Palagi ka bang walang tulog? O kung may tulog man ilang oras lamang at kailangan mo na uling lumabas at makipagsapalaran sa buhay. Kung ganito ang iyong pang araw-araw na buhay, kailangan mong dagdagan ang pagkonsumo ng pagkain para sa laging puyat.
Maraming dahilan kung bakit lagi kang kulang sa tulog. Maaaring ikaw ay isang estudyante na kinakailangang magsunog ng kilay upang makakuha ng mataas na marka. O pwede ring isa kang manggagawa na nagkukumahog na matugunan ang deadline. Di kaya ikaw ay isang magulang na kailangan asikasuhin ang iyong mga anak. O hindi ka lang talaga makatulog dahil sa insomnia.
Paano malalampasan ang kawalan ng tulog? Ang mas mahalaga, san mo kukunin ang sapat na enerhiya upang matupad mo ang iyong mga responsibilidad sa susunod na mga araw? Kasama ba sa pagkain ng mga puyat ang mga food cravings gaya ng matatamis na pagkain?
Ang Ghrelin ay isang gut hormone na nalilikha kapag ikaw ay kulang sa tulog. Sinasabi ni Ghrelin sa iyong utak na ikaw ay nagugutom at humihingi ng mga pagkaing matamis, dahil nagbibigay sila ng pinakamaraming enerhiya sa pinaka maikling panahon.
Malaki ang epekto ng pagkain at inumin sa iyong enerhiya at pagka alerto kung ikaw ay laging puyat. May mga pagkain na makakatulong upang ikaw ay makatulog ng mabuti pagkatapos ng ilang araw na puyatan. Meron namang mga pagkain na mapapanatili kang gising at puyat.
Mga Inumin At Pagkain Para Sa Laging Puyat
Walang mga pagkain na magagarantiya ng magandang pagtulog sa gabi. Gayunpaman, may mga pagkain at inumin na maaaring gawing mas madali upang makakuha ng magandang pagtulog sa gabi. Narito ang mga pagkain na makakatulong sa paglaban sa mag side effects ng pagpupuyat:
1. Uminom Ng Maraming Tubig
Mas madali kang makaramdam ng pagod at antok kapag kulang ang tubig sa iyong katawan. Malamang na dehydrated ka na sa sandaling maramdaman mo na nauuhaw ka na. Maaaring makaapekto ang dehydration sa sleep hormone na melatonin.
Kung palagi kang dehydrated, maaari nitong bawasan ang mga antas ng mahahalagang amino acid na kailangan para makagawa ng melatonin. Pwedeng ring masira ang iyong circadian rhythm at maging mahirap para sa iyo na manatiling tulog.
Hindi lang pagkain sa laging puyat ang makakatulong upang ibalik ang iyong tulog. Makakatulong din ang tubig lalo na kung lalagyan mo ito ng sumusunod:
- hiwa ng lemon,
- mint
- kalamansi
- dalandan,
- strawberry
- blueberries.
2. Bawasan Ang Kape At Tsokolate
Mahirap isuko ang tsokolate at kape lalo na kung ikaw ay naghahanap ng mga inumin at pagkain sa laging puyat. Gayunpaman, ito ay mga stimulants na dapat iwasan dahil pinapanatili ka nitong aktibo. Ang mga pagkain at inuming ito ay pansamantalang nagpapataas ng presyon ng dugo at tibok ng puso. Ngunit sa oras na nawala ang epekto nito, ang iyong katawan ay naiiwang mas mahina at inaantok kaysa dati.
Pwedeng gawing substitute ang green tea na isang antioxidant at makapagbibigay sa iyo ng enerhiya. Subalit mayroon din itong caffeine na maaaring makaapekto sa kalidad ng iyong pagtulog sa gabi. Iwasan ang pag-inom nito pagkatapos ng alas tres ng hapon.
Napag-alaman na ang bitamina ay direktang gumagana sa utak upang matulungan ang pagtulog. Ang Vitamin B12 ay nakakatulong sa mga taong may problema sa pagtulog. Ito ay may importanteng papel sa paggawa ng melatonin, ang hormone na nagkokontrol ng circadian rhythm. Ang kakulangan nito ay nagreresulta sa disrupted sleep patterns.
Para madagdagan ang Vitamin 12 na pagkain para sa laging puyat, maaari mong idagdag ang mga pagkaing ito sa iyong diet:
- Baka, atay at manok
- Isda at shellfish
- Itlog
- Low-fat milk, yogurt o cheese
- Fortified breakfast cereal.
4. Pagkaing May Iron
Ang iron ay isa ring pagkain para sa laging puyat. Kung napupuyat ka dahil sa restless legs syndrome, maaaring mayroon kang anemia na sanhi ng iron deficiency. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron gaya ng:
- Red meat
- Shellfish
- Tokwa
- Beans
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]