Ang General Motors Diet na kilala rin bilang GM Diet meal plan ay nangangako na tutulungan kang mawalan ng 10 hanggang 17 pounds (4.5 hanggang 7.7 kg) sa loob lamang ng 7 araw. Ngunit ang tanong, ligtas ba ang GM Diet at paano ito gumagana?
Para masagot ang mga katanungang ito, basahin ang artikulong ito dahil narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa GM Diet.
Ano ang GM Diet meal plan?
Bago tayo makapagpasya kung ligtas o hindi gamitin ang GM Diet, kailangan nating malaman kung ano ang GM Diet. Ang General Motors Diet ay isa sa maraming mga plano sa diyeta. Parang pamilyar ba sa’yo? Marahil ay “oo” dahil ang General Motors ay ang parehong kumpanyang Amerikano na gumagawa ng mga kotse.
Bakit nilikha ng General Motors ang diyetang ito?
Ang GM Diet meal plan ay nilikha noong late 1980s para mapanatiling malusog at nasa hugis ang mga empleyado ng kumpanya. Sa panahong ito, tumataas na ang mga rate ng obesity sa mga matatanda at bata.
Sa kasamaang palad, ang labis na katabaan ay naging isang isyu sa kalusugan hindi lamang sa Estados Unidos, kundi pati na rin sa buong mundo. Ang GM diet meal plan ay ina-advertise para mabawasan nang hindi bababa sa 10 pounds (mga 4.5 kg) bawat linggo habang tinutulungan ang body at mind detox.
Paano gawin ang GM Diet meal plan?
Ang General Motors diet ay isang 7-day plan. Kung saan ang pangunahing prinsipyo ng GM Diet ay kumain lamang ng maraming calories o less than sa sinusunog mo sa isang araw, tulad ng iba pang mga diets.
Kung ikaw ay isang vegetarian, mayroon kang alternatibong GM diet meal plan. Ang plano ay strict ngunit straightforward at hindi ito nangangailangan ng detalyadong paghahanda o nakakapagod na measurements bawat araw. Gayunpaman, nakatutulong na magplano nang maaga at i-stock sa’yong fridge nang naaayon. Mahalaga rin na uminom ng hindi bababa sa 6 na baso ng tubig bawat araw habang nasa GM Diet.
Ika-1 Araw
Prutas, prutas, at marami pang prutas! Kumain ng sariwang prutas na may high water content, tulad ng mga pakwan, mansanas, at mga prutas na sitrus. Iwasan ang sobrang matamis na prutas tulad ng hinog na saging at mangga, dahil ang mga prutas na ito ay mataas sa calories. Hindi na kailangang magsukat o magbilang ng anuman dahil maaari kang kumain ng maraming prutas hangga’t gusto mo.
Ika-2 Araw
Ang mga gulay ang bida ngayon. Simulan ang araw sa isang maliit na inihurno o pinakuluang patatas (maaari mo ring gamitin ang kamote o sweet potato). Ang single starchy vegetable na ito ang magiging pangunahing source ng carbohydrates sa araw na ito, at para sa iyong natitirang oras, maaari kang kumain ng berdeng madahong gulay, kamatis, at sibuyas, dahil ang lahat ng ito ay mahusay na mapagkukunan ng mga bitamina at fiber.
Ika-3 Araw
Maaari kang kumain ng gulay at prutas ngayon, pero iwasan ang high-sugar at high-starch food tulad ng saging at patatas.
Patuloy ka ring uminom ng 6 hanggang 8 baso ng tubig sa buong araw.
Ika-4 na araw
Nasa kalahati ka na! Ngayon na ang oras para sa “wonder soup,” at talagang masarap ang sabaw ng gulay. Bilang karagdagan, inaasahang kumain ka ng 8 saging at uminom ng 3 baso ng skim o low-fat milk sa araw na ito.
Ika-5 araw
Kung hindi mo napansin, ang mga nakaraang araw ay walang kasamang anumang karne. Sa ika-5 araw, maaari kang kumain ng 20 ounces (mga 567 gramo) ng karne ng baka, manok, o isda. Ang amount nito ay dapat nahahati sa 2 meals, at isama ang kamatis para sa mas maraming fiber at bitamina.
Kung ikaw ay vegetarian, ang iyong alternatibong pagkain ay cottage cheese (o iba pang uri ng keso) at brown rice. Isama rin ang mga kamatis sa’yong mga pagkain para sa araw na ito at huwag kalimutang uminom ng tubig!
Ika-6 na araw
I-combine ang mga menu mula sa day 2 at 5, ngunit huwag kumain ng mga kamatis o patatas. Para sa mga vegetarian, palitan ng keso ang karne ng hayop. Kumain ng maraming gulay at uminom ng mas maraming tubig hangga’t maaari.
Ika-7 araw
Sa wakas, ang huling GM diet meal plan! Sa araw na ito kumain ng mga gulay at prutas, at maaari ka ring kumain ng brown rice. Dagdagan ang iyong pag-inom ng tubig ngayon para makatulong sa detoxing at hydration.
Ligtas ba ang GM Diet meal plan?
Ang kasalukuyang website at kumpanya ng General Motors ay hindi kinikilala ang GM Diet. Ang opisyal na datos ay mahirap makuha. Karamihan sa mga impormasyong madaling makuha sa online tungkol sa GM Diet ay anekdotal, kung kaya hindi iyon nagbibigay ng kumpiyansa kung ligtas o hindi ang GM Diet.
Tulad ng lahat ng mga diyeta na naka-target sa pagbaba ng timbang, ang pagkonsumo ng mas kaunting calories kaysa sa’yong ginagamit ay mahalaga. Bagama’t inirerekomenda ng ilang mga diyeta at eating plan ang pagbabawas ng calories o kahit ang fasting, sadyang hindi makatotohanang asahan na mawalan ng 10 pounds (humigit-kumulang 4.5 kg) o higit pa sa isang linggo. Inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan ang pagbabawas ng kalahating kilong hanggang hanggang 2 pounds (halos wala pang 1 kg) bawat linggo para sa ligtas na pagbaba ng timbang at mas magandang long-term effects.
Ang panganib ng GM Diet meal plan ay ang hindi pagsaalang-alang ng pang-araw-araw na calories, macro at micronutrients. Hindi binanggit na supposedly ay “walang limitasyon” sa kung ano ang maaari mong kainin sa ilang mga araw. Ginagawa nitong mas madaling mag-overeat at mag-gain ng timbang.
Ang GM diet meal plan ay hindi ligtas para sa mga bata, buntis o nagpapasuso na mga ina, at mga matatanda. Hindi ito idinisenyo para maging isang permanent diet solution. Kung susundin mo ang GM diet meal plan sa loob ng ilang linggo, malamang na ikaw ay maging malnourished dahil sa kawalan ng balanse ng macro at micronutrients.
Mahalagang Tandaan
Sa konklusyon, ang General Motors diet ay hindi ang ideal diet para sa long-term weight loss at sa kalusugan. Bagama’t maaaring nagamit na ito dati, may iba pang mas sustainable diet plan.
Kung ikaw ay nagnanais na mawalan ng ilang pounds at magkaroon ng magandang shape, pinakamahusay na kumunsulta sa’yong doktor at rehistradong dietitian. Magagawa nilang matukoy ang achievable goals para sa’yong katawan at tulungan kang gumawa ng mas malusog na pagkain at lifestyle choices.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]