backup og meta

Pag-Inom ng Tubig: Paano Ito Nakatutulong sa Kalusugan?

Pag-Inom ng Tubig: Paano Ito Nakatutulong sa Kalusugan?

Ang ating katawan ay binubuo ng 60% na tubig, at nawawala ito sa katawan sa pamamagitan ng paghinga, pagpapawis, at pagtunaw. Ang pag-inom ng sapat na tubig bawat araw ay malaking tulong sa hydration para sa mabuting kalusugan.

Gaano karami ang dapat inumin?

Ayon sa National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine na ang pag-inom ng humigit-kumulang 2.7 liters (91 ounces) of fluids araw-araw para sa mga kababaihan; at mga 3.7 liters (125 ounces) of fluids naman para sa mga kalalakihan, alinman mula sa mga inumin o pagkain na naglalaman ng tubig, ay isang sapat na halaga upang manatiling hydrated.

Bagama’t parang madaling uminom ng isang galon ng tubig sa isang araw, medyo mahirap para sa iba na may busy lifestyle. Mainam na malaman mo ang kahalagahan ng hydration para matulungan ka na magkaroon ng habit ng palaging hydrated.

hydration for good health

Bakit mahalaga ang hydration?

Tubig ang pangunahing pinagmumulan ng hydration. Maliban sa pag-inom ng isang basong tubig, ang prutas at gulay ay source din ng tubig. Kailangan ng ating katawan ng tubig para tulungan ang mga cell, tissue, at organ na gumana ng maayos.

Heto ang ilang dahilan kung bakit kinakailangan maging hydrated:

Upang ayusin ang temperatura ng katawan.

Dahil sa mga kakaibang katangian ng tubig, nakakatulong ito sa pag-regulate ng temperatura ng katawan.

Napapanatili nito na madulas ang mga kasukasuan.

Ang synovial fluid na matatagpuan sa mga cavity ng synovial joints ay naglalaman ng tubig. Ang fluid na ito ang nag papadulas sa mga kasukasuan at nakakatulong na maiwasan ang friction sa pagitan ng mga buto tuwing tayo ay gumagalaw.

Pinipigilan nito ang impeksyon.

Sa pamamagitan ng pag-inom ng mas maraming likido, hindi mahihirapan ang iyong katawan sa pag-flush ng mga irritant tulad ng bacteria na pwedeng maging  sakit tulad ng urinary tract infection.

Ang pag-inom ng tubig ay tumutulong sa pagdadala ng mga sustansya.

Kapag sinisipsip ng katawan ang tubig na iniinom natin, nagdadala ito ng mga sustansya sa mga cells. Naghahatid din ito ng oxygen sa utak sa anyo ng bodily fluids, tulad ng dugo. Ang pag-inom ng tubig ay nagpapabuti  ng pangkalahatang kalusugan ng bituka.

Pinoprotektahan ng hydration ang mga organ at sensitibong tissue.

Kapag hydrated, nakakatulong na protektahan at mapanatili ang moisture sa mga pinaka sensitibong bahagi ng katawan, gaya ng mga buto, utak, at spinal cord.

Nakakatulong ang pag-inom ng tubig sa digestion.

Ang pag-inom ng tubig habang o pagkatapos kumain ay nakakatulong sa digestion process dahil sa paghahati-hati ng pagkain sa mga nutrients, nama absorb ng ng katawan. Ang pagpapanatiling hydrated ay pumipigil sa constipation, dahil pinalalambot din ng tubig ang dumi. 

Nakadadagdag ito ng moisture sa balat.

Kapag kulang ang katawan sa tubig, mapapansin na ang balat ay mukhang tuyo.

Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong sa puso

Kapag hydrated, natutulungan ang puso sa pag bomba ng dugo nang mahusay sa buong katawan. Nakakarating din ang oxygen sa muscles upang sila ay gumana nang mabuti. Ang kakulangan sa hydration ay nagiging sanhi ng pagkapal ng iyong dugo dahil sa pagpapanatili ng sodium, na humahadlang sa sirkulasyon ng dugo

Kailangan natin ng hydration para sa mabuting kalusugan.

Pero may mga pagkakataon na nakakalimutan nating mag-hydrate dahil sa busy schedules. Kung hindi mapapalitan ng husto ang fluids sa katawan, mauuwi ito sa dehydration.

Paano Ko Malalaman Kung Ako ay Dehydrated? 

Ang sobrang pagkawala ng tubig sa katawan ay nauuwi sa dehydration. Madalas itong mangyari kung hindi ka umiinom ng tubig kahit uhaw na, o kapag may sakit, lalo na kung nagsusuka o nagtatae. 

Mga senyales na maaaring kulang sa hydration.

  • Pakiramdam na sobrang uhaw
  • Ang bibig, dila, at lalamunan ay nakakaramdam ng tuyo
  • Madalang na pag-ihi
  • Ang ihi ay dark yellow
  • Pagkapagod
  • Pagkahilo

Kailangan ng sapat na hydration para sa mabuting kalusugan!

Kung nararanasan mo ang mga sign, kaagad na i-hydrate ang iyong katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng fluids.

Ang tubig ang pinaka inirerekomenda. Kung lumala ang mga sintomas ng dehydration, agad na humingi ng medikal na atensyon.

Paano Bumuo ng Habits upang Matiyak ang Magandang Hydration?

  1. Start easy. Kung hindi sanay sa madalas na pag-inom ng tubig, pwedeng mag umpisa ng dahan-dahan hanggang madagdagan ang dami ng iyong naiinom. Hindi kailangang madaming madami agad ang pag-inom ng tubig. Magsimula sa ilang baso sa isang araw.
  2. Tutukan ang pag-inom. Ilista ang oras ng pag-inom mo at ang dami ng pagkonsumo mo.Dapat kang uminom ng hindi bababa sa walong 8-ounces ng tubig sa isang araw. Ito ang dami na inirerekomenda ng karamihan sa mga doktor. Damihan ang pag-inom ng tubig, lalo na kung ikaw ay nag-eehersisyo.
  3. Magdala ng reusable na bote ng tubig kahit saan.Kung abot kamay ang refillable bottle, mas mapapadali ang pag-inom ng tubig
  4. Set a reminder. Kung madalas na busy, nakakalimutan mong kumain at uminom sa tamang oras. Mag alarm bawat oras o higit pa para maalala ang pag-inom ng tubig.
  5. Add some flavor. May mga taong ayaw uminom ng tubig dahil wala itong lasa. Para mas ganahan ka, lagyan ang tubig ng ilang prutas tulad ng berries, lemons, at cucumber. Sa ganitong paraan mas maraming sustansya ang madaragdag sa iyong katawan.
  6. Uminom pagkatapos umihi o kapag pawis ka. Ang muling pagdaragdag ng fluids na na-flush sa labas ng katawan ay pag-iwas sa dehydration.
  7. Uminom bago kumain. Minsan nalilito tayo kung tayo ba ay uhaw o gutom. Mabuti na uminom ng isang basong tubig bago kumain upang malaman kung ikaw ay gutom o nauuhaw lang.
  8. Kumain ng pagkaing mayaman sa tubig. May ilang partikular na pagkain na matubig, tulad ng mga berry, cucumber, at pakwan.

Key Takeaways

Ang tubig ay mahalaga sa pagpapanatili ng mga function ng katawan, kaya dapat laging uminom ng sapat. Madalas nating binabalewala ang ating katawan at nakakalimutang uminom ng tubig dahil abala tayo sa trabaho at iba pang gawain. Pero kailangan nating siguruhin na malusog ang ating katawan at nakaka function sa pinakamainam na level nito.
Ang pagpapanatiling hydrated sa ating katawan ay parang pagkuha ng gas para sa isang kotse. 
Hindi gagana ang isang sasakyan kung ito ay walang gasolina. Ganoon din sa ating katawan.Kapag na-dehydrate ka, matamlay at pagod ka.  Ibig sabihin, dapat hydrated palagi ang ating katawan dahil malaki ang epekto nito sa ating pangkalahatang kalusugan.
Para sa mabuting kalusugan, dapat hydrated lagi ang katawan!

Alamin ang tungkol sa Healthy Eating dito.

Isinalin sa Filipino ni Corazon Marpuri

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Reports Sets Dietary Intake Levels for Water, Salt, and Potassium to Maintain Health and Reduce Chronic Diseases Risk https://www.nationalacademies.org/news/2004/02/report-sets-dietary-intake-levels-for-water-salt-and-potassium-to-maintain-health-and-reduce-chronic-disease-risk Accessed June 10, 2020
  2. Hydration Effects on Temperature Regulation https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2908954/ Accessed June 10, 2020
  3. The Importance of Water https://theheartfoundation.org/2019/03/08/the-importance-of-water/ Accessed June 10, 2020
  4. Hydration https://my.clevelandclinic.org/health/articles/21140-hydration Accessed June 10, 2020
  5. Staying Hydrated – Staying Healthy https://www.heart.org/en/healthy-living/fitness/fitness-basics/staying-hydrated-staying-healthy Accessed June 10, 2020
  6. The Importance of Hydration https://www.hsph.harvard.edu/news/hsph-in-the-news/the-importance-of-hydration/ Accessed June 10, 2020
  7. Dehydration https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dehydration/symptoms-causes/syc-20354086Accessed June 10, 2020
  8. Want to Stay Hydrated? Drink Before You’re Thirsty https://www.mayoclinic.org/want-to-stay-hydrated-drink-before-youre-thirsty/art-20390077 Accessed June 10, 2020

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Ruby Anne Hornillos

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pag-Inom ng Buko Juice, Paano nga ba Nakatutulong sa Kalusugan?

Coconut Water Habang Nagbubuntis: Ligtas Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Ruby Anne Hornillos · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement