backup og meta

Kape Bago Mag-Exercise o Pagkatapos? Mga Tips Na Dapat Tandaan

Kape Bago Mag-Exercise o Pagkatapos? Mga Tips Na Dapat Tandaan

Kamakailan lang ay parami nang parami ang mga taong nagbibigay pansin sa kanilang fitness. Maaaring ito ang kanilang New Year’s resolution, o nais talaga nilang pagandahin ang kanilang pangkalahatang kalusugan. Marami sa atin ang gustong uminom ng kape kasabay ng almusal, habang ang iba naman ay mas pinipili ang morning jog. Kung ikaw ang klase ng taong parehong gustong gawin ang mga ito, baka naiisip mo kung ano nga ba ang dapat gawin: uminom muna ng kape bago mag-exercise, o mag-workout muna bago magkape? Narito kami upang ibigay sa iyo ang kasagutan.  

Pag-Inom ng Kape Bago Mag-Exercise

Pamilyar tayong lahat sa kape at sa caffeine content nito. Ang caffeine ay isang sangkap na matatagpuan sa kape, tsaa, at energy drinks na nagpapasigla sa ating isip at katawan. Mayroong 100mg ng caffeine sa isang mug ng kape. Nakababawas ito ng fatigue, nakapagpapalinaw ng isip, at napatataas ang calorie burn potential.

Nakatulong ba ang kape bago mag-exercise? Dahil sa mga nabanggit, madalas na gamitin ang caffeine bilang pre-workout supplements. Madalas na mataas ang caffeine content sa mga supplements (150mg-300mg per serving). Kaya naman hindi ito inirerekomenda sa mga taong may iniindang sakit o sensitive sa caffeine.

Kadalasan, ligtas na kumonsumo ng 3-6mg ng caffeine sa bawat kilogram ng body weight bago mag-ehersisyo. Para sa babaeng may bigat na 50kg, katumbas ito ng 150-300mg ng caffeine o 1.5  hanggang 3 baso ng brewed coffee. Dapat inumin ang kape isang oras bago magsimulang mag-workout. 

Magandang dagdagan ng kaunting asukal at gatas ang kape kaysa uminom ng puro nito dahil ang asukal at gatas ay nakapagbibigay ng dagdag na lakas para sa inyong workout.

kape bago mag-exercise

Pag-Inom Ng Kape Pagkatapos Mag-Ehersisyo

Pagkatapos ng isang magandang workout, karamihan sa mga tao ay nakararamdam ng sigla — may caffeine man o wala. Gayunpaman, hindi ito magtatagal nang buong araw. May mga taong nakararanas ng sobrang pagkahapo o fatigue pagkatapos ng matinding pag-eehersisyo. Totoo ito lalo na para sa mga nag-he-heavy weight training, o kaya’y long distance running.     

Ang solusyon dito: Isang basong kape! Ang pag-inom ng kape pagkatapos mag-ehersisyo ay nakapagpapalakas ng metabolismo at nakatutulong na ma-burn ang mga calories. Pagkatapos mag-ehersisyo, puwedeng magdagdag pa ng asukal at gatas sa kape upang mabigyan ka ng dagdag na lakas.Huwag ding kalimutang kumonsumo ng protina pagkatapos mag-workout upang ayusin ang mga nasirang muscle at mapalakas ito. 

Sa kasamaang palad, hindi lang kape ang palaging solusyon. Kung napapansin mong palagi kang pagod pagkatapos mag-ehersisyo, baka kailangan mo na ng mas  maayos na pahinga sa gabi o mas maayos na diet. Pansamantala lamang ang nagagawa ng kape sa ganitong kaso. Kumpara dati, maaaring bumaba ang epekto ng kape sa iyong katawan dahil sa caffeine tolerance. Kumonsulta sa doktor kung mayroon kayong katanungan hinggil sa inyong energy levels. 

kape bago mag-exercise

Puwede Bang Uminom Ng Kape Bago Mag-Exercise At Pagkatapos?

Dahil ang kape ay nakapagbibigay ng maraming performance enhancing benefits, ang sagot ay puwede. Gayunpaman, dapat mong bantayan palagi ang dami ng iniinom mong caffeine lalo na kung kumokonsumo ka rin ng mga supplement na may caffeine gaya ng pre-workout smoothies at tsaa.

Key Takeaways

Sa kabuuan, nakatutulong na magbigay ng dagdag na lakas at sigla ang pag-inom ng kape bago mag-exercise at pagkatapos mag-workout. Kung nais mo namang limitahan ang pagkonsumo ng caffeine, uminom ng kape bago mag-exercise upang matulungan ka nitong pagpawisan at mag-burn ng calories. Bilang paalala, uminom palagi ng sapat na tubig, lalo na habang nag-eehersisyo. Kumonsulta sa iyong doktor o dietician kung plano mong dagdagan ang pagkonsumo ng caffeine.

Matuto ng higit pa tungkol sa Healthy Eating dito.

Ang Hello Health ay hindi nagbibigay ng payong medikal, diagnosis o panggagamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Caffeine content for coffee, tea, soda and more https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/caffeine/art-20049372 Accessed January 9, 2021

Caffeine consumption around an exercise bout: effects on energy expenditure, energy intake, and exercise enjoyment https://journals.physiology.org/doi/full/10.1152/japplphysiol.00570.2014 Accessed January 9, 2021

Caffeine and Exercise: What Next? https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6548757/ Accessed January 9, 2021

Effect of Coffee and Caffeine Ingestion on Resistance Exercise Performance https://journals.lww.com/nsca-jscr/Fulltext/2016/10000/Effect_of_Coffee_and_Caffeine_Ingestion_on.27.aspx Accessed January 9, 2021

Wake up and smell the coffee: caffeine supplementation and exercise performance—an umbrella review of 21 published meta-analyses https://bjsm.bmj.com/content/54/11/681.full Accessed January 9, 2021

Caffeine Safe Limits: Calculate Your Safe Daily Dose https://www.caffeineinformer.com/caffeine-safe-limits Accessed January 9, 2021

Kasalukuyang Version

12/12/2022

Written by Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mapanganib na Diet: 5 Fad Diets Na Maaaring Makasama

Benepisyo ng Kape At Tsaa: Alin Ang Mas Masustansya?


Written by

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement