backup og meta

3 Benepisyo ng Patatas: Bakit ito Mainam para sa Iyo?

3 Benepisyo ng Patatas: Bakit ito Mainam para sa Iyo?

Anong mainam na pagkain na walang side dish o appetizer upang maging masarap ito? Lahat tayo ay gustong-gusto ang fries o mashed potatoes, lalo na kung ang ating panlasa ay nagke-crave sa comfort food. Ngunit maliban sa pagiging indulgent, alam niyo ba na ang patatas ay masustansya rin? Basahin upang malaman ang benepisyo ng patatas.

Masarap at Masustansyang Benepisyo ng Patatas

Ang unang dish na maaaring pumasok sa iyong isip kung narinig ang “patatas’ ay french fries — bilang snack at paborito ng marami sa atin. At bagaman ang finger food na ito ay masarap, maraming mga tao ang nagbabala tungkol sa oil at fat na nilalaman nito. Ngunit mas marami pang maaaring putahe sa patatas hindi lamang french fries.

Ang mga tao sa buong mundo ay ikinokonsidera ang patatas bilang staple na gulay na minamahal dahil sa maraming rason.

Una, ito ay mayaman sa carbohydrates, kung saan maaari itong pamalit sa kanin o pasta. Isa pang dahilan bakit marami ang may gusto ng patatas ay dahil sa versatility – madali lamang itong ihain at maaaring ihanda sa maraming paraan.

Maliban sa mga ito, mainam din itong pinagmumulan ng dietary energy at micronutrients tulad ng:

  • Potassium
  • Fiber
  • Bitamina C
  • Bitamina B (B1, B3, at B6)
  • Protina
  • Folate
  • Pantothenic acid
  • Riboflavin

Iba’t ibang Uri ng Patatas

Maraming mga baryasyon ng flavor, textures at kulay ang patatas. Ilan sa mga karaniwang uri ay:

  • Dilaw
  • Fingering
  • Purple
  • Pula
  • Russet
  •  Puti

Bagaman ang nilalaman na bitamina at mineral ng bawat uri ay iba-iba, ang benepisyo sa kalusugan ng patatas ay nananatili. Dahil ito ay mayaman sa potassium at mababa sa sodium, ito ay maaaring makatulong sa pagbaba ng banta ng pagtaas ng presyon ng dugo at stroke.

3 Benepisyo sa Kalusugan ng Patatas

Tulad ng ibang non-starchy na gulay, mainam ang pagdagdag ng patatas sa iyong meal plans at diet.

Naglalaman ang Patatas ng Antioxidants

Una sa listahan ng benepisyo ng patatas ay ang antioxidant properties na mayroon sa mga sumusunod na compounds:

  • Carotenoids (hal., lutein, zeaxanthin, at violaxanthin)
  • Phenolic compounds (hal., chlorogenic acid)
  • Flavonoids (hal., catechin, at epicatechin)

Ang mga antioxidants ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng pag-neutralize ng potensyal na nakasasamang substances na tinatawag na free radicals. Kung dumami ang free radicals, maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng malalang sakit tulad ng:

  • Sakit sa puso
  • Diabetes
  • Cancer

Sa pag-aaral noong 2011, nagsagawa ang mga mananaliksik ng test-tube observation. Ang kanilang natuklasan ay tumukoy na ang antioxidants na makikita sa patatas ay nakatutulong na maiwasan ang produksyon ng cancer cells sa atay at colon. Karagdagan, ang patatas ay mayroon ding bitamina C, na nagbibigay ng mas malakas na immune system sa pamamagitan ng pag-stimulate ng activity ng white blood cells. Kaya’t ang mga senyales ng pagtanda ay babagal at mapabubuti ang pangkalahatang kalusugan.

Maaaring Makatulong sa Pagpapabuti ng Kalusugan ng Digestive ang mga Patatas

Walang sikreto na ang fiber ng patatas ay maaaring makadagdag ng dalawang mahalagang proseso sa pagtunaw:

  • Maiwasan ang constipation
  • Makatulong sa regularity ng kalusugan ng digestive

Karagdagan sa mga ito, nagpakita ang pag-aaral na ang converted na short-chain fatty acid, partikular na tinatawag na butyrate, ay maaaring makatulong sa kalusugan ng colon sa mga sumusunod na paraan:

  • Mabawasan ang pamamaga ng colon
  • Mapabuti ang depensa ng colon
  • Mabawasan ang banta ng colorectal cancer

Karagdagan, nakatutulong din ang butyrate sa mga pasyente na nakararanas ng inflammatory bowel diseases tulad ng Crohn’s disease, ulcerative colitis, at diverticulitis.

Nakatutulong na Magpanatili ng Lebel ng Presyon ng Dugo at Blood Sugar ang Patatas

Isa sa mga kinikilalang benepisyo ng patatas ay ang kakayahan nitong ikontrol ang presyon ng dugo at lebel ng blood sugar. Kaya’t nakatutulong ito sa mga taong may type 2 diabetes.

Ang mga patatas ay mayroong sapat na lebel ng potassium, sapat upang makatulong na mapanatili ang kalusugan ng presyon ng dugo, na nagtatrabaho kasama ng mababang pagkonsumo ng sodium. Ilan sa mga nutrisyon tulad ng potassium, calcium, at magnesium ay nakatutulong upang natural na mapababa ang presyon ng dugo. At maaari din nitong mapababa ang banta ng pagkakaroon ng stroke.

Key Takeaways

Maraming mga patatas sa pamilihan. Hindi lamang masarap na sangkap ang mga ito na nakatutulong na mapasarap ang masasarap na comfort food, nagbibigay din sila ng nutrisyon na makatutulong upang suportahan ang pangkabuuang kalusugan at nourishment. Ang pag-alam kung paano magluluto at maghahanda ng mga patatas sa iba’t ibang paraan tulad ng baking, roasting, pagpapakulo, o air frying ay makatutulong upang ma-maximize ang benepisyo ng patatas.

Ano ang paborito mong recipe na gawa sa patatas? Ipaalam sa komento!

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Are Potatoes Healthy?, https://health.clevelandclinic.org/are-potatoes-healthy/ Accessed January 13, 2022

Nutritional Value, https://www.nationalpotatocouncil.org/benefits-of-potatoes/nutritional-value/ Accessed January 13, 2022

Potatoes, Nutrition, and Diet – Fact Sheet, https://www.fao.org/potato-2008/en/potato/IYP-6en.pdf Accessed January 13, 2022

Butyrate utilization by the colonic mucosa in inflammatory bowel diseases: a transport deficiency – Ronan Thibault, François Blachier, Béatrice Darcy-Vrillon, Pierre de Coppet, Arnaud Bourreille, Jean-Pierre Segain, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19774643/ Accessed January 13, 2022

Potential beneficial effects of butyrate in intestinal and extraintestinal diseases – Roberto Berni Canani, Margherita Di Costanzo, Ludovica Leone, Monica Pedata, Rosaria Meli, Antonio Calignano, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21472114/ Accessed January 13, 2022

Inhibitory effect of antioxidant extracts from various potatoes on the proliferation of human colon and liver cancer cells – Quanyi Wang, Qin Chen, Maolong He, Priya Mir, Junying Su, Qing Yang, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21888504/ Accessed January 13, 2022

Antioxidants in Potato – C.R. Brown, https://link.springer.com/article/10.1007/BF02853654 Accessed January 13, 2022

Potatoes and Human Health –  Mary Ellen Camire, Stan Kubow, Danielle J Donnelly, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19960391/ Accessed January 13, 2022

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement