backup og meta

9 na Pagkaing Mayaman sa mga Minerals!

9 na Pagkaing Mayaman sa mga Minerals!

Hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagkaing mayaman sa mga minerals. Mahalaga ang mga ito para sa pag-unlad, matiwasay na pagganap sa tungkuin, at pangkalahatang kalusugan ng katawan. Makakatulong sa iyo ang pag-alam tungkol sa iba’t ibang mineral at kung ano ang mga benepisyong kalakip nito. Mula rito, makakapili ka ng sapat na mga mineral na kakailanganin mo.

Ano nga ba ang mga mineral?

Ang mga mineral ay ang mga elemento na matatagpuan sa lupa. Ito rin ay makukuha sa mga pagkaing kailangan ng katawan upang umunlad at gumana nang normal. Kabilang sa mga mineral na mahalaga para sa kalusugan ang :

  • Calcium
  • Phosphorus
  • Potassium
  • Sodium
  • Chloride
  • Magnesium
  • Iron
  • Zinc
  • Iodine
  • Chromium
  • Copper
  • Fluoride
  • Molibdenum
  • Manganese
  • Selenium.

Subukan mo ang mga sumusunod na pagkaing mayaman sa mineral:

Yogurt

Ang Yogurt ay isa sa mga pinakamahusay na mapagkukunan ng calcium. Bawat 245 gramo ng yogurt ay nagbibigay ng hanggang 34% ng Daily value (DV) ng mineral na ito. Isa rin itong magandang source ng protina at iba pang nutrients.

Ang calcium ay ang nangungunang mineral na kailangan mo para sa pagbuo ng malalakas na buto. Dahil dito, magagawa mo ang lahat mula sa pagtayo ng tuwid hanggang sa pagsipa ng winning goal sa soccer game. Nakakatulong din ito sa pagbuo ng malakas at malusog na ngipin upang manguya mo ng mabuti ang masarap na pagkain.

Whole grains 

Ang mga whole grains tulad ng amaranth, spelt, quinoa at oats ay mga pagkaing mayaman sa mineral. Ito ay naglalaman ng iron na pangunahing bahagi ng hemoglobin, isang uri ng protina sa red blood cells na nagdadala ng oxygen mula sa iyong baga patungo sa lahat ng bahagi ng katawan

Gayunpaman, ang mga whole grains ay nagtataglay ng mga phytates, na nagbubuklod sa iron at binabawasan ang pag-absorb nito. 

Saging

Ang mga dilaw na prutas na ito ay pagkaing mayaman sa mineral na potassium. Sa katunayan, ang isang medium na laki ng saging ay naglalaman ng mga 422 milligrams ng potassium. Sinisiguro ng mineral na ito na ang iyong mga kalamnan, puso, at nervous system ay gumagana ng maayos. Tinatawag din itong electrolyte, dahil nagdadala ito ng isang maliit na electrical charge na nagpapagana ng iba’t ibang mga function ng cell at nerve. 

Ang mga matatanda ay dapat kumonsumo ng humigit-kumulang 3,500mg ng potassium bawat araw. Ang average na saging ay naglalaman ng 450mg ng potassium. Ibig sabihin, kailangan mong kumain ng hindi bababa sa pito at kalahating saging bago maabot ang inirerekomendang antas.

Karne

Ang karne ng baka at baboy ay pagkaing mayaman sa mineral na zinc. Sa katunayan, ang isang 100-gramo na serving ng hilaw na giniling na baka ay naglalaman ng 4.8 mg ng zinc, na 44% ng DV.

Epektibo ang zinc sa pagpigil ng pamamaga at pagpapalakas ng immune health. Tumutulong din itong bawasan ang panganib ng mga sakit na nauugnay sa edad.

Yellowfin Tuna

Ang yellowfin tuna ay pagkaing mayaman sa mineral dahil ang bawat tatlong ounces nito ay naglalaman ng humigit-kumulang 92 mcg ng selenium. Ang iyong katawan ay umaasa sa selenium para sa mga pangunahing tungkulin nito, mula sa reproduction hanggang sa paglaban sa impeksyon. 

Gatas

Ang gatas at mga produktong gatas ay mataas sa phosphorus at calcium. Ang kalahating tasa ng gatas ay naglalaman ng 111-138 mg ng phosphorus. Ito ay isang mineral na tumutulong na mapanatiling malusog ang iyong mga buto. Nakakatulong din itong panatilihing gumagana ang mga daluyan ng dugo at kalamnan.

Tsaa

Ang tsaa ay pangunahing pinagmumulan ng dietary manganese. Tinutulungan ng Manganese ang katawan na bumuo ng connective tissue, buto, blood clotting factor, at sex hormones. May papel din ito sa metabolismo ng taba at carbohydrate, pag-absorb ng calcium, at pag-regulate ng blood sugar. Kailangan din ang Manganese para sa normal na paggana ng utak at nerves.

Brazil Nuts

Ang Brazil nuts ay pagkaing mayaman sa mineral na selenium. Sa katunayan, naglalaman sila ng humigit kumulang 96 mcg hanggang 400 mcg bawat nut. Pinoprotektahan ng selenium ang iyong katawan labas sa impeksyon at chronic diseases. Nire-regulate din nito ang mga hormones na ginagawa ng thyroid.

Seaweeds

Iodine ang pangunahing mineral sa seaweeds.  Ang 10 gramo ng nori seaweed na ginagamit sa sushi ay may 232 mcg ng iodine na higit sa 1.5 na daily required minimum. Ito ay kailangan ng katawan para sa paggawa ng thyroid hormones na nagkokontrol ng metabolism.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://medlineplus.gov/definitions/mineralsdefinitions.html, Accessed August 8, 2022

https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-best-foods-for-vitamins-and-minerals, Accessed August 8, 2022

https://kidshealth.org/en/kids/minerals.html, Accessed August 8, 2022

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/calcium/#:~:text=Calcium%20is%20a%20mineral%20most,heart%20rhythms%20and%20nerve%20functions., Accessed August 8, 2022

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement