backup og meta

Paano Malalaman kung Obese Ang Isang Tao? Heto Ang Obesity Calculator

Paano Malalaman kung Obese Ang Isang Tao? Heto Ang Obesity Calculator

Seryosong sakit ang obesity na nakaaapekto sa dumaraming bilang ng tao bawat taon. Sa paglipas ng panahon, maaaring humantong ang obesity sa mga problema tulad ng diabetes, hypertension, at problema sa puso. Ngunit paano malalaman kung obese ang isang tao? Mayroon bang obesity calculator na maaari nilang gamitin, o kailangan ba nilang bumisita sa kanilang doktor para sa diagnosis?

Ano ang obesity?

Bago natin pag-usapan ang paggamit ng obesity calculator o paano malalaman kung obese ang isang tao o hindi, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng obesity.

Normal at inaasahan ang pagkakaroon ng taba sa katawan. Gayunpaman, kung lumampas ang taba ng isang tao sa masasabi nating malusog, maaaring overweight sila. Maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng isang tao ang pagiging overweight, ngunit hindi ito kasinlubha ng pagiging obese.

Kapag obese ang isang tao, nangangahulugang marami silang sobrang taba sa katawan. Itinuturing na sakit ang obesity. Maaari itong humantong sa mas malala pang sakit tulad ng diabetes, hypertension, at iba pang mga problema sa puso. Dagdag pa rito, kung mas matagal manatiling obese ang isang tao, mas mataas din ang panganib nila na magkaroon ng mga sakit na nabanggit.

Tumataas din ang mga komplikasyon mula sa mga sakit na ito dahil sa obesity. Mataas ang panganib ng taong may diabetes at obesity mula sa mga sakit sa puso, gayundin sa mga may obesity at hypertension.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng mga tao na seryosong bagay ang obesity, at kailangan itong matugunan sa lalong madaling panahon.

Obesity Calculator: Paano ma-compute ang obesity?

Paano malalaman kung obese? Ang pagtingin sa BMI o body mass index ang pinakamadaling paraan para masuri ang obesity ng isang tao. Tinitingnan ng BMI ang kaugnayan ng timbang ng isang tao sa kanilang tangkad.

Kung 25 at mas mababa pa ang lumabas na ratio, ibig sabihin nasa normal na BMI ang isang tao. Ngunit kung nasa pagitan naman ng 35 hanggang 30 ang resulta, ibig sabihin overweight na ang isang tao. Kapag nasa 30 o mas mataas naman ang BMI ng isang tao, nangangahulugan namang may obesity ang isang tao. Tinuturing itong mabilis na “obesity calculator” kung saan maaaring malaman ng isang tao kung mayroon silang obesity.

Gayunpaman, hindi parating eksaktong sukatan ng pagiging obese ng isang tao ang BMI. Sa kadahilanang hindi palaging tamang sukatan ang timbang para malaman ang body fat percentage ng isang tao.

Taba vs Muscle

Paano malalaman kung obese? Kung paghahambingin ang density ng taba kumpara sa muscle, mas less dense ang taba kumpara sa muscle tissue. Nangangahulugang ang mga taong mas may muscle, tulad na lang ng mga atleta, maaaring mas mabigat sila kaysa sa isang taong hindi atleta na may kaparehang tangkad at pangangatawan. Ganoon din sa mga buntis. Mas bibigat ang kanilang timbang dahil sa mga pagbabagong nangyayari sa panahon ng pagbubuntis.

Posibleng maging dahilan din ang genetics ng isang tao dito. Maaaring mukhang mataba ang ibang tao kahit totoong malusog sila, at naiiba lamang ang kanilang body proportion kumpara sa ibang tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi parating mahusay na gamitin ang BMI bilang obesity calculator.

Parating komunsulta sa iyong doktor

Mahalaga ang BMI ng isang tao bilang screening tool. Kahit pa hindi talaga nito masusukat ang tamang lagay ng kalusugan ng isang tao.

Paano malalaman kung obese? Kabilang sa iba pang paraan na ginagamit ng mga doktor bilang panukat ng taba ang pagsukat sa kapal ng balat, bioelectrical impedance, underwater weighing, at iba pang pamamaraan. Gamit ang mga nabanggit na pamamaraan, makapagbibigay sila ng mas tamang sukat na makapagsasabi kung obese ba ang isang tao o hindi.

Kahit na hindi “obesity calculator” ang BMI ng isang tao, nakapagbibigay ito ng ideya sa tao kung kailangan na o hindi pa nila kailangan magbawas ng timbang. Kung mas alam ng isang tao ang kasalukuyang lagay ng kanilang kalusugan, makatutulong ito sa kanila bilang motibasyon para gawing mas mabuti sa kanilang kalusugan ang kanilang lifestyle.

Matuto pa tungkol sa Obesity dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Obesity – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/obesity/symptoms-causes/syc-20375742, Accessed October 13, 2021
  2. Obesity – signs, symptoms, causes and complications | healthdirect, https://www.healthdirect.gov.au/obesity, Accessed October 13, 2021
  3. Defining Adult Overweight & Obesity | Overweight & Obesity | CDC, https://www.cdc.gov/obesity/adult/defining.., Accessed October 13, 2021
  4. Body Mass Index (BMI) Calculator – Diabetes Canada, https://www.diabetes.ca/managing-my-diabetes/tools—resources/body-mass-index-(bmi)-calculator, Accessed October 13, 2021
  5. How are obesity & overweight diagnosed? | NICHD – Eunice Kennedy Shriver National Institute of Child Health and Human Development, https://www.nichd.nih.gov/health/topics/obesity/conditioninfo/diagnosed, Accessed October 13, 2021

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mabagal Na Metabolism, Paano Nakakaapekto Sa Kalusugan?

Anu-ano ang Nagpapataas ng Panganib ng Obesity?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement