backup og meta

Benepisyo ng Repolyo sa Katawan: Anu-ano Ang mga Ito?

Benepisyo ng Repolyo sa Katawan: Anu-ano Ang mga Ito?

Benepisyong ng Repolyo sa Katawan

#1 Mayaman sa mga bitamina ang Repolyo

 Una, ang repolyo at iba pang cruciferous vegetables ay mayaman sa mga bitamina at minerals. May taglay itong folate, potassium, vitamin C, vitamin K, manganese, calcium, carotenoids, at flavonoids.

Kadalasan, mas masustansya ang hilaw o ang bahagyang nilutong repolyo. Nababawasan ang sustansyang taglay ng mga gulay kapag matagal itong pinakuluan o niluto. Nababawasan din ang water content nito. Ang iba pang halimbawa ng cruciferous vegetables ay broccoli, petchay (bok choi), at cauliflower. Mas marami ang bitaminang taglay ng lila o pulang repolyo kumpara sa berdeng repolyo.

#2 May fiber ang repolyo na nakatutulong sa pagtunaw ng mga kinain

 Isa pa sa mga benepisyo ng repolyo sa katawan ay ang fiber content nito. Mahalaga ang fiber sa digestion at colon function. Nakatutulong ang fiber sa iyong pagdumi at nagiging dahilan din upang mabawasan ang constipation. Ngunit isa sa mga hindi magandang epekto ng fiber na nararanasan ng ibang mga tao ay ang pagkakaroon ng kabag. 

Batay sa Philippine Dietary Reference Intakes (PDRI) ng Department of Health (DOH), nangangailangan ng 20 hanggang 25 grams ng fiber ang isang nasa hustong gulang o matanda kada araw. 

 Ang 100-grams (tinatayang 1/4th wedge) ng hilaw na berdeng repolyo ay mayroong 2.5 grams ng dietary fiber. Ibig sabihin, sa maliit na serving ng repolyo, kaya na nitong maibigay ang 10 – 13% ng fiber na kailangan ng katawan mo sa isang araw.     

 #3: Makatutulong ang repolyo upang mabawasan ang iyong timbang

 Sahog ang repolyo sa maraming masasarap na recipe at lutuin. Dahil sa mataas na fiber at water content, mabilis itong makabusog na maaaring makakontrol ng iyong gana sa pagkain. Bukod dito, mababa sa calories ang repolyo. Mayroon lamang 25 kilocalories at 3.2 grams ng asukal ang kada 100 grams ng hilaw na berdeng repolyo. 

 Maaari ding mapababa ang iyong blood sugar at cholesterol ng mga pagkaing gaya ng gulay at grains na sagana sa fiber. Kaya naman, ang repolyo ay keto-friendly. Ibig sabihin, magandang pandagdag sa iyong diet ang repolyo lalo na kung ikaw ay may diabetes, hypertension, o kung nais mo ring magbawas ng timbang. 

health benefits of cabbage

 #4: Antioxidant at panlaban sa kanser

May mga ilang pag-aaral ang nagpapakitang may taglay na sangkap ang repolyo at iba pang cruciferous na gulay na panlaban sa kanser. Ito ay dahil sa sulfur containing compounds. 

Ang compounds mula sa cruciferous vegetables ay napag-alamang posibleng nakapagpapababa ng panganib ng pagkakaroon ng kanser. Bagaman hindi nakagagaling ng mga sakit gaya ng arthritis at kanser ang direktang pagpapahid o paglalagay ng repolyo sa balat, makatutulong naman ito sa iyong pangkalahatang kalusugan. Lalo na kung isasama ito sa iyong mga kinakain. Ngunit hindi mapapalitan ng isang pagkain o halamang gaya ng repolyo ang pagsusuri at panggagamot na naibibigay ng isang lisensyadong doktor. 

Mahalagang palaging tandaan na ang kanser ay isang sakit na may malawak na genetic component at may kaugnay na iba’t ibang environmental factors. Kung makaranas ka ng hindi maipaliwanag na pagbaba o pagbawas ng timbang, madalas na pagkakaroon ng impeksiyon, o may paglaki sa anumang partikular na bahagi ng katawan, pinakamainam na kumonsulta agad sa doktor.

Hindi rin dapat gamitin na gamot ang repolyo.

Key Takeaways

Maraming benepisyo ang repolyo sa katawan, bukod pa sa mura itong bilhin. Sa kabuuan, lahat ng uri ng repolyo ay may pare-parehong nutritional values kaya’t maaaring kainin ang alinman nito. Huwag matakot na magdagdag pa ng repolyo sa iyong diet, o gamitin itong pamalit sa starchy vegetables at grains. Mapabubuti ng repolyo ang iyong kalusugan kaya’t maaari mo itong idagdag sa iyong mga bibilhin sa susunod na pupunta ka ng palengke.    

Matuto ng higit pa tungkol sa Healthy Eating dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement