backup og meta

Lift Me Up: Benepisyo ng BCAAs sa Muscles

Lift Me Up: Benepisyo ng BCAAs sa Muscles

Bukod sa whey protein, ang isa pang kilalang supplement sa mga bodybuilder at atleta ay ang BCAA supplements. Ang amino acids, o branched-chain amino acids (BCAAs), ay karaniwang ginagamit bilang dietary supplement ng maraming atleta at mga taong gumagawa ng regular at katamtamang pisikal na aktibidad, anuman ang exercise level. Ano ang mga benepisyo ng BCAAs?

Ang BCAA ay napatunayang nakakadagdag ng muscle mass at naglilimita sa structural at metabolic disorders na nauugnay sa mga karamdaman sa paggalaw.

Ang BCAAs ay pangunahing matatagpuan sa animal foods tulad ng gatas. Mayaman sa BCAAs at  leucine ang isolated milk protein (whey protein). Mayroon ding mababang amino acid (tulad ng soybeans) ang ilang mga gulay at plant-based foods.

Mga Benepisyo ng BCAAs sa Kalusugan

Muscle Protein Synthesis

Kabilang sa maraming benepisyo ng BCAAs ay direktang naiimbak ito sa muscle tissue. Tumutulong ito sa pagbuo ng bagong muscles at nagdaragdag ng lakas. Ang muscle tissues ay binubuo ng dalawang uri ng mga protina, actin, at myosin. 

Ang dalawang protinang ito ay may tatlong uri ng amino acids: leucine, isoleucine, and valine. Mahalaga para sa pagbuo ng bagong muscles at pagpapanatili ng muscles ang tatlong ito. Nadagdagan ng BCAA supplements ang raw materials ng muscle tissue at tumutulong sa muscle building. 

Pag-iwas sa Muscle Damage

May mga patunay na ang eccentric muscle contraction ay nagdudulot ng pananakit at pinsala sa muscles (dumadami ang myofibril laceration). Ito ay dahil sa pagtagas ng protina sa systemic circulation (proteolysis). 

Maaaring mabawasan ang pinsala sa muscles at maiwasan ang panghihina ng mga kalamnan. Ito ay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng BCCAs nang maaga, bago, habang, at/o pagkatapos ng pisikal na aktibidad. Ang paggamit ng protina pagkatapos ng ehersisyo ay nagpapataas ng mga rate ng muscle protein synthesis.

Pinasisigla nito ang kabuuang paglaki ng muscle protein. Pinoprotektahan din nito ang mga skeletal muscles mula sa pinsala sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng adaptive response sa long-term training.

Benepisyo ng BCAAs bilang Fuel Source Habang Nag-eehersisyo   

Kapag ang isang athlete at puwersado ang pag-eehersisyo nang matagal, ang katawan ay nagsisimulang mag-break down protina at kumonsumo ng BCAAs upang madagdagan ang hindi sapat na pinagkukunan ng enerhiya. Ang amino acids ay mga protina ng kalamnan na nagsisilbing source ng enerhiya sa panahon ng ehersisyo. 

Pagkatapos ng isang kompetisyon, ang blood levels ng atleta ng mga BCAA ay maaaring bumaba ng hanggang 20% dahil sa pagkonsumo ng mga intramuscular na BCAA sa panahon ng matagal na ehersisyo. Tumataas ang tissue sa pamamagitan ng muscle regeneration pagkatapos ng ehersisyo. Nakakatulong sa prosesong ito ang paggamit ng BCAAs, ang source ng muscle.

Benepisyo ng BCAAs sa Pagbabawas ng Fatigue

Isa sa mga benepisyo ng BCAAs ay ang pagtulong nito sa mga atleta na makabawi mula sa pagod. Mas mabilis na sinisipsip ang ang amino acids kaysa sa protina. Samakatuwid, madali itong mapalitan sa panahon ng pisikal na aktibidad. Gumagana rin ang BCAAs upang bawasan ang produksyon ng lactic acid, na nagiging sanhi ng pagkapagod. Ang mga BCAA ay maaaring maging mga neurotransmitter upang mabawasan ang pagkapagod.

Ang neurotransmitters ay mga kemikal sa ating nervous system na naghahatid ng mga signal sa pamamagitan ng mga nerves at utak. Nagpakita ang ilang mga pag-aaral na ang paggamit ng BCAA supplements bago mag-ehersisyo ay nagpapabuti din sa BCAA profile sa dugo.

Mga Benepisyo ng BCAAs sa Pagbabawas sa Panganib ng Sakit sa Atay

Iniugnay ng mga pag-aaral ang mga BCAA sa paggamot sa sakit sa atay. Isinagawa ang controlled research upang imbestigahan ang epekto ng pangmatagalang oral supplementation ng branched-chain amino acids (BCAAs) sa event-free survival sa 622 na pasyente na may decompensated cirrhosis. Sa pag-aaral na ito, sinuri nila ang pag-develop ng liver cancer.

Ang mga subject ay hinati sa dalawang grupo. Isang grupo ang nakatanggap ng 12 g/araw ng BCAA treatment. Ang ibang grupo ay nakatanggap ng diet na naglalaman ng katumbas na daily intake ng enerhiya at protina. Ginawa ang mga ito upang malaman ang mga dahilan na nakipag-ugnayan sa dalawang treatment groups.

Ang paghahambing ng grupo ng BCAA sa grupo ng diet ay nagpakita na ang grupo ng BCAA na may body mass index na 25 o mas mataas at isang antas ng Alpha-Fetoprotein Tumor Marker (AFP) na 20 ng/ml ay nagkaroon ng kabawasan sa panganib ng liver cancer. Ipinapakita nito na ang supplemental oral BCAAs ay maaaring makabawas ng panganib ng kanser sa atay sa mga pasyenteng may cirrhosis na mayroong mga partikular na salik na ito.

Matuto pa tungkol sa sports nutrition dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Overweight and obesity increase the risk for liver cancer in patients with liver cirrhosis and long-term oral supplementation with branched-chain amino acid granules inhibits liver carcinogenesis in heavier patients with liver cirrhosis

 

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16737844/

 

Effect of Branched-Chain Amino Acid Supplementation on Recovery Following Acute Eccentric Exercise

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6212987/

 

Branched Chain Amino Acids

https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/branched-chain-amino-acids

 

Branched chain amino acids and their importance in nutrition

https://www.researchgate.net/publication/282332420_Branched_chain_amino_acids_and_their_importance_in_nutrition

 

Hormonal and signaling role of branched-chain amino acids

https://mayoclinic.pure.elsevier.com/en/publications/hormonal-and-signaling-role-of-branched-chain-amino-acids

Kasalukuyang Version

12/12/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ang Mga mas Magandang Inumin Kapalit sa Energy Drink

Ano ang Benepisyo ng Protein Shake?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement