backup og meta

Alamin ang Iyong Dietary Fats: Masustansya ba ang Butter?

Alamin ang Iyong Dietary Fats: Masustansya ba ang Butter?

Ang butter ay mahalagang sangkap sa cakes, dessert, pancakes, at iba pang mga pagkain at pastry. Tradisyonal na ginawa ang butter sa pamamagitan ng paghahalo ng cream at paghihiwalay ng resultant liquid mula sa solid mass. Ngunit kahit na masarap, ang tanong ay kung masustansya ba ang butter. Naglalaman ito ng dietary fat, na isang substance na maaaring makapinsala sa kalusugan ng isang tao. 

Ano ang dietary fat?

Ang dietary fat ay nagbibigay ng energy na nagpapalakas sa cell growth. Ito rin ay nagpapanatili ng init ng katawan at maaaring ma-protektahan ang internal organs. Nakakatulong din ito sa pag-absorb ng nutrients at paggawa ng ilang hormones. Mayroong apat na pangunahing uri ng dietary fat. Ang mga uri nito ay bad at good fats: saturated, trans fats, monounsaturated at polyunsaturated. 

Ang saturated at trans fats ay tinatawag na “bad” fats, dahil pinapataas nila ang LDL (low-density lipoprotein) cholesterol (parang taba na substance na nasa lahat ng mga cell). Kilala rin itong “bad” cholesterol. Karaniwan ay gawa ang mga ito mula sa animal sources at nakakapinsala sa kalusugan dahil sila ay nakakadagdag sa cholesterol buildup sa mga ugat. Kabilang sa mga pagkaing mataas sa saturated fat ay ang butter. Samantala, ang healthy fats ay mula sa plant sources.

Ang monounsaturated at polyunsaturated fats na tinatawag na “good” fats ay maaaring magpababa ng bad cholesterol levels. At ito ay kapaki-pakinabang kapag nakonsumo kasama ng healthy diet. Itinuturing itong “good” dahil naghahatid sila ng kolesterol mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan patungo sa atay, kung saan ito ay ilalabas. Ang mono- at polyunsaturated fats ay karaniwang nasa liquid form mula sa vegetable sources: canola oil, extra virgin olive oil, at coconut oil, halimbawa.

Paano nakakaapekto ang taba sa kalusugan?    

Bukod sa mga nabanggit na gamit ng fats sa katawan, ang taba ay may masama ring epekto. Ang taba ay may 9 calories bawat gramo, anuman ang uri. Ito ay may mas maraming calorie kaysa sa carbohydrates at protina, na ang bawat isa ay may apat na calories bawat gramo. Ang pagkain ng napakarami nito ay maaaring humantong sa pagtaas ng timbang.

Ang mataas na level ng LDL cholesterol na maaaring mag-buildup sa arteries ay maaaring bumuo ng plaque. Nagiging sanhi ito ng paninigas at pagkitid ng mga daanan. Maaari nitong limitahan ang daloy ng dugo na nagdadala ng oxygen sa puso. Kapag ang daloy ng dugo ay tuluyang na-block, maaaring magkaroon ng atake sa puso.

Masustansya ba ang butter o dapat itong iwasan?

Ang margarine ay ang “malusog” na kapalit ng butter. Ito ay gawa sa vegetable oils samantalang ang butter ay mula sa animal fat. Gayunpaman, maging maingat dahil ang ilang uri ng margarine ay may trans fat. Ang pangkalahatang tuntunin ay kapag ito ay mas solid, mas marami itong trans fats. Kabilang sa ilang mga epekto ay maaari nitong pataasin ang LDL cholesterol, pababain ang HDL cholesterol. Ang fats na may partial o buong hydrogenated oils ay hindi mabuti dahil naglalaman ito ng trans fats. 

Masustansya ba ang butter o masama para sa atin? Sinasabi ng mga eksperto sa cardiology na ang butter ay mayamang source ng saturated fat  at hindi dapat sobra ang pagkonsumo. Wala alinman ang mas mahusay sa isa. Inirerekomenda ng health experts na piliin ang extra virgin oil o limitahan sa isang kutsarita ng real unsalted butter, ang hindi gaanong naprosesong anyo nito. 

Key Takeaways


Ang pag-uusap tungkol sa dietary fat, partikular, kung masustansya ba ang butter o hindi ay may aral. Kapag napagitna tayo sa laman ng nutritional value ng bawat pagkain, maaari tayong malinlang na palitan ang healthy fats ng asukal at simpleng carbohydrate na pwedeng mas makapinsala.   
Hindi lahat ng fats at masama at hindi dapat ganap na alisin sa ating mga diet. Maaaring kumonsumo ng taba sa healthy level. Ito ay sa pamamagitan ng pagpili ng pagkain na may good fats. Gayundin, balansehin ang pagkain nito sa kung gaano karami ang kinakain mo at kung gaano karaming mga calorie ang iyong nasusunog. Kasama rin dito ang pagkain ng mas maraming gulay, prutas, whole grains, low-fat dairy products, poultry, isda, legumes, non-tropical vegetable oils at nuts, at mas kaunting sodium, asukal at red meat.
Ang pinakamahusay na source ng taba ay oily, cold-water fish (salmon, tuna), avocados, nuts at vegetable oils. Kilala ang mga ito na
lumalaban sa pamamaga na nagdudulot ng sakit sa puso.

Alamin ang iba pang Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dietary Fats, https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/fats/dietary-fats Accessed 16 July 2021

Margarine or Butter:: The Heart-Healthiest Spreads, https://health.clevelandclinic.org/margarine-or-butter-the-heart-healthiest-spreads-infographic/ Accessed 16 July 2021

The truth about dietary fat, https://www.health.harvard.edu/heart-health/the-truth-about-dietary-fat Accessed 16 July 2021

LDL: The “Bad” Cholesterol, https://medlineplus.gov/ldlthebadcholesterol.html Accessed 16 July 2021

Is Butter Really Back?, https://www.hsph.harvard.edu/magazine/magazine_article/is-butter-really-back Accessed 16 July 2021

Saturated Fat, https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/fats/saturated-fats Accessed 16 July 2021

We Repeat: Butter is Not Back, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/2016/06/30/we-repeat-butter-is-not-back/ Accessed 16 July 2021

Kasalukuyang Version

01/12/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement