Matagal nang itinuturing ang gatas bilang mahalagang pinagkukunan ng mga bitamina at mineral. Marami nang organisasyon sa buong mundo ang nagbahagi ng mga benepisyo ng gatas. Ang araw-araw na pagkonsumo ng gatas ay sinasabi ring mahalaga para sa masustansya at balanseng pagkain. Bagaman ang gatas ng baka ang pinakamatagal nang pinagkukunan nito sa nakalipas na mga siglo, marami na ring alternatibong pagpipilian ang lumilitaw ngayon. Ang mga benepisyo ng soymilk (o soya milk) at mga produktong soya ay dapat na masuri upang matukoy ang mga benepisyo nito sa kalusugan kung susubukan ng mga tao. Narito ang mga benepisyo ng soymilk.
Bakit Gusto Natin Ang Soy
Ano ang ilang benepisyo ng soymilk? Napabababa ng mga produktong gawa sa soy ang pagkakaroon ng magkakaibang chronic disease na may kaugnayan sa edad ng tao. Sinasabi rin ng datos na bawas ang incidence at prevalence ng mga kondisyon at sakit ng mga kumokonsumo ng soy ng regular, kumpara sa populasyong hindi gaanong kumakain nito.
Bagaman higit 1000 taon nang kinokonsumo ang soya, tanging nitong huling 30 taon pa lang nang i-adapt ito ng mga kanluraning kultura.
Napabababa ng regular na pagkain ng mga produktong soya ang panganib na magkaroon ng mga chronic disease tulad ng cancer, sakit sa puso, at stroke. Ang mga bitamina, mineral, fiber, at flavonoids ay mga beneficial agent na matatagpuan sa pagkaing soya.
Sa clinical intervention trials na isinagawa sa mga tao, napababa ng pagkonsumo ng soy product ang levels ng kabuoang cholesterol at ng low-density lipoprotein cholesterol (LDL-C). Noong Oktubre 1999, inaprubahan ng US Food and Drug Administration ang health claim na may kaugnayan ang pagkonsumo ng soy protein sa pagpapababa ng panganib ng coronary heart disease.
Mga Benepisyo ng Soymilk
Nagbibigay ng alternatibong mapagkukunan ng protina ang soybeans para sa mga taong may allergy sa milk protein. Highly digestible ang soy protein (92% – 100%) at taglay ang lahat ng essential amino acids. Bagaman mababa sa methionine, maganda itong pagkunan ng lysine. Ang mga soy dairy-free product ay lactose-free at magandang pagkunan ng mahahalagang fatty acid. Wala itong cholesterol at kaunti lamang o walang saturated fat. Maaari itong maging magandang alternatibong pagkukunan ng mataas na kalidad na protina, B vitamins, potassium, iron, at dietary fiber. Kasama na rin dito ang bioactive components, pati na ang isoflavones.
Dahil mas naging laganap ang lactose intolerance, tumataas din ang paghahanap ng alternatibo sa gatas nang walang dairy. Sa ngayon, mas madali nang makabibili ng mga dairy soy product na walang lactose at milk protein. Kabilang na ang soy milk, cheese alternatives, yogurt, soy sour cream, soy cream cheese at frozen soymilk dessert.
Kinokonsumo na rin ngayon sa mga kanluraning bansa ang soy milk bilang mahalagang pamalit sa gatas ng baka na hindi mabuti sa lactose intolerant. Dahil na rin mura itong mapagkukunan ng dekalidad na protein at energy. Maraming soymilk ang siksik sa calcium, vitamin A at D, riboflavin, zinc at vitamin B12.
Sa 2002 study, lumalabas na ang mga may hypertension na sumunod sa tatlong buwang soy milk diet ay nagkaroon ng kaunti ngunit mahalagang epekto. Nakitaan sila ng pagbaba ng blood pressure kumpara sa mga taong kumokonsumo ng gatas ng baka.
Marahil, ang pinakamahalaga, sa isang pag-aaral noong 1998, sinabing ang mga lalaking kumonsumo ng maraming soy milk ay 70% na mas mababa ang tsansang magkaroon ng prostate cancer.
Batay ngayon sa nakikita mo, napakaraming benepisyo ng soymilk!
Key Takeaways
Bagaman mas maraming tao ang umiinom ng gatas ng baka, napatunayang may mabuting dulot ang kaalaman tungkol sa soy milk. Bukod sa lactose intolerance at allergic reaction, napatunayan ding napababa ng mga ito ang panganib ng prostate cancer. Natutulungan nito ang mga taong may hypertension. Napabababa rin ang panganib ng sakit sa puso at stroke. Hindi na lamang ito basta pamalit sa gatas ng baka – mayroon itong pangmatagalang benepisyo nito sa kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]