Filipino ni Lornalyn Austria

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Exercise Training and Fasting: Current Insights https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6983467/ Accessed January 8, 2021
  2. Food as Fuel Before, During and After Workouts https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/nutrition-basics/food-as-fuel-before-during-and-after-workouts Accessed January 8, 2021
  3. Timing Your Pre- and Post-Workout Nutrition https://www.eatright.org/fitness/exercise/exercise-nutrition/timing-your-pre-and-post-workout-nutrition Accessed January 8, 2021
  4. Exercising on an Empty Stomach: Good Idea or Not? https://consumer.healthday.com/fitness-information-14/misc-health-news-265/exercising-on-an-empty-stomach-good-idea-or-not-735611.html Accessed January 8, 2021
  5. Eating and exercise: 5 tips to maximize your workouts https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/in-depth/exercise/art-20045506 Accessed January 8, 2021

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Iwasan Ang Injury sa Workout: Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin

Gaano Katagal Dapat ang Pahinga sa Workout? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement