Bago ka magsimula ng bagong diet, may mga maling paniniwala tungkol sa pagkain at facts na dapat mong malaman. Ang low-carb diet ba ang pinaka mainam na paraan upang mawala ang fat? Totoo ba na ang ibig sabihin ng keto na maaaring kumain ng unlimited bacon at keso? Bibigyan ka namin ng sagot sa mga tanong na ito at marami pa. Ang ilang mga impormasyon dito ay maaaring ikabigla mo.
6 na maling paniniwala tungkol sa pagkain
#1 Laging iwasan ang carbs
Paniniwala
Ito ang pinaka maling paniniwala tungkol sa pagkain kung ang pag-uusapan ay diet at nutrisyon. Hindi maaaring mabuhay ang mga tao ng walang enerhiya na binibigay ng carbs. Karagdagan, mas nais ng utak ang glucose kaysa sa lahat ng pinagmumulan ng enerhiya. Kaya’t kung hindi ka kakain ng sapat na carbs o may mababang blood sugar, maaari kang maging moody, lethargic, at foggy.
Gayunpaman, kadalasan na kumokonsumo ang mga tao ng sobrang carbs at ito ay humahantong sa pagdagdag ng timbang at diabetes kinalaunan. Tanggalin ang refined sugar at starchy na pagkain. Sa halip, pumili ng complex carbs at kumain ng maraming protina. Ito ay makatutulong na mabawasan ang timbang, curb, cravings, at mapabuti ang insulin response.
#2 Makaiiwas sa cancer ang pagsasagawa ng intermittent fasting
Katotohanan
Ang intermittent fasting (IF) ay hindi mismong diet, ngunit ito ay eating pattern. Walang partikular na ipinagbabawal na pagkain para sa fasting, bagaman mas mainam pa rin na kumain ng masustansya at balanseng diet. Isinasagawa ang IF sa pamamagitan ng hindi pagkain o pag-inom ng kahit na anong may calories sa tiyak na oras (kadalasan ay 12 hanggang 24 na oras), at naglalaan ng oras para sa pagkain.
Kilala ang IF hindi lang dahil nakatutulong ito sa mga tao na magbawas ng timbang, ngunit marami itong mga benepisyo sa kalusugan. Habang nasa fasting, ang katawan ay ginagamit ang sugars at nagsisimulang mag-burn ng fat. Karagdagan, nagsisimulang mangyari ang autophagy na paglilinis ng matagal at pagod na mga cells sa katawan.
Dahil sa autophagy, nakababawas ang fasting ng paglago ng cancer, inflammation, visible aging, at nagpapabuti ng kontrol ng blood sugar. Gayunpaman, ang intermittent fasting ay hindi para sa lahat. Kausapin ang iyong doktor upang matukoy kung akma ba ito sa iyo.
#3 Ang bacon, burgers, at keso ay okay para sa keto
Paniniwala
Ang keto diet ay isa sa mga kilalang fad diets sa kasalukuyan. Bagaman ang pagtanggal ng carbs ay isa sa mga salik, ang keto ay kaiba dahil ito ay nangangailangan para sa mga nagdi-diet na kumain ng maraming protina at fat. Maaaring ito ay free pass upang kumain ng bacon, cheeseburger at kung ano mang nais. Sa kasamaang palad, ito ay maling paniniwala tungkol sa pagkain.
Ang malinis na keto diet ay isa sa mga paraan. Manatili sa mataas na kalidad na pinagmumulan na karne at protina, kaysa sa processed na karne. Karagdagan dito, pumili ng “good” fat na unsaturated at naglalaman ng kaunting cholesterol.
Bakit Dapat Piliin ang Keto Diet?
#4 Nakababawas ng timbang ang pagkain nang mabagal
Katotohanan
Sa mga oras na ninanamnam ang pagkain at dahan-dahan na ngumunguya, marami ka nang nakukuhang benepisyo. Una, ang mga oras ng pagkain ay kasiya-siya. Mas makakaramdam ka ng satisfaction sa iyong pagkain, mababawasan ang iyong cravings at pagkagutom kinalaunan. Pangalawa, ang pagnguya mabuti ng iyong pagkain ay mas magpapadali ang pagtunaw. Panghuli, ipinakita ng pag-aaral na ang mga taong kumakain ng mas mabagal ay mas kumakain ng kakaunti. Ibig sabihin nito na kaunting calories at mas maraming mababawas na timbang paglipas ng panahon.
#5: Nakaka-burn ng mas maraming fat ang maanghang na pagkain
Paniniwala (at katotohanan)
May kaguluhan ang paniniwala na ito dahil may kaunting katotohanan dito. Ang capsaicin at piperine ay compounds na makikita sa chili peppers at black pepper. Ang substances na ito ang nagbibigay ng anghang. Ipinakita ng pag-aaral na ang maaanghang ay nakatutulong sa mga tao na mag-burn ng mas maraming calories sa pag-engganyo ng thermogenesis. Ito ang dahilan bakit tayo nakakaramdam ng mainit at pagpapawis matapos kumain ng maanghang.
Gayunpaman, ang ilang mga tao ay nagkakamali sa pag-inom ng soft drinks o pagkain ng maraming pagkain upang mawala ang anghang sa bibig. Karagdagan, ang sobrang anghang na pagkain ay maaaring maging sanhi ng gastrointestinal distress na maaaring pagsisihan matapos ang ilang oras. Kaya’t ang pagdagdag ng mga spices sa iyong pagkain ay makakapag-stimulate ng iyong metabolism ngunit hindi matutunaw ang fat.
#6 – Nagiging dahilan ng cancer ang artificial sugar
Paniniwala
Naging kontrobersyal na ang artificial sugar-free sweeteners. Para sa marami, maaaring ito ay too good to be true at ang salitang “artificial” ay nakakatakot. May panahon pa na ang saccharin, isa sa mga naunang artificial sweeteners ay banned dahil ito ay iniuugnay sa bladder cancer sa lab rats sa isang pag-aaral.
Gayunpaman, ang Nation Cancer Institute at iba pang health authorities ay sinabing ang saccharin at iba pang sugar-free sweeteners ay ligtas. Tulad ng ibang mga pagkain, ang mga sweeteners ay kailangan na gamitin na may moderasyon. Ang artificial sweetener tulad ng aspartame, acesulfame, at sucralose ay ilan sa mga pinaka mabibili. Ito ay ideal sa mga tao na may diabetes o mababa ang sugar at carb diets.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]