backup og meta

Benepisyo ng Tsaa: Mabuti ba ang Matcha sa Kalusugan?

Benepisyo ng Tsaa: Mabuti ba ang Matcha sa Kalusugan?

Makikita ang matcha kahit saan. Maaari mo itong makita sa mga tsaa, smoothie, o panghimagas. Higit pa sa lumilipas na uso, long-lasting din ang benepisyo ng tsaa na ito. Magbasa pa upang malaman ang lahat ng tungkol sa mga posibleng benepisyo ng tsaa at kung paano ito makukuha.

Kilalanin pa ang Bago mong Paboritong Flavor: Ang Matcha

Tulad ng iba pang uri ng tsaa, nagmula din ang matcha sa halaman na Camellia sinensis tea plant. Ngunit gumagawa ito ng ibang impresyon sa tao dahil tinatanim ito ng mga magsasaka sa malilim na lugar. Kaya mas tumataas ang dami ng pigment nito at mas napapanatili ang kakaiba nitong kulay.

Dagdag pa rito, nakatutulong ang plant shading tuwing growth period sa synthesis at development ng mga sumusunod na biologically active compounds:

  • Caffeine
  • Chlorophyll
  • Theanine
  • iba-ibang uri ng catechin

Nanggagaling ang sustansya ng matcha mula sa buong dahon ng tsaa na tinatawag na tencha. At bilang resulta, nakatutulong ang prosesong ito sa pagbibigay ng mas mataas na level ng caffeine at antioxidants kumpara sa green tea. Bukod dito, pinag-aralan nang mabuti ng mga mananaliksik ang iba-ibang benepisyo ng tsaa na matcha, kabilang dito ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

Maaari kang makagawa ng sariling matcha sa pamamagitan paggiling ng tencha para maging powder at paghahalo nito sa mga pagkain at inumin.

Mas gusto ng karamihan ang cooking/culinary grade at premium grade. Ngunit ang pinakamataas na kalidad ng matcha – ang giniling sa mga stone mill – mas madalas itong ginagamit sa mga Japanese ceremony at Buddhist temple.

Ano ang Ilang Benepisyo ng Tsaa na Matcha na Kailangan mo sa Buhay

Maraming pag-aaral at kani-kanilang tuklas ang nagpapatunay na ang mga benepisyo ng tsaa na matcha ang dahilan kung bakit naiiba ang flavor na ito.

Mayaman sa Antioxidants ang Matcha

Gaya ng nabanggit, nabibigay ang matcha ng lahat ng sustansyang makukuha mo sa buong dahon. Dahil dito, mayroon itong 137 beses na mas maraming catechins at antioxidants kaysa sa regular na green tea.

Tinuturing ang matcha bilang Isang active at mabuting mapagkukunan ng epigallocatechin-3-gallate (EGCG), isang malakas na antioxidant na may maganda ring benepisyo.

Dahil sa antioxidant effects nito, kaya nitong protektahan ang balat mula sa radiation damage. Higit pa rito, maaari din itong makatulong para makaiwas sa pagkasira ng cell, at maaari pang mapababa ang posibilidad na magkaroon ng mga malalang sakit.

Nakatutulong ang Matcha Pahusayin ang Brain Function

Isa pa ang L-theanine sa mga active compound na makikita sa matcha. Isa itong amino acid na nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety, at pati na rin pagpapabuti ng focus at immunity.stress at anxiety

Ayon sa isang pag-aaral noong 2017, nakabuti ang pagkonsumo ng 200 mg ng L-theanine sa cognition at selective attention ng mga lalaking sumailalim sa pag-aaral. Mas lumakas pa ang epekto nito nang hinaluan ng 160 mg na caffeine.

Pinakita pa ng isang pag-aaral na ang mga plant compound, partikular na ang caffeine at L-theanine na nakikita sa tencha, nakatutulong ang mga ito sa pagpapaganda ng mood at performance. Tumutulong ang L-theanine pampakalma. Habang ang caffeine naman, tulad sa kung saan ito kilala, nagpapalakas ng performance at enerhiya ng isang tao.

Nagdadala ng relaxation at matinding alertness sa buong araw ang pag-inom ng matcha green tea.

Tumutulong ang Matcha Magpababa ng Timbang

Maraming tao ang nakakaalam ng magandang benepisyo ng matcha green tea sa pagpapapayat. Maraming pag-aaral ang nagsasabing nakatutulong ito sa metabolism, mas malakas na paggamit ng enerhiya ng katawan, at pagtunaw ng taba.

Ayon sa isang pag-aaral, tumaas ng 17% ang fat burning dahil sa pag-inom ng green tea extract habang nagsasagawa ng moderate exercise.

Higit pa rito, tinatawag na polyphenols ang mga micronutrient na tumutulong sa pagpapanatili o pagpapababa ng timbang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang epekto sa metabolism. Nakatutulong din ito sa digestion at iba pang sakit tulad ng:

  • Diabetes
  • Mga neurodegenerative disease
  • Mga sakit sa puso

Ano ang Iba’t Ibang Paraan Para Makuha ang Mga Benepisyo ng Tsaa na Matcha?

Maraming paraan upang malagay ang matcha sa iyong araw-araw na pagkain. Narito ang ilan:

  • Pag-inom ng matcha green tea bilang kapalit sa araw-araw na kape (maaari ka ding magdagdag ng gatas para makagawa ng latte)
  • Gumagawa ng matcha smoothie
  • Paglalagay ng matcha sa sabaw
  • Paggamit ng matcha powder bilang flavor sa cookies at iba pang baked goods
  • Paglalagay ng kaunting matcha powder sa guacamole
  • Paggawa ng sariling matcha chia seed pudding bilang meryenda

Key Takeaways

Malaki ang naitutulong ng matcha sa kabuuan mong kalusugan bukod pa sa pagiging paborito mong inumin o dessert flavor. Bibigyan ka nito ng karagdagang benepisyo na makabubuti sa iyong healthy lifestyle.

Kaya, halika at mag-enjoy! Ano ang paborito mong ulam o inumin na matcha? Ibahagi ito sa amin sa comments.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Characteristic Aroma Features of Tencha and Sencha Green Tea Leaves Manufactured by Different Processes – Toshio Hasegawa, Yuta Shimada, Hiroki Saito, Takashi Fujihara, Kenji Haraguchi, Atsushi Takahashi, Kenta Nakajima, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30725584/ Accessed January 12, 2022

Epigallocatechin-3-gallate (EGCG): Chemical and Biomedical Perspectives – Dale G Nagle, Daneel Ferreira, Yu-Dong Zhou, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16876833/ Accessed January 12, 2022

Free Radicals, Antioxidants in Disease and Health – Lien Ai Pham-Huy, Hua He, and Chuong Pham-Huy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3614697/ Accessed January 12, 2022

Effect of Green Tea Phytochemicals on Mood and Cognition – Christina Dietz, Matthijs Dekker, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28056735/ Accessed January 12, 2022

Acute effects of theanine, caffeine and theanine-caffeine combination on attention – Chanaka N Kahathuduwa, Tharaka L Dassanayake, A M Tissa Amarakoon, Vajira S Weerasinghe, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26869148/ Accessed January 12, 2022

Green tea extract ingestion, fat oxidation, and glucose tolerance in healthy humans – Michelle C Venables, Carl J Hulston, Hannah R Cox, Asker E Jeukendrup, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18326618/ Accessed January 12, 2022

Kasalukuyang Version

06/17/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement