backup og meta

Benepisyo ng Almonds sa Kalusugan, Alamin!

Benepisyo ng Almonds sa Kalusugan, Alamin!

May mga araw na naghahanap tayo ng makakain. Normal na nakakaramdam ng kagustuhan kumain, kahit anong oras at hindi alintana kung nagugutom bang tunay o hindi. Itinuturing na universal behavior ang snacking. Bagaman hindi nakakasama ang pagkain, may mga go-to snacks na hindi mabuti sa atin sa pagtagal na panahon. Dito maaaring pumasok ang mga alternatibong snack tulad ng organic chips o nuts. Magandang halimbawa dito ang almonds. Magbasa pa para higit na malaman ang benepisyo ng almonds.

Kaunting Background Tungkol sa Almonds

Isang uri ng tree nut ang almonds na makikita natin mula pa noong 3000 BC. Nabanggit pa ito sa unang libro ng Bibliya, ang Genesis, bilang mahalagang pagkain na ibinigay bilang regalo.

May mga shell ang almonds na kailangang buksan para makuha ang nakakain na buto na karaniwang ginagamit sa pagkain at inumin. At ang magandang bagay pa tungkol dito, walang bahagi ang nasasayang. Madalas na ginagamit ang mga shell at hull ng almonds bilang feed at bedding para sa mga hayop pagtapos makuha ang buto.

Bukod diyan, puno rin ng mabubuting sustansya ang almonds tulad ng:

  • Fiber
  • Iron
  • Calcium
  • Phosphorus
  • Magnesium
  • Biotin
  • Vitamin E
  • Monounsaturated Fats
  • Trace minerals (tulad ng copper)
  • Phytonutrients, partikular na ang flavonoids, plant sterols, at phenolic acids

Maaari mo rin mabili sa iba’t ibang klase ang almonds. Puwede itong raw, blanched, dry-roasted, o maging oil-roasted. Makikita rin ang ilan sa mga ito sa mga sumusunod na anyo:

  • Almond milk
  • Almond flour
  • Whole (o slivered) almonds
  • Almond oil
  • Almond butter

[embed-health-tool-bmi]

3 Benepisyo ng Almonds sa Kalusugan

Bagaman nakikita ng ilang tao ang almonds sa mga paborito nilang fruit bowls at mixes, maaari ding kainin mismo ang mga almonds. Narito ang ilang benepisyo ng almonds na maaaring maging dahilan para magustuhan mo pa lalo ito.

Maaaring Mapababa ng Almonds ang Panganib mula sa mga Sakit sa Puso

Nasa taas ng listahan ng benepisyo ng almonds ang kakayahan nitong mabawasan ang panganib ng isang tao mula sa mga sakit sa puso. Tumutulong ito na mapabuti ang kalusugan ng iyong puso.

Mayaman ang almonds sa healthy fatty acids na kilala bilang monounsaturated acids (MUFA), na kumikilos din kasama ng mga antioxidant. Parehong mayaman dito ang almonds, pumoprotekta ito sa iyong puso at buong cardiovascular system.

Nakatutulong ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng dami ng LDL cholesterol (low-density lipoprotein) at pagdadagdag ng ilang anti-inflammatory at antioxidant effect. Gayundin, pinapabuti ng mataas na level ng unsaturated fat sa almond ang lipid profile, lalo na kapag pinapalitan nito ang iba pang mga pagkaing kinakain natin na likas na mataas sa saturated fat at refined carbohydrates.

Makatutulong Ito na Pigilan ang Sobrang Pagkain at Pagtaas ng Timbang

Ayon sa isang pag-aaral ng mga mananaliksik ng Purdue University, nakatutulong sa mga tao ang regular na pagkain ng 1.5 ounces ng dry-roasted, lightly salted almonds para malimitahan kanilang pagkagutom. Bukod dito, pinapabuti rin nito ang nakukuha nilang vitamin E, fiber at monounsaturated fats (good fats), na tumutulong naman sa pagbabawas ng timbang at pagpapanatili nito sa katawan sa tamang bigat.

Dagdag pa rito, mas mababa ang rate ng obesity sa mga taong madalas kumain ng almonds kaysa ng ibang pagkain.

Sinasabi lamang ng mga pag-aaral na ito na isa sa mga benepisyo ng almonds ang pagkontrol sa carbohydrate consumption.

Maaari nitong Pahusayin ang iyong Memory at Paggana ng Utak

Dahil sa mataas nilang riboflavin at L-carnitine content, isa ang mga almonds sa pinakasikat na pagkain para sa memorya at utak. Responsable ang dalawang substance na ito sa pagpapanatili ng healthy neurological activity. Pumipigil din ito sa cognitive decline sa pamamagitan ng pagbabawas ng inflammatory processes sa utak.

Hinihikayat ng mga mananaliksik at mga doktor ang mga taong may mataas na panganib mula sa pagkakaroon ng mga sakit sa pag-iisip tulad ng dementia at Alzheimer’s disease na kumain ng almonds, mas mabuti kung araw-araw o ilang beses sa isang linggo.

Higit pa rito, ipinakita ng mga controlled trial na benepisyal sa maraming aspeto ang madalas na pagkain ng mani tulad ng almonds:

  • Pagbaba ng inflammation na nauugnay sa mga sakit sa puso
  • Tumutulong sa healthy blood vessels
  • Pagbaba ng insulin resistance
  • Binababaan ang panganib mula sa blood clot na maaaring magresulta ng atake sa puso at maging ng kamatayan.

Key Takeaways

Isa ang almonds sa mga pagkaing maaari ding magandang mapagkukunan ng sustansya na makatutulong sa iyo na mapabuti lalo ang iyong kalusugan sa maraming paraan.
Siguraduhing isama ito sa iyong lagayan ng pagkain para matugunan ang mga biglaang cravings ngunit sa masustansyang paraan!
Ano ang iyong go-to healthy snack? Ibahagi ito sa amin sa comments.

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Almonds, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/food-features/almonds/ Accessed January 6, 2022

Almonds vs complex carbohydrates in a weight reduction program – M A Wien, J M Sabaté, D N Iklé, S E Cole, F R Kandeel Accessed January 6, 2022

Benefits of Almonds, https://www.canr.msu.edu/news/benefits_of_almonds Accessed January 6, 2022

Nuts and your heart: Eating nuts for heart health, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/nuts/art-20046635 Accessed January 6, 2022

Health Benefits of Almonds beyond Cholesterol Reduction – Alison Kamil, and C.-Y. Oliver Chen, https://pubs.acs.org/doi/10.1021/jf2044795 Accessed January 6, 2022

How Almonds Can Improve Your Heart Health, https://health.clevelandclinic.org/how-almonds-can-improve-your-heart-health/ Accessed January 6, 2022

Repeated administration of almonds increases brain acetylcholine levels and enhances memory function in healthy rats while attenuates memory deficits in animal model of amnesia – Zehra Batool, Sadia Sadir, Laraib Liaquat, Saiqa Tabassum, Syeda Madiha, Sahar Rafiq, Sumayya Tariq, Tuba Sharf Batool, Sadia Saleem, Fizza Naqvi, Tahira Perveen, Saida Haider, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26548495/ Accessed January 6, 2022

Kasalukuyang Version

06/18/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement