backup og meta

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

Paano makontrol ang cravings at ang pagnanasa sa pagkain? Maging tapat sa sarili at aminin na kadalasan ay mahirap hindian ang iyong mga cravings. At dahil dito, maaari kang magdagdag ng maraming calories na paunti-unti hanggang maging excessive kapag naipon. Hindi maikakaila na pagkatapos mong mag give in sa iyong cravings, kasunod nito ang guilty feelings.

Bakit mas nakakatukso ang cravings sa gabi?

Kadalasan, iniuugnay natin ang gabi sa pagpapahinga, at ang  pagpapahinga sa pagkain. Ito ang oras para gantimpalaan ang iyong sarili pagkatapos ng nakakapagod na araw. At dahil ikaw ay naka relax mode, marahil ay hindi ka nakatutok sa kung ano ang mas masustansyang pagkain. Malamang na mas madali kang matukso sa mga comfort foods tulad ng ice cream at chips.

Paano makontrol ang cravings at mga dahilan sa likod ng iyong cravings

Matindi ang mga cravings at kung minsan ay mahirap mapaglabanan ang pagnanasang kumain. Ang isang tao ay karaniwang nagnanais ng isang tiyak na pagkain o panlasa. Karamihan sa mga pagkain na sanhi ng cravings ay matamis tulad ng cake, maalat tulad ng chips at extra carbohydrates at calories tulad ng pizza.

Maraming dahilan kung bakit ka biglang may cravings kabilang na rito ang sumusunod:

  • Isang tahimik at relaxing na hapon
  • Magaan o maagang hapunan
  • Pagkabagot
  • Stress

Ang pagkaing matamis at mayaman sa carbohydrates ay naglalabas ng mga kemikal na nagpapagaan ng kalooban tulad ng dopamine at serotonin. Dahil sa epekto nito, maaaring nanaisin mong kainin ito ng paulit-ulit hanggang makasanayan mo na.

Paano makontrol ang cravings: mga estratehiya

Ang mga sumusunod na estratehiya ay maaaring makatulong sa iyo sa pagpigil ng iyong cravings: 

Uminom ng tubig

May mga senyales ang utak na maaaring mabigyan ng maling kahulugan ng katawan. Ang sa tingin mo ay food cravings ay maaaring tanda lang naman pala ng pagkauhaw.  May mga taong nakikinabang sa pag-inom ng tubig kapag mayroon silang cravings. Makakatulong din ito sa mga gustong bumaba ang timbang.

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong umiinom ng mas maraming tubig ay mas bumaba ang timbang, may mas kaunting taba sa katawan, at mas nabawasan ang gana. Kapag umatake ang iyong cravings, subukang uminom ng tubig. Kapag nawala ang cravings, maaaring pagkauhaw lang pala iyon.

Iwasan ang stress

Isa sa paraan kung paano makontrol ang cravings ay ang pag-iwas sa stress. Kapag ikaw ay stressed out, naglalabas ang iyong katawan ng stress hormone na cortisol. Dahil dito, maaari kang maghangad ng mga pagkain na matamis, maalat, o maraming taba. Ito ang panlaban ng iyong utak sa kung ano mang pagbabanta na sanhi ng stress.

Maraming maaaring dahilan ng stress tulad ng away mag-asawa, demands ng trabaho o kahit anong sitwasyon na iyong hinaharap sa araw-araw. Kahit ano pa man ito, maaari nitong maapektuhan ang iyong eating habits. Ayon sa mga eksperto, may koneksyon ang stress sa iyong appetite ngunit magkaiba ang epekto sa bawat tao. Kung ang iba ay nawawalan ng ganang kumain dahil sa stress, mayroon namang kain ng kain dahil sa stress.

Baguhin ang iyong mindset

Ang pagsasaayos ng iyong mindset ay maaaring isang paraan kung paano makontrol ang stress. Mas makakabuting ibaling sa ibang bagay ang iyong pag-iisip kapag ikaw ay may cravings. Isipin ang negatibong long-term effect kapag patuloy kang nagpatalo sa iyong mga cravings. Maaaring mag-focus ka sa mga agarang gantimpala kapag nakontrol mo ang iyong pagnanasa sa pagkain.

Iwasang magutom

Maraming mga taong nagbabawas ng calories kapag nagdidiyeta. Ngunit maaaring magdulot ito ng mas madalas na pakiramdam ng pagkagutom. Kung ikaw ay palaging nakakaramdam ng pagkagutom, ang mga konting pagbabago sa iyong diet ay maaaring makatulong upang pigilan ang pagnanasa mo sa asukal at pagkaing mayaman sa carbohydrates. Isang paraan kung paano makontrol ang cravings ay ang pagtakda ng mga tiyak na oras ng pagkain sa bawat araw.

Kapag may pagdududa, maaari kang sumuko sa isang malusog na meryenda. Maaring gutom ka lang talaga at kailangan mong kumain. Siguraduhing pumili ng merienda na may mataas na protina dahil paraan ito kung paano makontrol ang cravings.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/metabolic-and-bariatric-surgery-blog/2019/july/how-to-stop-food-cravingshttps://www.medicalnewstoday.com/articles/322947https://www.webmd.com/diet/ss/slideshow-stop-cravingshttps://www.rush.edu/news/5-ways-deal-food-cravingshttps://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/weight-loss/art-20047342

Kasalukuyang Version

08/01/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Nga Ba Ang Dapat Kainin Kapag Nilalagnat? Alamin Dito!

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement