backup og meta

Ano ang vitamin D, at bakit ito kinakailangan ng katawan?

Ano ang vitamin D, at bakit ito kinakailangan ng katawan?

Ano ang vitamin D? Kapag vitamin D ang pinag-uusapan, agad na iniisip ng mga tao ay ang sunlight. Kaya naman hinihikayat ang mga tao na magpa-araw. Gayunpaman, kakaunti lang ang kaalaman kung paano gumagana nang maayos sa katawan ang partikular na bitaminang ito. Ibinabahagi ng artikulong ito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang vitamin D bilang bahagi ng kalusugan mo.

Ano ang Vitamin D?

Ang vitamin D ay fat-soluble na bitamina. Ito ay nagsisilbing parehong nutrient at hormone na ginagawa ng katawan. Tumutulong ito sa regulasyon ng calcium at phosphorus absorption para mapabuti ang kalusugan ng buto. Ito rin ang nagpapanatili ng iba pang cellular functions sa katawan sa pamamagitan ng antioxidant, anti-inflammatory, at neuroprotective properties nito.  

Bukod dito, ito rin ay may iba’t ibang anyo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Ergosterol (provitamin D2) ay isang uri ng sterol na nasa mga halaman.
  • Ergocalciferol (vitamin D2) ay nasa mga halaman din.
  • 7-dehydrocholesterol ay ang uri na nasa mga hayop.
  • Ang cholestyramine (vitamin D3) ay ang uri na nabuo sa katawan bilang resulta ng pagkakalantad sa araw.

Ano ang Vitamin D at Saan ito Makukuha?

May tatlong madaling paraan para makakuha ng vitamin D. Ito ay sa pamamagitan ng balat, mula sa diet mo, at sa mga dietary supplements. Ang pagbibilad sa araw ay nagbibigay sa katawan na makabuo ng vitamin D. Gayunpaman, ang sobrang exposure ay maaaring magdulot ng skin aging at skin cancer. Kaya, maraming mga indibidwal ang nakakahanap ng mas mahusay na mga mapagkukunan bukod sa sikat ng araw. Narito ang ilang mapagkukunan ng Vitamin D:

  • Oil extracted mula sa cod liver
  • Salmon
  • Swordfish
  • Tuna sashimi
  • Vitamin D-fortified orange juice
  • Vitamin D-fortified dairy and plant milk
  • Sardinas
  • Atay ng karne ng baka
  • Fortified cereals
  • Pula ng itlog

Ang iba pang mga food selection ay may mataas na level din ng vitamin D2 at D3, tulad ng karne ng matatabang isda at liver oils. Sinasabi ng ilan na ang pag-eehersisyo araw-araw ay pwedeng makatulong sa produksyon nito.

Ano ang Vitamin D at Gaano Karami ang Maaaring Kunin ng Iyong Katawan?

Ang Recommended Dietary Allowance (RDA) para sa vitamin D ng mga adults (19 years at pataas), ay 600 IU bawat araw. Ito ay pareho sa babae at lalaki. Samantalang ang IU ng mga nasa hustong gulang na higit sa 70 years old ay 800.

Ang Tolerable Upper Intake Level (UL) ay ang highest daily intake na malamang na hindi makapinsala sa kalusugan ng isang tao. Ang UL para sa vitamin D ay 4,000 IU para sa adults at mga bata na edad 9 pataas.

Ilang mga tao na maaaring mangailangan ng karagdagang intake ng bitaminang ito:

  • Senior citizens
  • Mga sanggol na pinapasuso
  • Ang mga indibidwal na may maitim na balat
  • Mga taong dumaranas ng ilang partikular na sakit ( sakit sa atay, cystic fibrosis, at Crohn’s disease)
  • Obese
  • Mga indibidwal na sumailalim sa gastric bypass surgery

Ano ang Vitamin D at Bakit Kailangan Mo Ito sa Iyong Katawan?

Maraming pag-aaral ang nagpakita ng kahalagahan ng vitamin D sa pag-iwas sa sakit. Ito rin ay maraming benepisyo sa kalusugan para sa mga tao.

Nakakatulong Ito na Pahusayin ang Bone at Muscle Strength  

Binibigyang-diin ng ilang pag-aaral ang mga benepisyo ng pagkonsumo ng bitamina na ito upang maiwasan ang panganib ng mga bali.

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mas mataas na supplement intake (mga 500-800 IU bawat araw) ay nagpababa ng hip at non-spine fracture ng humigit-kumulang 20%. Samantalang, ang mas mababang intake (400 IU o mas kaunti) ay walang epekto sa pag-iwas sa bali. 

Maaari nitong Pahusayin ang Immune Function

Ang vitamin D ay may mga anti-inflammatory properties na nagpapasigla sa produksyon ng mga immune cell. Kaya, nakakatulong ito upang labanan ang iba’t ibang sakit at karamdaman, kabilang ang cancer, autoimmune disorder, cognitive disorder, at Parkinson’s disease.

Maaaring Makatulong Ito sa Pag-regulate ng Mood at Negatibong Emosyon

Ipinakikita ng mga pag-aaral na may importanteng ugnayan sa pagitan ng vitamin D at mood regulation, pati na rin ang pagpapababa ng panganib ng depresyon.

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga umiinom ng supplement at nakaranas ng negatibong emosyon ay nakakita ng pagbuti sa kanilang mga sintomas. Bukod dito, ang pagkonsumo ay maaaring may benepisyo para sa mga taong dumaranas ng depresyon o kakulangan sa bitamina D.

Tinalakay din ng isa pang pag-aaral kung paano maaaring humantong ang mababang antas ng vitamin D sa posibleng mas malubhang sintomas ng fibromyalgia, anxiety, at depresyon.

Ang sapat na dami nito sa katawan ay nagpapanatili sa iyong malusog. Ito ay sa pamamagitan ng pagprotekta laban sa at posibleng paggamot sa iba’t ibang mga kondisyon. Kabilang sa mga kondisyong ito ay:

  • High blood pressure at sakit sa puso
  • Diabetes
  • Mga impeksyon at dysfunction ng immune system
  • Pagkatumba na karaniwan sa mga matatanda
  • Ilang mga cancer (kabilang ang colon, prostate, at mga kanser sa suso)
  • Multiple sclerosis

Key Takeaways

Ano ang vitamin D at kailangan ba talaga ito ng katawan? 
Walang duda, ang vitamin D ay mahalagang nutrient na kailangan ng isang tao na mapanatiling maayos ang paggana ng katawan. Pinabubuti nito ang immune function, kaya naman mahalaga ito sa paggamot sa mga infectious disease tulad ng sipon at trangkaso.
Ang mga tao ay maaaring magkaroon ng kakulangan kung ang mga kailangang dami ay hindi mapunuan. Kaya, siguraduhing makuha ang sapat na dami ng bitamina ngayon! 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vitamin D, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=19&contentid=vitamind Accessed January 25, 2022

Vitamin D, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/vitamin-d Accessed January 25, 2022

Vitamin D, https://medlineplus.gov/vitamind.html Accessed January 25, 2022

Vitamin D, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-d/ Accessed January 25, 2022

Vitamin D, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-vitamin-d/art-20363792 Accessed January 25, 2022

Vitamin D Deficiency, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/15050-vitamin-d–vitamin-d-deficiency Accessed January 25, 2022

The effect of vitamin D supplement on negative emotions: A systematic review and meta-analysis – Ying-Chih Cheng, Yu-Chen Huang, Wei-Lieh Huang, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32365423/ Accessed January 25, 2022

Fibromyalgia Symptom Severity and Psychosocial Outcomes in Fibromyalgia Patients with Hypovitaminosis D: A Prospective Questionnaire Study

Ryan S D’Souza, Ge Lin, Terry Oh, Ann Vincent, Vwaire Orhurhu, Li Jiang, William D Mauck, Wenchun Qu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32022867/ Accessed January 25, 2022

Kasalukuyang Version

08/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement