backup og meta

5 Dahilan Upang Idagdag Ang Dragon Fruit sa Inyong Diet

5 Dahilan Upang Idagdag Ang Dragon Fruit sa Inyong Diet

Inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan ang pagdaragdag ng mga prutas sa iyong diet dahil nagbibigay ang mga ito ng napakaraming benepisyo sa iyong kalusugan. At bagaman ang pagkain ng saging at mansanas sa isang araw ay mainam kaysa wala, hinihikayat pa rin nilang kumonsumo ng magkakaibang prutas araw-araw. Kaya naman, may benepisyo ang pagkain ng hindi karaniwang prutas tulad ng dragon fruit. Ngunit, ano nga ba ang makukuha mo sa dragon fruit? Narito ang mga dapat mong malaman sa mga benepisyo ng dragon fruit sa kalusugan.

Bakit Mahalaga ang magkakaibang Prutas?

Bago pag-usapan ang dragon fruit, maaaring gusto mong malaman kung bakit mahalaga ang pagkain ng magkakaibang prutas.

Kung makikita mo, bawat prutas ay may iba-ibang nutritional value at benepisyo sa kalusugan. Kung magpopokus ka lang sa ilang uri ng prutas, hindi mo makukuha ang ang sustansyang meron ang ibang prutas. Mas magkakaibang prutas sa iyong diet, mas mataas ang tsansang makuha mo ang mga sumusunod na benepisyo:

  • Cancer prevention. Ang mga antioxidant sa ilang prtuas, tulad ng blueberries at plums, ay maaaring makatulong na protektahan ka laban sa cancer sa pamamagitan ng pagbawas sa pagbuo ng free radicals sa katawan.
  • Makaiwas at/o makontrol ang Diabetes. May ilang pagkaing nakatutulong upang makontrol ang blood sugar levels at mapababa ang panganib ng type 2 Diabetes.
  • Makaiwas at/o makontrol ang sakit sa puso. Pinabababa ng mga prutas ang cholesterol level sa pamamagitan ng pagpapababa ng low-density lipoprotein (LDL) o tinatawag na “bad” cholesterol habang pinatataas ang high-density lipoprotein (HDL) o “good” cholesterol dahil likas itong mayaman sa fiber.
  • Mas malakas na resistensya. Mas maraming prutas ang kinakain, mas maraming immune-boosting vitamins at minerals ang makokonsumo mo.

Nagbibigay din ba ang dragon fruit ng ganitong mga benepisyo?

Mga Benepisyo sa Kalusugan ng Dragon Fruit

Bagaman mukhang galing lang sa fiction book ang prutas na ito, totoong-totoo ito – maging ang mga benepisyo nito sa kalusugan:

1. Siksik ito sa sustansya

Ang 100-g serving ng prutas ay magbibigay agad sa iyo ng 60 calories, 1.18 g ng protina, at halos 13 g ng carbohydrates, 2.9 g ng fiber, at zero fat. Ito ang dahilan kung bakit magandang meryenda ang dragon fruit, lalo na’t mayaman din ito sa mga micronutrient tulad ng:

  • Iron
  • Calcium
  • Magnesium
  • Vitamin B
  • Vitamin A
  • Lycopene
  • Carotenoids   

2. Maaaring makatulong ito sa kalusugan ng bituka

May ulat na nagsabing nakatutulong ang dragon fruit sa pagkakaroon ng good bacteria sa bituka. At sa pamamagitan ng balanseng microbiome, pinalalakas nito ang digestion at nagpapababa ng panganib ng colon cancer.

3. Mayaman ito sa fiber

Ano ang mga benepisyo ng dragon fruit? Gaya ng nabanggit kanina, mayroon itong fiber. Sa katunayan, mayaman ito sa fiber dahil ang 100-g serving nito ay mayroon ng 3 grams nito. Hindi lamang nakatutulong na maglinis ng bituka ang fiber, pinalalakas din nito ang kalusugan ng puso sa pamamagitan ng pagpapababa ng cholesterol. Dagdag pa, nakatutulong ang fiber sa pagkontrol ng blood sugar levels. Sinasabi rin ng mga ulat na ang dietary fiber ay kayang makapagpababa ng panganib ng obesity, stroke, at hypertension.

4. Nagpapalakas ng resistensya

Hindi lamang nakatutulong ang mga vitamin at mineral ng Dragon Fruit sa paglaban sa mga sakit, mayaman din ito sa carotenoids, na isang napakamakapangyarihang antioxidants.

Tinutulungan ng antioxidants ang mga cell mula sa free-radical damage at naiuugnay din na may anti-inflammatory properties na nakatutulong upang makaiwas sa mga inflammatory disease, tulad ng arthritis.

5. Nakapagdaragdag ng iron

Panghuli, isa sa mga benepisyo ng dragon fruit sa kalusugan ay nakapagbibigay ito sa iyo ng iron. Kung may iron-deficiency anemia ka, maaaring kailangan mong kumain ng maraming dragon fruit, lalo na’t mayroon din itong vitamin C, na nakatutulong upang mas madaling mag-absorb ng iron ang iyong katawan.

Key Takeaways

Likas na maganda sa kalusugan ang mga prutas. Mayaman ang mga ito sa vitamins at minerals na nakatutulong upang malabanan ng iyong katawan ang mga sakit. Ngunit tandaan, mahalaga rin ang pagkain ng iba’t ibang prutas. Kaya naman, magdagdag ng mga hindi karaniwang prutas, tulad ng dragon fruit, sa iyong pagkain. Sinasabi ng pag-aaral na siksik ito sa sustansya, nakatutulong sa pagkakaroon ng malusog na bituka, nagpapalakas ng immune system, at mayaman sa iron at fiber.

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

DRAGON FRUIT BITE SIZE FRUIT CUBES, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/537279/nutrients, Accessed August 1, 2022

All About Dragon Fruit: 3 Health Benefits + How to Eat It, https://health.clevelandclinic.org/get-to-know-the-incredible-edible-dragon-fruit/, Accessed August 1, 2022

Prebiotic oligosaccharides from dragon fruits alter gut motility in mice, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0753332218387882#sec0010, Accessed August 1, 2022

Health benefits of dietary fiber, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19335713/, Accessed August 1, 2022

DRAGON FRUIT AS A NUTRACEUTICALS, https://www.wjpps.com/wjpps_controller/abstract_id/8769, Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

04/27/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement