Naghahanap upang magdagdag ng higit pang fiber sa iyong diet? Gusto mo bang pumayat? Pababain ang risk ng sakit sa puso? O gusto mo lang ng healthy food sa iyong mga pagkain at meryenda? Kung naghahanap ka ng masustansyang pagkain para sa healthier life, hindi ka maaaring magkamali sa mga oats. Oo, maraming mga usong diet na nangangako ng napakaraming benepisyo sa kalusugan. Ngunit hindi tulad ng mga bagong diet, ang oats ay matagal nang napatunayang may magandang benepisyo sa maraming aspeto ng iyong kalusugan. Alamin muli ang mga benepisyo ng oatmeal dito.
Mga Benepisyo ng Oats: Puno ng Nutrisyon
Ang mga oats, o Avena sativa, ay isang whole-grain na pagkain. Ang whole grain, gaya ng tawag dito, ay kinakain nang buo; lahat ng 3 bahagi – bran, germ at endosperm – ay consumed. Samantalang ang mga refined grains tulad ng white rice o white flour ay inalisan ng bran at germ, at naiwan lamang ang carbohydrate-rich na endosperm.
Sa whole grains, ang bran at ang germ ay mayaman sa nutrients tulad ng fiber. Hindi exception ang oatmeal. Bukod sa fiber ( kasama ang soluble fiber), ang oats ay isang mayamang mapagkukunan ng phosphorus, thiamine, magnesium at zinc. Naglalaman din ito ng Beta-glucan, isang soluble fiber na may maraming mahahalagang benepisyo sa kalusugan.
Saan Ako Makakakuha ng Oats?
Sa Pilipinas, kilala natin ang mga oats pangunahin mula sa instant oatmeal. Ngunit mayroong maraming iba pang mga anyo ng oats, tulad ng:
- Groat oats- ang pinakabuong form ng oats
- Oat bran- naglalaman ng pinakamaraming fiber sa oat groat
- Rolled oats- nabuo sa flakes
- Steel oats- hinati ng blade sa dalawa hanggang tatlong piraso
- Instant oats – pinagsama sa manipis na piraso para sa madaling pagluluto
Habang ang iba’t ibang uri ng oats ay may katulad na nutritional content, mas maraming whole forms ng oats ang mas matagal ma-digest. At ang digestion time ay maaaring magkaroon ng epekto sa blood sugar levels.
Ang oats ay karaniwang kinakain sa breakfast at pinakukuluang may tubig o gatas. Idinaragdag din ang mga ito sa maraming baked goods tulad ng cookies o granola bar.
Benepisyo ng Oatmeal: Source ng Soluble Fiber
Ang mga oats ay isang mahusay na mapagkukunan ng soluble fiber, isang uri ng dietary fiber na natutunaw sa tubig. Naglalaman ito ng Beta-glucan, soluble fiber na nauugnay sa pagpapabuti ng kalusugan ng puso.
Bilang karagdagan, ipinakita ng research na ang Beta-glucan ay may ilang makabuluhang benepisyo sa kalusugan:
- Binabawasan nito ang mga antas ng kolesterol.
- Binabawasan nito ang blood sugar levels at pinapabuti ang insulin response.
- Tinutulungan ng Beta-glucan ang pagbaba ng timbang sa pamamagitan ng pakiramdam ng pagiging busog.
- Nakakatulong ito sa paglaki ng good bacteria sa digestive tract.
Mga Benepisyo ng Oats: Mas Mababang Cholesterol Levels
Ang mga oats ay matagal nang nauugnay sa pagpapabuti ng kalusugan ng puso. Nalaman sa maraming pag-aaral na ang oats ay nagpapababa ng kabuuang cholesterol levels gayundin sa LDL cholesterol levels (o “bad” cholesterol). Gayunpaman, ang research sa kung gaano ka- beneficial ang mga oatmeal para sa kalusugan ng puso ay hindi malinaw. Ang ilang mga pag-aaral ay nagsasabi na ang whole grains tulad ng oats ay maaaring makabawas sa risk ng atake sa puso. Ito ay hanggang 25% . Ang ibang mga pag-aaral ay may hindi gaanong makabuluhang mga resulta.
Mga Benepisyo ng Oats: Mas Mabuting Pagkontrol ng Blood Sugar
Dahil ang mga oats ay isang whole grain, mas matagal itong ma-digest, habang mayroon pa ring mataas na nutritional content. Ang mga benepisyo ng oatmeal ay nakakatulong sa mas mahusay na blood sugar control. Bilang karagdagan, ang Beta-glucan ay nakakatulong para ma-delay ang absorption ng glucose sa dugo.
Mga Benepisyo ng Oats: Weight Loss
Nakakabusog ang mga oats. Ang pakiramdam na ito ng pagkabusog, ang pakiramdam ng pagiging puno, ay makakatulong sa mga nagsisikap na magbawas ng timbang. Ang beta-glucan ay naglalabas din ng satiety hormone, YY (PYY), at kapag nabusog ka, kumakain ka ng mas kaunti, na humahantong sa pagbawas ng paggamit ng mga calorie.
Mga Benepisyo ng Oatmeal: Mas mahusay na Digestion
Dahil sa mataas na dami ng fiber sa oatmeal, kapaki-pakinabang ang mga ito para sa
digestive health. Natuklasan ng mga pag-aaral na ang mga oat ay nakakabawas ng constipation sa mga matatanda. Ang Beta-glucan, samantala, ay naiulat na nagpapataas ng pagkakaiba-iba ng gut microbiota.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]