backup og meta

Sintomas Ng Kulang Sa Vitamins, Ano Nga Ba?

Sintomas Ng Kulang Sa Vitamins, Ano Nga Ba?

Lagi’t lagi tayo pinaaalalahanan na kumain ng mga pagkaing sagana sa mga vitamins at minerals. Dahil dito, isinasaalang-alang natin ang pagkain ng mga gulay at prutas sa pangaraw-araw. Ngunit, paano mo malalaman kung sapat na ba ang iyong nakukuhang nutrisyon mula sa iyong diyeta? Ano-ano ang mga sintomas ng kulang sa vitamins na maaari mo ng naoobserbahan sa iyong sarili? Tukuyin natin ang ilan sa mga ito dito. 

Kahalagahan Ng Mga Bitamina Sa Katawan 

Hindi matatawaran ang laki ng kontribusyon ng mga micronutrients tulad ng mga bitamina at mineral sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Sa katunayan, ang vitamins ay tumutukoy sa isang pangkat ng mga sangkap na kailangan para sa normal cell function, paglaki, at pag-unlad. 

Sa kabuuan, mayroong 13 essential vitamins na kailangan ng iyong katawan. Ito ang mga sumusunod:

  • Vitamin A
  • Vitamin B1 (thiamine)
  • Vitamin B2 (riboflavin)
  • Vitamin B3 (niacin)
  • Vitamin B5 (pantothenic acid)
  • Vitamin B6 (pyridoxine)
  • Vitamin B7 (biotin)
  • Vitamin B9 (folate o folic acid)
  • Vitamin B12 (cyanocobalamin)
  • Vitamin C
  • Vitamin D
  • Vitamin E
  • Vitamin K

Ang vitamins A, D, E, at K ay nakakategorya bilang mga fat-soluble vitamins na natatagpuan at nakaimbak sa atay, fatty tissue, at mga muscles. Mas madaling nahihigop ng katawan ang mga bitaminang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dietary fat. Sa kabilang banda naman, ang vitamin C at lahat ng uri ng vitamin B ay tinaguriang water-soluble vitamins. Ito naman ay hindi nakaimbak sa katawan. Ang anumang natira o labis na halaga ng mga ito ay inilalabas sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Kailangang regular itong ubusin upang maiwasan ang mga kakulangan sa katawan. Maliban na lang sa vitamin B12 na maaaring maimbak sa atay sa loob ng maraming taon. Mahalaga ang lahat ng uri ng vitamins ay gumaganap ng kani-kanilang mga tungkulin upang mapalaki at mapagana ang katawan nang naaayon at nararapat. 

Ngunit, hindi rin mawawala ang posibilidad na magkaroon ng kakulangan o tinatawag na vitamin deficiency. Ito ay maaaring magdulot ng problema sa kalusugan. Kung kaya, mahalagang malaman ang mga sintomas ng kulang sa vitamins.

Mga Sintomas Ng Kulang Sa Vitamins

Maaari kang magkaroon ng mga senyales at sintomas dahil ito ang paraan ng iyong katawan upang maipahayag na may kulang o hindi angkop na nangyayari. Narito ang ilan sa mga sintomas ng kulang sa vitamins na dapat mong makilatis sa sarili. 

Marupok Na Buhok At Kuko

Katulad ng nabanggit, ang biotin (vitamin B7) ay isang water-soluble vitamin ng kailangan sa paglaki. Tumutulong ito upang sa proseso na pagtunaw at paggamit ng pagkain na tinatawag na metabolism. Subalit, ang kakulangan sa naturang bitamina ay maaaring humantong sa muscle pain, dermatitis, at glossitis. Ang pangunahing sintomas ng kulang sa vitamins na ito ay kinabibilangang ng mga sumusunod:

Siguruhing kumain ng mga pagkaing mataas ang biotin content upang maiwasan ang patuloy na paglala ng mga sintomas. Maaari mong kainin ang mga cereals, tsokolate, egg yolk, legumes, gatas, mga mani, baboy, atay, at bato ng mga karne. 

Pagbabago Sa Memorya At Pag-iisip

Malaki ang ginagampanan responsibilidad ng vitamin B12 sa paggana ng iba’t ibang body systems tulad ng nervous system. Higit pa rito, nakatutulong din ang bitamina sa paggawa ng hemoglobin na siyang responsable sa pagpapadala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan.  

Kung ikaw ay nakararanas ng vitamin B12 deficiency, maaari rin itong umabot sa mild cognitive impairment. Mapapansin mo ang sintomas ng kulang sa vitamins sa pagbabago sa iyong memorya, pag-iisip, maging pag-uugali. Dahil dito, mainam na uminom ng vitamin B12 supplements upang maiwasan ito. 

Mabagal Na Paggaling Ng Mga Sugat 

Karaniwan ang pagdurugo ng gilagid at maging ang pagkawala ng ngipin dahil sa vitamin C deficiency. 

Matatandaan na ang vitamin C o ascorbic acid  ay isang antioxidant na nagtataguyod ng malusog na ngipin at gilagid. Tinutulungan nito ang katawan na sumipsip ng iron at mapanatili ang malusog ang mga tissue. Kung kaya, mahalaga rin ito para sa pagpapagaling ng sugat.

Ilan pa sa mga sintomas ng kulang sa vitamins na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Madaling pagkakaroon ng mga pasa
  • Mabagal na paggaling mga sugat
  • Tuyo at nangangaliskis na balat
  • Madalas na pagdurugo ng ilong 

Dahil dito, nararapat na ikaw ay kumain ng mga gulay at prutas na sagana sa naturang bitamina. Kabilang dito ang kiwi, red bell pepers, at siyempre mga oranges at dalandan.

Paglabo Ng Mata Sa Gabi 

Hindi mawawala sa listahan ng mga sintomas ng kulang sa vitamins ang paglabo ng mata sa dilim o sa gabi. Kilala ang vitamin A bilang partikular na nakatutulong ba magkaroon ng matalas na paningin. Kung gayon, ang kakulangan nito ay maaaring magresulta sa paglabo ng mata. At kung hindi ito magamot agad, maaaring humantong sa xerophthalmia, kalaunan ay pagkabulag.

Bukod sa pagkain ng mga pagkaing sagana sa naturang bitamina, mainam na magpatingin at pumunta sa taunang appointment sa iyong doktor upang maiwasan ito. 

Key Takeaways

Hindi basta-basta maisasantabi ang pangangailangan ng ating katawan ng sustansya at nutrisyon mula sa micronutrients tulad ng vitamins. Mahalagang maunawaan ang epekto nito sa pangkalahatang kalusugan dahil ang anumang kakulangan ay maaaring magdulot ng malubha at maging nakamamatay na mga kondisyon. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

6 Signs of Nutrient Deficiency, https://www.rush.edu/news/6-signs-nutrient-deficiency Accessed July 4, 2022

Vitamin a deficiency and clinical disease: an historical overview – Alfred Sommer, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18806089/ Accessed July 4, 2022

Skin manifestations of nutritional deficiency disease in children: modern day contexts – Lara Wine Lee MD, PhD, Albert C. Yan MD, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.1365-4632.2012.05646.x Accessed July 4, 2022

Vitamin C, https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminC-HealthProfessional/ Accessed July 4, 2022

An orange a day keeps the doctor away: scurvy in the year 2000 – M Weinstein, P Babyn, S Zlotkin, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11533373/ Accessed July 4, 2022

Vitamin C, https://nap.nationalacademies.org/read/9810/chapter/7 Accessed July 4, 2022

Vitamins, https://medlineplus.gov/ency/article/002399.htm Accessed July 4, 2022

Pantothenic acid and biotin, https://medlineplus.gov/ency/article/002410.htm Accessed July 4, 2022

Vitamins and Minerals for Older Adults, https://www.nia.nih.gov/health/vitamins-and-minerals-older-adults#:~:text=Vitamins%20have%20different%20jobs%20to,of%20these%20vitamins%20from%20food. Accessed July 4, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Vitamins Para Sa Makakalimutin: Anu-Ano Ang Mga Nakatutulong?

Vitamins Para Sa Mga Laging Puyat: Heto Ang Dapat Inumin


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement