Ang ice cream ay paboritong dessert (at kung minsan, meryenda) ng maraming tao. Gayunpaman, isa rin itong matamis na pagkain na nauugnay sa maraming problema sa kalusugan, kabilang ang pagkabulok ng ngipin at pagtaas ng timbang. Alamin dito kung mas healthy ba ang sugar-free ice cream o low-sugar para sa iyo.
Ang asukal sa dessert na ito ay nagbibigay ng bacteria kung saan maaari silang magmula at makagawa ng acid, na humahantong sa pagkabulok ng ngipin. Gayundin, maaari itong mauwi sa pagtaas ng timbang dahil, sa totoo lang, lahat ng matamis na pagkain ay nauugnay sa pagiging overweight at obese.
Ang mga pagkaing matamis, tulad ng ice cream, ay pwedeng magpataas ng gutom, kaya nagpapataas ng pagkain ng sobra. Ibig sabihin kapag kumain ka ng isa o dalawang serving, mas malamang na kumain ka pa ng mas marami. Kaya naman higit na nadaragdagan ang panganib na tumaba ng labis.
Ang tanong, mas healthy ba ang sugar-free ice cream o low-sugar para sa iyo?
Low-Sugar vs Sugar-Free Ice Cream
Ang low-sugar ice cream ay isang uri ng dessert na, gaya ng pangalan nito, ay mababa sa asukal. Dahil naglalaman ito ng mas kaunting asukal kaysa sa karaniwang uri. Sinasabing ito ay mas healthy na pamalit sa tradisyonal na uri. Ang mga taong may diabetes ay maaari ring samantalahin ang low-sugar ice cream dahil mas mahusay ang mga ito sa kanilang blood glucose control.
Ang sugar-free ice cream ay kadalasang ginagawa gamit ang mga artipisyal na sweetener tulad ng Stevia, o mga sugar alcohol, tulad ng maltitol. Nauugnay ang mga ito sa ilang mga side effect, pangunahin ang gas at bloating.
Mas healthy ba ang sugar-free ice cream para sa iyo?
Ang low-sugar o sugar-free ice cream ay mainam na pamalit sa regular na ice cream. Karaniwang pareho ang lasa nito sa regular ice cream, pero mas kaunti ang asukal at fat content.
Narito ang mga benepisyo ng low-sugar ice cream:
- Mababa sa calories: Ang average na serving size ng no sugar added na ice cream ay 99 calories habang ang average serving size ng regular na ice cream ay 273 calories.
- Mababa sa taba: Naglalaman ng mas mababa sa 5g ng taba bawat serving ang low-sugar ice cream habang ang regular ice cream ay may higit sa 10g ng taba bawat serving.
- No added sugar: Ang low-sugar na ice cream ay hindi naglalaman ng anumang dagdag na asukal habang ang regular na ice cream naman ay may 10g ng asukal sa bawat serving.
- Mas kaunting lactose: Ang ilang mga tao ay maaaring lactose intolerant, na nangangahulugang hindi nila ma-digest.
Low-Sugar Ice Cream Recipe
Madaling gawin ang ice cream, masarap, at maaaring ihain na may iba’t ibang toppings. Tulad ito ng chocolate syrup, whipped cream, o prutas. Pero hindi ito laging healthy dahil kadalasang mas maraming asukal at taba ang mga nabibili sa mga tindahan.
Ang magandang balita ay pwede kang gumawa ng healthier ice cream kumpara sa sa mga nabibili sa mga tindahan. No added sugar, mababa sa taba, pero kasing sarap!
Ang isang mahusay na recipe ay ang pag-blend ang frozen na saging na may low-fat almond milk hanggang sa magkaroon ka ng smoothie consistency. Magdagdag ng peanut butter at budburan ng cinnamon bago muling i-blend. I-freeze ang mixture ng ilang oras bago ihain. Maaari ka ring mag-browse online para sa mas malusog na mga recipe ng dessert.
Suggested Healthy Brands
Naghahanap ka ba ng mga brand ng low-sugar o sugar-free na ice cream? Tingnan ang mga sumusunod:
- Ang Carmen’s Best ay walang sugar added variety sa dark chocolate, Brazilian coffee, at Madagascar vanilla flavors.
- Ang After’s naman ay mayroon ding vegan sugar-free flavors. Mababa din sa taba ang mga ito dahil sila ay dairy-free.
- FIC ay mayroon ding ilang flavor na no sugar added, tulad ng Belgian chocolate at café latte.
Key Takeaways
Ang pagpili sa low-sugar o sugar free ice cream brands ay mainam para sa mga taong madalas kumain ng dessert na ito. Pero tandaan na moderation ang susi. Sa halip na palaging ice cream, maaaring piliin ang mga prutas, nuts, at yogurt. Makipag-usap sa iyong doktor o dietitian para alamin kung mas healthy ba ang sugar-free ice cream o low-sugar para sa iyo.
Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.
[embed-health-tool-bmi]