backup og meta

Epekto ng Junk Food Sa Katawan: Maaari Itong Magpatanda

Epekto ng Junk Food Sa Katawan: Maaari Itong Magpatanda

Ang pagtanda ay isang natural na proseso, ngunit sa isang recent na pag-aaral sinasabi na ilang mga pagkain ay maaaring magresulta sa’yo ng mas mabilis na pagtanda, at isa ang junk food sa mga sanhi ng mabilis na pagtanda ng tao. Kaya naman magandang mapag-usapan natin ngayon kung ano nga ba ang mismong epekto ng junk food sa katawan, at ano pa ang ibang pagkain na pwedeng nakakapagpatanda?

Sa isang recent na pag-aaral, gustong makita ng mga propesor na sina Maria Bes-Rastrollo at Amelia Marti mula sa Unibersidad ng Navarra sa Spain kung ano ang koneksyon at epekto ng junk food sa pagtanda. Kaya naman ginawa nila ang pag-aaral sa pamamagitan ng “shrinking of telomeres”, kung saan bahagi ito ng ating DNA.

Ang Ating Mga Chromosome: Isang Pagsusuri

Bago mo lubos na maintindihan kung paano naaapektuhan ang mga chromosome ng mga pagkaing nagpapatanda sa’yo, magkaroon muna tayo ng pagsusuri tungkol sa mga chromosome. Narito ang ilang mahahalagang konsepto:

  • Ang lahat ng instructions para sa ating katawan para gumana nang maayos ay nakapaloob sa ating DNA.
  • Ang ating DNA ay parang isang sinulid, ngunit nakapulupot at naka-pack nang mahigpit sa mga structure na tinatawag na chromosome.
  • Bawat isa sa atin ay may 23 pares ng chromosome, ibig sabihin mayroon tayong 46 chromosome sa kabuuan.
  • Ang unang 22 pares ay tinatawag na autosomes at ito’y karaniwan sa mga lalaki at babae.
  • Ang natitirang pares ay tinatawag na sex chromosomes – dahil ipinapakita nila ang iyong kasarian.
  • Mahahanap mo ang 23 pares ng chromosome na ito sa BAWAT selula (cell) ng iyong katawan.

Mahalagang tandaan na ang cells sa ating katawan ay nadi-divide upang makagawa ng mga bagong cells para sa paglaki, at importante ang cell division kung gusto nating gumawa ng mga bagong sellula para palitan ang mga luma o nasirang cells.

Tandaan: Kapag ang ating selula (cell) ay nagdi-divide, ang mga chromosome sa loob ng mga selula (cell) ay naghahati rin para ang mga bagong selula (cell) ay “makopya” ang ating DNA.

Telomeres at Pagtanda

Dapat mong unawain ang dahilan kung bakit may mga pagkaing nakakapagpatanda sa’yo at malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga telomere para mas mapangalaan ang kalusugan.

Kapag ivi-visualize natin ang ating mga chromosome, ang mga ito ay parang mga sinulid na nakapulupot sa napakaliit na titik na “X” at sa dulo ng mga chromosome na ito ay mga structures na tinatawag na telomeres.

Ipinaliwanag ng mga scientist na sa tuwing nagdi-divide ang isang selula (cell), ang telomeres ay nagiging mas maikli, at ang pagpapaikli ay isang uri ng problema, dahil ang telomeres ay gumaganap ng mahahalagang tungkulin, kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Tumutulong ito na ayusin ang 46 chromosomes sa loob ng ating mga selula (cell).
  • Pinoprotektahan ang dulo ng chromosomes mula sa pagdikit sa ibang mga chromosomes. (Isipin na ang telomeres bilang plastic tip sa mga sintas ng sapatos).
  • Nagbibigay-daan sa chromosomes na gumagaya nang maayos sa tuwing nagdi-divide ang isang selula (cell).

Kapag naging masyadong maikli ang telomeres, hindi na magdi-divide ang ating mga selula (cell). Samakatuwid hindi tayo magkakaroon ng mga bagong selula (cell) na humahantong sa pagtanda, at kalaunan ay pwedeng mauwi sa kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga medikal na eksperto na ang pinaikling telomere ay isang “marker para sa biological aging sa isang cellular level.” Sa madaling salita, ang mga telomere ay nagsisilbing “biological clocks” ng ating mga selula (cell).

Ang Epekto ng Junk Food sa Telomeres

Ayon sa isang pag-aaral ang ilang junk foods na nakakapagpatanda sa’yo ay posibleng magpaikli ng iyong telomeres na pwedeng mangahulugan ng sobrang pagkain ng junk food na dahilan ng pagtanda nang mas mabilis bilang epekto ng junk food.

Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na ang mga taong araw-araw na may 3 o higit pang serving ng mga “ultra-processed na pagkain” ay  pwedeng magdoble ng posibilidad sa magiging mas maikli ng kanilang telomeres, kung ihahambing sa mga taong “bihira” kumain ng mga pagkaing ito.

Dagdag pa rito, bagamat sumasang-ayon ang mga mananaliksik sa malakas na ugnayan ng mga ultra-processed na pagkain at telomere-shortening, nanatili pa rin itong “speculative”.

Mga Ultra-Processed na Pagkain kumpara sa Mga Naprosesong Pagkain

Ang mga pagkaing nagpapatanda sa’yo ay mga pagkaing may potensyal na pwedeng makapagpaikli ng telomeres, tulad ng ultra-processed food at processed food. Kapwa silang maaaring maging mapanganib lalo na kung sobra-sobra ang pagkonsumo nito.

Ano ang pinagkaiba?

Kapag sinabi nating unprocessed o minimally processed, ito ay mga whole foods na naglalaman pa rin ng bitamina at nutrients. Nangangahulugan ito na sila ay natural o nasa kanilang “halos na natural na kalagayan.” Bukod pa rito, ang mga pagkain na hindi gaanong naproseso ay maaaring sumailalim sa mga proseso para alisin ang ilan sa kanilang “hindi nakakain na mga bahagi.” Ang mga halimbawa ng mga unprocessed o minimally processed na pagkain na ito ay mga prutas at gulay.

May mga processed foods din tayo na dinadagdagan ng mga asukal, asin, at langis bago sila i-pack ng mga manufacturer. Kung saan ipinaliwanag ng mga eksperto na ang mga pagkaing ito ay “altered” ngunit hindi sa paraang makasasama sa’tin, at kasama sa mga halimbawa ito ang mga pagkain gaya ng canned beans, tinapay, keso, at tofu.

Habang ang mga ultra-processed na pagkain ay mga produktong pagkain na maraming idinagdag na asin, taba, asukal, preservatives, at artipisyal na kulay.

Narito ang pinakakaraniwang mga halimbawa ng mga ultra-processed na pagkain na nakakapagpatanda na dapat mong malaman:

  • Softdrinks
  • Tsokolate
  • Chips
  • Sorbetes
  • Chicken nuggets
  • Fries
  • Hotdogs
  • Mga nakabalot na soups

Binibigyang-diin ng health experts na hindi lang dito limitado ang mga epekto ng junk food dahil ang mga taong kumakain ng maraming ultra-processed na pagkain ay mas may malaking tyansa na magkaroon ng obesity, cardiovascular disease (kabilang ang stroke), at diabetes.

epekto ng junk food

Paano Iwasan ang Mga Ultra-Processed na Pagkain

Dahil sa mga resulta ng mga recent na pag-aaral, gusto mong subukan at iwasan ang mga ultra-processed na pagkain na makapagpapatanda sa’yo, pero ang tanong paano ito gagawin?

Ang susi para sa’yong problema ay kailangan mong matutunan kung paano tukuyin ang mga ultra-processed na pagkain mula sa mga hindi gaanong naproseso at naprosesong pagkain.

Halimbawa, ang mga patatas ay minimal na naproseso habang ang mga na-bake na patatas ay itinuturing na naproseso, at ang ultra-processed na bersyon nito ay French fries na paborito ng marami sa atin.

Isa pa sa magandang halimbawa ang mga mais, dahil ito ay minimal na naproseso lamang, habang ang mga de-latang mais ay pinoproseso, at ang corn chips naman ay itinuturing na ultra-processed.

Kapag alam mo na kung paano matukoy nang maayos ang mga pagkaing makapagpapatanda sa’yo, maaari kang gumawa ng mas mahusay na dietary choices.

Narito pa ang iba pang tips upang maiwasan ang mga ultra-processed na pagkain ay:

  • Kumain ng mas maraming lutong bahay na pagkain nang hindi gumagamit ng mga ultra-processed na sangkap.
  • Isaalang-alang ang paghahanda ng pagkain.
  • Piliin ang iyong mga pagkain kapag kumakain sa labas at kapag natanggap mo na ang menu, pag-isipang mabuti ang iyong mga pagkain at mag-order ng mga opsyon na hindi gaanong naproseso.

Mahalagang Tandaan

Kapag iniisip mo ang tungkol sa pag-iwas sa mga ultra-processed na pagkain na makapagpapatanda sa’yo, huwag kalimutang isaalang-alang din ang mga benepisyo ng pagkain ng mga sariwa at hindi pinrosesong pagkain. Ang mga ito ay nagpapabagal sa proseso ng pagtanda at naglalaman din sila ng mga bitamina at nutrients na tumutulong sa’yong katawan na manatiling malusog.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

Isinalin sa Filipino ni Lornalyn Austria

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Junk food linked to age-marker in chromosomes: study
https://news.abs-cbn.com/life/09/01/20/junk-food-linked-to-age-marker-in-chromosomes-study
Accessed September 4, 2020

What Are Chromosomes?
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=90&contentid=P02116
Accessed September 4, 2020

Can You Lengthen Your Telomeres to Live Longer?
https://cspinet.org/tip/can-you-lengthen-your-telomeres-live-longer
Accessed September 4, 2020

What is a telomere?
https://www.yourgenome.org/facts/what-is-a-telomere
Accessed September 4, 2020

What are telomeres?
https://www.science.org.au/curious/people-medicine/what-are-telomeres
Accessed September 4, 2020

What is ultra-processed food and how can you eat less of it?
https://www.heartandstroke.ca/articles/what-is-ultra-processed-food
Accessed September 4, 2020

What are ultra-processed foods and are they bad for our health?
https://www.health.harvard.edu/blog/what-are-ultra-processed-foods-and-are-they-bad-for-our-health-2020010918605
Accessed September 4, 2020

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement