Narinig mo na siguro ang mga sinasabi na marami raw benepisyo ng chia seeds lalong lalo na sa ating kalusugan. Kasama na ang weight loss at pagbaba ng blood sugar level. Bakit healthy ang chia seeds? Ito kaya ay totoong superfood o baka nauso lang?
Narinig mo na siguro ang mga sinasabi na marami raw benepisyo ng chia seeds lalong lalo na sa ating kalusugan. Kasama na ang weight loss at pagbaba ng blood sugar level. Bakit healthy ang chia seeds? Ito kaya ay totoong superfood o baka nauso lang?
Ang chia seeds ay naging isang napakasikat na superfood. At sa mas maraming tao na conscious sa kanilang kalusugan, ang mga buto ng chia ay naging mas popular.
Mabibili ang mga chia seed sa mga grocery store, at ang ilang mga restaurant ay nag-aalok pa nga ng chia seeds bilang bahagi ng kanilang healthy menu. Ang kakaiba sa chia seeds bilang isang superfood ay punung-puno ang mga ito ng healthy minerals at nutrients, na lahat ay kailangan ng iyong katawan. Kung ikukumpara sa iba pang uri ng mga buto, ang chia seeds ay mas nutrient-dense. Kaya naman ang mga ito ay talagang puno ng benepisyo para sa kalusugan.
Alamin dito kung ano ang spesipikong benepisyo ng chia seeds:
Sa isinagawang pag aaral sa mga taong kumakain ng chia seeds bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na diyeta, nalaman na ang pagkain ng chia seeds ay nakakatulong sa pag-regulate ng blood sugar level. Ang mga buto ng chia ay nagiging napaka-epektibo kapag isinama sa isang masustansya at balanseng diet.
Mataas ang level ng fiber ng mga chia seeds. Habang ang ibang mga pagkain ay naglalaman din ng fiber, naiiba ang mga buto ng chia dahil ito ay soluble fiber at mucilage.
Ang mga uri ng fiber na ito ay napakadaling natutunaw, kaya hindi mahihirapan ang iyong katawan na tunawin ang mga ito. Napakahalaga nito pagdating sa kalusugan ng iyong bituka dahil kinokontrol ng fiber ang iyong pagdumi.
Ang mataas na fiber content ay nakakatulong din na mapabagal ang panunaw at pinipigilan ang pagtaas ng blood sugar.
Dahil sa mataas na fiber content, makakatulong ang chia seeds na mapanatiling busog ka nang mas matagal.
Kaya naman, ang mga buto ng chia ay mabuting isama sa isang healthy diet, lalo na para sa mga nagsisikap na magbawas ng timbang.
Bukod sa fiber, ang chia seeds ay naglalaman din ng maraming omega-3 fatty acids. Ang mga ito ay itinuturing na healthy fats at tumutulong sa pag-regulate ng heart rhythm, nagpapababa ng presyon ng dugo, at pinipigilan din ang mga pamumuo ng dugo at pamamaga.
Ang mga buto ng chia ay naglalaman ng mas maraming omega-3 fatty acids kumpara sa iba pang mga buto at butil, dahilan para hanap-hanapin ng mahihilig sa healthy meals.
Bilang karagdagan sa mga nabanggit, ang mga buto ng chia ay nakatutulong para sa mga nagnanais ng mababang cholesterol level.
Ang mataas na fiber content ng chia seeds ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng cholesterol level kasama ng omega-3 fatty acids. Ito ay napaka-epektibo, para sa high cholesterol management at isang mahusay na alternatibo sa iba pang mga butil.
Sagana ang chia seeds sa mga sumusunod na sustansya at mineral:
Bilang karagdagan, ang chia seeds ay mayroong maraming antioxidant na tumutulong sa pag-neutralize ng mga free radicals na maaaring magdulot ng pamamaga o maging ng kanser.
Isang nutrient-dense na pagkain kaya isang superfood ang chia seeds kaya talagang dapat mong isama sa iyong diet, lalo na kung gustong magbawas ng timbang, makakuha ng mas maraming enerhiya, at mapawi ang bloating.
Sa napakaraming benepisyo ng chia seeds, paano mo eksaktong isasama ito sa iyong diet?
Una, maaari talagang kumain ang chia seeds na hilaw. Ihalo lang ito sa iyong mga cereal, idagdag ito sa iyong smoothie, o idagdag pa ito sa ilang brown rice para mas healthy ito.
Kahit hindi luto, sagana pa rin sa mga benepisyo ang chia seeds.
Isa pang ginagawa ay ibabad ito sa tubig para mas madaling ihalo sa iba pang inumin.
Maaring ibabad ang mga buto ng chia para maka-absorb ng maraming tubig. Pagkatapos nito ay magkakaroon sila ng gelatinous texture tulad ng mga buto ng kiwi. Ito ay magandang ihalo sa mga katas ng prutas para sa isang healthy at refreshing drink.
Sa Mexico, ang mga buto ng chia ay kinakain sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig o sariwang katas ng prutas.
Hayaan silang sumibol
Ang mga buto ay hindi lamang isang malusog na bahagi ng halaman ng chia. Maaari mo talagang hayaang tumubo ang mga buto ng chia, at kainin ang mga ito bilang salad.
Upang gawin ito, maglagay lamang ng isang layer ng chia seeds sa isang malinis na lalagyan, mag-spray ng tubig, at takpan. Iwanan sa isang maaraw na lugar, at hintayin itong umusbong.
Kapag lumitaw ang mga sprout, kadalasan sa loob ng 5-7 araw, maaari mo itong idagdag sa iyong mga salad at sandwich para sa isang masarap na pagkain!
Ang mga buto ng chia ay mahusay din kapag inihalo sa tinapay. Kung mahilig kang mag-bake ng sarili mong tinapay, maaari kang maghalo ng ilang chia seeds upang magkaron ng mas healthy na tinapay.
Ito ay isang mahusay na alternatibo sa white bread, at ito ay walang anumang mga preservative o additives.
[embed-health-tool-bmi]
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Chia Seeds Health Benefits | Sutter Health, https://www.sutterhealth.org/ask-an-expert/answers/chia-seeds-health-benefits, Accessed July 29 2020
What Are Chia Seeds, https://www.eatright.org/food/vitamins-and-supplements/nutrient-rich-foods/what-are-chia-seeds, Accessed July 29 2020
Mayo Clinic Minute: Chia – it’s not just a pet – Mayo Clinic News Network, https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-minute-chia-its-not-just-a-pet/, Accessed July 29 2020
Chia Seeds | The Nutrition Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/food-features/chia-seeds/, Accessed July 29 2020
Nutritional and therapeutic perspectives of Chia (Salvia hispanica L.): a review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4926888/, Accessed July 29 2020
Kasalukuyang Version
12/21/2022
Isinulat ni Corazon Marpuri
Narebyu ng Eksperto Chris Icamen
In-update ni: Jan Alwyn Batara