backup og meta

Anu-ano ang Benepisyo ng Mulberry sa Kalusugan?

Anu-ano ang Benepisyo ng Mulberry sa Kalusugan?

Ang mga mulberry ay makukulay na berry na parehong kinakain nang sariwa at pinatuyo. Maganda itong pagkunan ng iron, vitamin C, at ilang plant compound na nauugnay sa pagpapababa ng cholesterol, blood sugar, at panganib ng cancer. Libo-libong taon na ring ginagamit ang mga berry na ito sa chinese herbal medicine na nagpapagaling ng iba’t ibang karamdaman, bagaman marami pang patunay ang kailangan upang suportahan ang bisa nito. Matamis at malinamnam ang lasa ng mga mulberry. May taglay itong mga sustansya, at benepisyo sa kalusugan. Ang mga benepisyo ng mulberry sa kalusugan ay mahalaga sa pagbuo ng masustansyang diyeta. 

Mga mineral at bitamina

Kilala ang mga antioxidant at phytochemical na taglay ng mga mulberry sa kanilang resveratrol content. Maganda rin itong pagkunan ng iron at vitamin C. Nauugnay ang mga mulberry sa pagpapababa ng panganib ng cancer at lebel ng cholesterol at sugar sa dugo. 

Ang sariwang mga mulberry ay 88% tubig at may 60% lamang na calories sa bawat tasa (140 grams). Nagbibigay ito ng 9.8% carbohydrates, 1.7% fiber, 1.4% protein, at 0.4% fat sa sariwang timbang.

Sa pinatuyong anyo naman, ito ang madalas na kinokonsumo. Kapareho ito ng mga pasas na may 70% carbohydrates, 14% fiber, 12% protein, at 3% fat.

Ang sariwang mga mulberry ay maraming tubig at mababa sa calories. Nasa 10% ng calories nito ay mula sa carbohydrates. 

May matamis o tart na lasa ang mga mulberry kaya’t tamang-tama ito para sa sherbet, jam, squashes, jellies, fruit tarts, at pies. Ang mga mulberry ay mataas sa iron, vitamin C, vitamin K, potassium, calcium, at iba pang mahahalagang bitamina at mineral.

Ano ang mayroon sa mga mulberry?

  • Ang vitamin C ay mahalaga sa pagpapanatili ng malusog na balat. Sumusuporta ito sa maraming biological na proseso
  • Ang iron ay mahalagang elementong may maraming gamit, kabilang na ang paghahatid ng oxygen sa buong katawan
  • Isang mahalagang mineral naman ang potassium na maaaring makapagpababa ng blood pressure at panganib ng sakit sa puso
  • Importante ang vitamin K sa blood clotting at kalusugan ng buto. 

Mga benepisyo sa kalusugan ng mulberry

Ang mga mulberry o katas ng mulberry ay maaaring makatulong sa paglaban sa mga sakit tulad ng mga sakit sa puso, diabetes, at cancer. Nasa 40g ang ipinapayong dami ng kakainin araw-araw upang magkaroon ng balanse at makatulong na maging malusog. 

Benepisyo ng mulberry: Nakapagpapababa ng cholesterol

Ang bawat cell sa iyong katawan ay may taglay na mahahalagang cholesterol. Gayunpaman, ang mataas lebel ng cholesterol sa dugo ay nauugnay sa pagtaas ng panganib ng sakit sa puso.

Sa mga eksperimento sa hayop, ang mga mulberry at katas ng mulberry ay nakitang nagpapababa ng cholesterol, at posibleng makapagpaganda ng ratio ng LDL (bad cholesterol) sa HDL (good cholesterol).

Benepisyo ng mulberry: Nagpapaganda ng blood sugar regulation

Kailangang palaging mag-ingat ang mga taong may type 2 diabetes sa pagkonsumo ng carbohydrates dahil sa posibilidad ng pagtaas ng blood sugar kung hindi ito makontrol. Ang mga mulberry ay may taglay na sangkap na pumipigil sa pagdurog sa carbohydrates sa anyo na mas madali makonsumo ng katawan at makapagpataas ng blood sugar levels.

Kaya naman, ang mga mulberry ay maaaring may benepisyo laban sa diabetes sa pamamagitan ng pagpapabagal ng pagtaas ng blood sugar matapos kumain. Subalit dahil wala pang pag-aaral sa tao ang nasabi, kailangan ng mga pag-aaral sa tao bago makabuo ng matibay na konklusyon tungkol dito.

Benepisyo ng mulberry: Nagpapababa ng panganib ng cancer

Lumalabas na ang mataas na stress sa katawan ay nagdudulot ng oxidative damage sa mga cell at tissue, na nauugnay sa pagtaas ng panganib ng cancer.

Walang data na nagsasabing ang mga mulberry ay bumabawas sa panganib ng cancer higit pa sa ibang prutas o mga berry, gayundin para sa mga prutas at gulay sa pangkalahatan.

Pag-iingat sa Pagkain

Napag-alaman sa isang pag-aaral na ang sobrang pagkain ng maraming mulberry ay nakamamatay at maaaring magdulot ng pagbaba ng blood sugar level sa mapanganib na level. Mayroon ding panganib ng pagpahid ng katas ng mulberry. Bagaman bihira ang magkaroon ng allergy dahil sa mga mulberry, may mga naitalang mga taong nakaranas ng allergic reaction sa pollen ng puno ng mulberry. Palaging kumonsulta sa doktor.

Konklusyon

Maaaring mapaganda ng mga mulberry ang blood sugar management, mabawasan ang cholesterol level, at makaiwas sa fatty liver disease. Binabawasan din ng mga mulberry ang oxidative stress, na nakapagpapababa ng panganib ng cancer. Gayunpaman, limitado lamang ang ebidensyang susuporta sa bisa nito. May taglay na mga sustansya ang mulberry, at dami ng potent compounds. 

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Effects of Mulberry Fruit (Morus alba L.) Consumption on Health Outcomes: A Mini-Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5981255/, Accessed September 20, 2022

Mulberry leaves and their potential effects against cardiometabolic risks: a review of chemical compositions, biological properties and clinical efficacy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6130672/, Accessed September 20, 2022

Nutrition and healthy eating, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/improve-brain-health-with-the-mind-diet/art-20454746, Accessed September 20, 2022

Mulberry (Morus spp.): An ideal plant for sustainable development, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S266671932030011X, Accessed September 20, 2022

The Mulberry, Morus alba (L.): The Medicinal Herbal, Source for Human Health, https://www.researchgate.net/profile/Vitthalrao-Khyade-2/publication/332615098_The_Mulberry_Morus_alba_L_The_Medicinal_Herbal_Source_for_Human_Health/links/5dcc0ee9299bf1a47b363f8e/The-Mulberry-Morus-alba-L-The-Medicinal-Herbal-Source-for-Human-Health.pdf, Accessed September 20, 2022

White Mulberry, https://www.drugs.com/npp/white-mulberry.html, Accessed September 20, 2022

Kasalukuyang Version

10/23/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement