backup og meta

Soft Food Diet: Ano Ito At Paano Ginagawa ang Ganitong Diet?

Soft Food Diet: Ano Ito At Paano Ginagawa ang Ganitong Diet?

Ang salitang “diet” ay madalas iniuugnay sa pagbabawas ng timbang  pero maraming diet ang hindi para sa weight loss. Halimbawa, ang duktor mo ay puedeng mag rekomenda ng soft food diet meal plan sa ilang dahilan, kasama dito ang pagpapagaling dahil sa operasyon o digestive issues. Alamin ang tungkol sa soft food diet at kung anu-ano ang puede at hindi puedeng kainin.

Ano nga ba ang soft food diet at bakit ko ito kailangan?

Ang soft food diet ay kilala rin na bland diet o gastrointestinal soft diet. Ang diet na ito ay malambot na pagkain. Kadalasang nagrereseta ang mga duktor ng soft food diet kung ang pasyente ay hindi makanguya ng maayos o may problema sa digestion.

Ang mga sanggol at mga bata ay kailangan ng malambot na pagkain habang hindi pa kumpleto ang kanilang mga ngipin. Ang mga elderly adults na wala ng ngipin at hindi nakapustiso ay kailangan din ng soft diet. Para sa mga younger adults, ang pagkawala ng ngipin ay madalas hindi problema pero maaring magrekomenda ang duktor ng soft diet kung ang pasyente ay ooperahan o may digestive problems. Kung minsan, ang mga pasyenteng may cancer na sumasailalim sa chemotherapy ay kailangan ng soft food diet para makakain ng mas mabuti.

Sample soft diet meal plan

Breakfast

  • Gatas (soy or almond milk, kung lactose-intolerant)
  • Oatmeal ( hot or made overnight) o arroz caldo
  • Scrambled o soft-boiled egg
  • Banana

common cold home remedies and treatments

Lunch

  • Rice( mas malambot ang pagkakaluto)
  • Sopas ( sabaw lang)
  • Monggo na may malunggay ( maaring may karne, siguruhin na malambot o hinimay)

Snack

  • Apple sauce
  • Yogurt
  • Oatmeal
  • Chia seed pudding (na limitado ang dami)

Dinner

  • Mashed potato or kamote
  • Boiled or steamed fish
  • Boiled carrots, broccoli, and/or cauliflower ( huwag isama ang tangkay)
  • Paghahanda ng soft food

Bagaman at ang pagkakaalam sa soft diets at “walang lasa”, maaari pa rin itong maging masarap.

Depende sa higpit ng iyong diet, puedeng magdagdag ng asin at herb para maging mas masarap ang ulam.  Gumamit ng blender o food processor para maging mas madali ang paghahanda ng pagkain, pero marami din naming ulam sa soft diet meal plan ang maaring ihanda gamit ang potato masher o food mill.  Kung nais maghanda ng mga pagkain ng mas maaga para sa mga susunod na araw, maaaring ilagay ang ibang pagkain sa mga jar o plastic container.

Dahil ang soft diet mealplan ay inirereseta para mas mapadali ang digestion, mas mabuting umiwas sa pagkain na hindi nakabubuti sa iyong digestive system. Maanghang, mamantika, hilaw, o processed food. Pinakamabuti rin  na iwasa ang acidic fruit juice, kape, at alak. Uminom ng maraming tubig, lalo na kung dagdag sa diet ay may mga medikasyon.

Tandaan na kahit na iba ang itsura at lasa ng malambot na pagkain, kailangan pa rin itong masustansya. Mabuting makikag ugnayan sa iyong duktor  o dietitian para makasiguro na taglay ng diet mo ang mga kailangang nutrients, bitamna, at mga mineral. Magpatingin sa medical professional  bago magdagdag ng food items sa iyong soft food diet meal plan. Mabuti rin na magkaroon ng lista ng iyong mga kinakain.

diet meal plan

Mahalagang Paalala

Maaaring hindi sikat o uso ang soft food diet, pero ito ay mahalaga sa ilang mga tao. Para sa karamihan, ang pagtangkilik ng soft food ay pansamantala, pero sa mga may malalang kondisyon ito ay maaring pang matagalan. Sa tamang preparasyon, maraming iba’t ibang pagkain ang isama sa soft food diet.

Makipag ugnayan sa inyong duktor o dietitian para sa iba pang impormasyon at guidelines tungkol sa inyong soft diet meal plan. 

Alamin ang tungkol sa Healthy Eating dito.

Isinalin sa Filipino ni Corazon Marpuri

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Eating Guide for Puréed and Mechanical Soft Diets, https://www.mskcc.org/cancer-care/patient-education/pureed-and-mechanical-soft-diets, Accessed December 31, 2020.
  2. Phase 3: Adaptive or Soft Food Diet for Post-Bariatric Surgery Patients, https://www.upmc.com/services/bariatrics/surgery-process/post-surgery/diet/soft, Accessed December 31, 2020.
  3. Soft diet meals, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/coping/physically/diet-problems/managing/soft-diet/meals, Accessed December 31, 2020.
  4. Surgical transition diet, https://www.uwhealth.org/healthfacts/nutrition/378.pdf, Accessed December 31, 2020.
  5. Discharge instructions: eating a soft diet, https://www.saintlukeskc.org/health-library/discharge-instructions-eating-soft-diet, Accessed December 31, 2020.
  6. Soft diet, https://www.ruh.nhs.uk/patients/services/clinical_depts/dietetics/documents/Soft_Diet.pdf, Accessed December 31, 2020.

Kasalukuyang Version

12/04/2022

Isinulat ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Weight Loss Plateau: Ano Ito, at Kailan Ito Nangyayari?

Filipino Diet Meal Plan Upang Bumaba ang Timbang


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement