Sinasabi na maraming benepisyo ng whey protein ang pwedeng makuha ng tao. Isa itong staple sa sports nutrition at naglalaman ng branched-chain amino acids (BCAAs). Ito’y isang sangkap na nagbibigay ng enerhiya sa mga taong nag-eehersisyo nang husto at sa mahabang panahon. Nakakatulong din itong maiwasan ang mass loss sa katawan at kalamnan.
Sikat na makukuha sa anyo ng pulbos ang whey protein. Mayroong ilang mga uri ng protein powder — kung saan, gawa sa mga halaman (soy, peas, rice, patatas, o abaka), itlog, o gatas (casein o whey protein) ang ilan sa kanila. Maaari rin itong maglaman ng asukal, artificial flavors, pampalapot, bitamina, at mineral.
Mula 10 hanggang 30 grams ang amount ng protina bawat kutsara. Ang supplements na ginagamit upang bumuo ng muscle ay naglalaman ng mataas na antas ng protina — at ang mga supplements naman na ginagamit para sa weight loss ay medyo kakaunti.
Sa artikulong ito, malalaman natin ang tungkol sa mga benepisyo ng whey protein. Susuriin din natin ang potential side effects.
Whey Protein at Amino Acids
Ang whey protein ay tinatawag na “complete protein”. Naglalaman ito ng 9 na mahahalagang amino acid na tumutulong sa katawan. Para bumuo ng kalamnan upang lumikha ng mga bagong immune cell.
Gumagawa ang katawan ng maraming amino acid. Ngunit, hindi ito gumagawa ng essential amino acids. Kailangan makuha ang essentials amino acids sa pamamagitan ng diyeta at ang paggamit ng whey protein bilang isang opsyon.
Mahalaga na mag-consume ng iba’t ibang mga mapagkukunan ng protina. Kahit sinasabi na ang mga ito ay “incomplete protein”. Karamihan sa vegetable proteins ay walang essential amino acids, tulad ng legumes at mani. Subalit, nagtataglay pa rin sila ng maraming benepisyo sa kalusugan.
Ang pagkain ng iba’t ibang lean protein ay magbibigay ng sapat na mahahalagang amino acid. Para matugunan ang mga pangangailangan ng iyong katawan.
Mga Benepisyo ng Whey Protein
Mayroong ilang mga pag-aaral sa paggamit ng whey protein para sa mga partikular na kondisyon at aktibidad. Narito ang ilan sa mga natuklasan.
- Habang ang ilang ebidensya ay nagmumungkahi na ang pagkuha ng whey protein bilang bahagi ng isang strength training program na nagpapataas ng muscle mass at lakas, ang ibang mga pag-aaral naman ay nagpakita ng wala itong kapakinabangan.
- Pwedeng mapabilis ng whey protein ang muscle recovery pagkatapos ng matinding ehersisyo at malnutrisyon.
- Tumutulong ang whey protein sa mga taong nahihirapang tumaba at mapanatili ang timbang. Tulad ng mga matatanda at mga pasyente ng HIV/AIDS.
- Mabuti ang whey protein para sa mga taong nagpapagaling mula sa pagkasunog at mga taong may malalang sugat.
- Mayroong mas mababang panganib na magkaroon ng atopic dermatitis (eczema) ang babies na umiinom ng hydrolyzed whey protein. Kumpara sa mga sanggol na gumagamit ng karaniwang mga reseta. Binabawasan ang panganib ng mga allergic reaction ng pagpapakain ng infant formula na naglalaman ng whey hydrolyzate. Ngunit mahalagang kumunsulta sa pediatrician bago ito idagdag sa kanilang diyeta.
Benepisyo ng whey protein: Tama ba para sa akin ito?
Dahil nagmumukhang perfect supplement ang mga benepisyong taglay ng whey protein, tandaan na mayroon pa ring mga bagay na kailangan mong malaman bago ito gamitin.
Narito ang ilang pangkalahatang alituntunin para malaman kung ang whey protein ay tama para sa iyo:
Paglaki ng kalamnan o muscle growth
Sa pagbuo ng mga kalamnan, pumili ng protein powders na may mataas na biological value. Isa itong sukatan kung gaano karaming protina ang pwedeng makuha at gamitin ng katawan. Pinakamahusay na pagpipilian ang whey protein at whey isolate.
Pagbaba ng timbang
Nagtataguyod ng paglaki ng kalamnan at pagtaas ng timbang ang Branched Chain Amino Acids (BCAAs). Kaya ang mga whey protein ay maaaring hindi tama para sa’yo. Pumili ng brand na walang asukal o dextrin/maltodextrin (isang pampatamis na gawa sa starch).
Vegetarian o vegan diet
Kung ikaw ay isang vegetarian o vegan, huwag pumili ng milk-based protein shake (whey, milk protein, atbp.). Sa halip, gumamit ng 100% na vegetable protein tulad ng soy, peas, at hemp.
Diabetes
Dapat pumili ng sugar-free protein shake ang mga mayroong diabetes. Huwag pumili ng sugar-containing protein powder. Pinakamainam din na maghanap ng shake na mababa sa carbs (5-15 grams bawat serving).
Mga problema sa sakit sa bato
Hindi kayang i-tolerate ng mga taong may sakit sa bato ang labis na protina nang sabay-sabay. Mag-stick na lamang sa powders na may low protein content (10-15 grams bawat serving).
Mga Posibleng Side Effects
Karaniwang ligtas na gamitin ang protein powder bilang dietary supplement. Ngunit sa maraming benepisyo ng whey protein, may mga ilang mga panganib itong taglay.
Pwedeng makaranas ng discomfort kapag gumagamit ng whey protein powder ang mga taong may milk allergy o lactose intolerance.
Ang whey protein ay naglalaman din ng maraming karagdagang asukal at calories Kung saan, ang ilan sa kanila ay naglalaman ng kasing taas ng 23 grams bawat kutsara. Maaari itong maging sanhi ng pagtaas ng timbang at hindi malusog na pagtaas ng blood sugar.
Matuto ng higit pang mahusay na tips sa nutrisyon dito.