Ang Filipino low carb diet ay isa sa pinaka-pangkaraniwang diet na ginagamit ng mga tao. Maraming nagsasabi na isa itong epektibong porma ng diet at makatutulong ito na makabawas ng timbang sa kaunting panahon.
May iba’t ibang low carb diets, ngunit ang lahat ng ito ay may isang basic principle — ang pagtanggal o pagbawas ng carbs sa iyong diet na nakatutulong sa mabilis na pagbawas ng timbang.
Paano isinasagawa ang diet na ito?
Paano Isinasagawa Ang Low-Carb Diet?
Ang pagsasagawa ng Filipino low-carb diet ay pagkain ng mas konting carbohydrates. Mayroong sugars, starches at fiber ang carbhohydrates. Kadalasan, ang carbohydrates ay nahahanap sa mga prutas, grain, at sa ibang mga ugat na gulay tulad ng kanin at patatas.
Ang katawan ay kumokunsumo ng carbohyrates at ginagawa itong sugars tuwing digestion. Ina-absorb naman sila papuntang bloodstream sa form na glucose.
Kalaunan, ang katawan ay nagsisimulang mag-produce ng insulin na tumutulong na mas mapadali ang pag-absorb ng glucose sa cells ng katawan. Ang glucose ay may tungkulin na pagmulan ng pangunahing lakas ng ating katawan na makatutulong sa pang-araw-araw na gawain.
Gayunpaman, ang katawan ay hindi gumagamit ng 100% ng glucose na mayroon ito. Ang iba rito ay naiimbak sa atay at mga muscle, ang iba naman ay nagiging fat na magagamit kalaunan bilang lakas.
Ang lohika sa low-carb diet ay kung kumain ka ng mas kaunting carbohydrates, ang katawan mo ay magpro-produce ng kaunting insulin. Dahil dito, ang katawan ay magsisimulang gamitin ang reserbang fats para sa energy kaysa sa glucose mula sa pagkain. Dito humahantong sa pagbawas ng timbang.
Sino Ang May Kailangan ng Filipino Low Carb Diet?
Ang Filipino low carb diet ay hindi lang para sa mga taong nais magpapayat. Habang maraming mga kilalang diet na nagsusulong ng pagkain ng kakaunting carbs, maaari ring magsagawa ng low-carb diet sa maraming rason sa kalusugan at medikal.
Sino Ang Nagbebenepisyo Mula Sa Filipino Low Carb Diet?
Ang mga taong labis ang katabaan na kinakailangan magbawas ng timbang ay maaaring sumailalim sa low-carb diet upang makatulong tumunaw ng fat sa mabilis na paraan.
Ang mga diabetic ay nakakukuha ng benepisyo mula sa diet na ito dahil maaari itong makatulong sa pagpapababa ng kanilang blood sugar levels. Karagdagan, ang mga taong nakararanas ng hypertension at sakit sa puso ay maaari ring makakuha ng benepisyo mula sa Filipino low carb diet dahil nakatutulong ito sa pagbawas ng fat sa kanilang katawan.
Ang mga taong may fatty-liver disease ay maaari ring mag benepisyo sa pagsasagawa ng low carb diet.
Sa kabuuan, ang Filipino low carb diet ay ligtas sa pangkalahatan, at sinumang interesado sa pagsasagawa nito ay maaaring subukan. Syempre, mas mainam na komunsulta muna sa doktor bago gumawa ng anumang pagbabago sa iyong diet.
Sino Ang Kinakailangang Umiwas sa Low Carb Diet?
Karamihan, ang pagsasagawa ng low carb diet ay ligtas, at halos lahat ay maaaring magsagawa nito nang walang nakasasamang side effects.
Ano Ang Mga Banta Ng Low Carb Diet?
Ang low carb diet ay nagmumula sa maraming forms. Ilan sa mga type ng Filipino low carb diet ay nagbabawas ng higit 45-50% na inirerekomendang konsumo ng carbohydrates kada araw.
Ang ibang mga type ng Filipino low carb diets ay nagtatanggal ng hanggang 75% ng inirerekomendang konsumo ng carbohydrates. Habang mukhang mas nagiging epektibo ito sa pagbabawas ng timbang, ang diet ay ideal lamang sa mga may malubhang karamdaman tulad ng labis na katabaan, diabetes, fatty liver disease, mataas na presyon ng dugo, at iba pa.
Ito ay sa totoong kadahilanan na ang pagkain ng kaunting carbohydrates ay maaaring maging sanhi ng carbohydrate deficiency, at maaaring makasama sa iyong kalusugan.Ang carbohydrate deficiency ay maaaring magdulot ng low energy, sakit sa ulo, labis na pagod, hilo, at maaaring malubhang pangmatagalang komplikasyon.
Ang pagkain ng kaunting carbohydrates ay hindi nangangahulugang kailangan tanggalin na ito sa iyong diet. Ito ay pagkokontrol ng dami ng carbohydrates na iyong nakakain.
Siguraduhing komunsulta muna sa iyong doktor, at mas mainam na sumangguni sa isang dietitian kung nais mong magsagwa ng pagbabago sa iyong diet. Ito ay makatutulong upang masigurado na mapananatili ang iyong diet sa pangmatagalan nang hindi inilalagay ang kalusugan sa peligro.
Low Carb Foods
Ang susi sa matagumpay na pagsasagawa ng Filipino low carb diet ay ang pagpopokus sa pagkain ng mga low carb na pagkain.
Ang iyong katawan ay kailangan pa rin ng carbohydrates, fiber, at sugar — sa katunayan, ang fiber ay nakatutulong sa pagpapanatili ng pagiging busog sa mahabang oras, at nakatutulong din sa iyong metabolism. Kaya’t ang pinakamainam na kompromiso ay kumain ng mga low carb na pagkain kaysa sa pagtanggal nito sa iyong mga meal.
Ang low- arb food ay kinabibilangan ng:
- Lean meat
- Mga luntiang dahon na gulay
- Mani
- Beans
- Mga prutas na citrus (calamansi, suha, orange, lemon at iba pa)
- Masustansyang oil tulad ng coconut o olive oil
Diet Plan Na May Low Carb Na Mga Pagkain
Walang tamang diet plan para sa lahat pag dating sa low carb na mga pagkain. Ang ibang mga uri ng pagkain ay maaaring hindi madaling mabili, o maaaring allergic sa mga tiyak na pagkain.
Ang diet plan na ito ay nagsisilbing gabay lamang na maaari mong subukan depende sa iyong pangangailangan. Ito ay nakapagbibigay ng ideya sa kung anong type ng low-carb foods ang maaaring kainin, at anong mga pagkain ang iiwasan.
Ang layunin dito ay kumain ng mas balanseng diet na makatutulong sa pagbawas ng timbang, ngunit mayroon pa rin dapat na enerhiya para mag-ehersisyo at mamuhay sa aktibong paraan.
Lunes
Almusal: Mushroom omelet na may sariwang vegetable salad
Tanghalian: Steamed o roasted salmon na may green peas at mais
Hapunan: Pork and beans na may kasamang sariwang prutas at Greek yogurt para sa panghimagas
Martes
Almusal: Avocado toast sa whole wheat na tinapay at fruit salad
Tanghalian: Roast chicken kasama ang Caesar’s salad
Hapunan: Pork steak na may cauliflower sa kanin at mainit na tsokolate para sa panghimagas
Miyerkules
Almusal: Scrambled na itlog na may bell peppers at isang basong low fat na gatas
Tanghalian: Lean beef hamburger na mayroong masustansyang salad
Hapunan: Chicken teriyaki na may kasamang brown rice at sariwang prutas para sa panghimagas
Huwebes
Almusal: Bacon. lettuce, at kamatis na sandwich sa whole wheat na tinapay
Tanghalian: Chicken casserole na may broccoli
Hapunan: Beef chili con carne na may kasamang Greek yogurt para sa panghimagas
Biyernes
Almusal: Quinoa porridge kasama ang dried fruits, mani at yogurt
Tanghalian: Whole wheat chicken burrito na may guacamole
Hapunan: Beef stew na may mashed potatoes at isang cup ng pudding para sa panghimagas
Sabado
Almusal: Greek yogurt na may kasamang steel-cut oatmeal
Tanghalian: Chicken BBQ na may Italian salad
Hapunan: Roast beef na may asparagus, green peas, at carrots, at isang dark chocolate bar para sa panghimagas
Linggo
Almusal: Smoked salmon at scrambled na mga itlog sa whole wheat toast
Tanghalian: Chinese chicken salad na may kasamang sariwang prutas para sa panghimagas
Hapunan: Grilled pork ribs na may kasamang mais at avocado salad
Maaari Ba Akong Kumain Ng Snacks?
Kahit na ikaw ay nasa Filipino low carb diet, maaari ka pa ring kumain ng masustansyang snacks.
Ang mga maiinam na snack na pagkain ay:
- Sariwa o dried na prutas
- Carrot at celery sticks
- Masustansyang mani tulad ng almonds, pine nuts, at macadamia nuts
[embed-health-tool-bmi]
Mga Mahalagang Bagay Na Dapat Tandaan
Narito ang mga ilan sa mahalagang bagay na dapat tandaan bago subukan ang Filipino low carb diet:
- Lagi munang kumonsulta sa iyong doktor bago magsagawa ng kahit na anong diet.
- Ang iyong kalusugan ang iyong pinaka pangunahing prayoridad kung ikaw ay magsasagawa ng diet.
- Gawin itong lifestyle na pagbabago; ang iyong diet ay dapat na napapanatili at dapat ay nae-enjoy mo ang pagkain ng masustansya.
- Huwag kalimutang mag ehersisyo ng kahit 30 minuto kada araw.
- Kung nakaramdam ng anumang sakit matapos simulan ang iyong Filipino low carb diet, huwag mag-alinlangang huminto. Huwag pilitin ang sarili kung nakararamdam na ng problema sa pagsasagawa ng low carb diet.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]