Malaki ang epekto sa iyong katawan ng mga pagkain na kinakain mo. Partikular na sa mga taong may hyperacidity. Maaaring mag-trigger sa kanilang kondisyon kung kakain sila ng ilang uri ng pagkain. Sa kabila naman nito, ang antacid na pagkain ay maaaring makatulong na mapabuti ang hyperacidity. Kaya naman, kung may chronic hyperacidity ka, maaring solusyon ang pagpapalit ng mga kinakain.
9 na Antacid Food na Makakatulong sa Hyperacidity
Madalas, ang mga taong may hyperacidity ay nauuwi sa pag-inom ng antacid medication para matulungan ang kanilang kondisyon. Syempre, mahal ang gamot, at ang madalas na pag-inom ng antacid ay maaaring magdulot ng side effects.
Isang mabuting paraan para makahanap ng solusyon sa hyperacidity ay ang mag focus sa pagkain na nakakapagpababa ng acidity. Dahil ang mga ito ay natural at epektibong gumagana.
Narito ang mga pagkain na dapat mong isama sa iyong diet.
Oatmeal
Ang oatmeal ay isang healthy grain na mabuti sa hyperacidity. Mababa ito sa sugar at fat. Mayroon din itong protina at carbohydrates. Ang isa pang bagay sa oatmeal ay maaari nitong i-neutralize ang ilang acids sa iyong tiyan. At nakakatulong ito laban sa hyperacidity. Pinapababa din nito ang risk ng sakit sa puso at cholesterol levels. Kaya kung iisipin, ang oatmeal ay tiyak mabuting isama sa iyong diet.
Lean Meat
Maaaring magulat ka na kasama ang lean meat sa listahan ng mga antacid na pagkain. Ang dahilan dito ay ang mga walang taba na karne ay may mas mababang taba kumpara sa iba pang mga uri ng karne, kaya may mas mababang pagkakataon na ito ay mag-trigger ng mga sintomas ng hyperacidity. Subukang kumain ng mas maraming isda, lean chicken, at lean turkey, dahil naglalaman ito ng mataas na antas ng protina at at puno ng mga bitamina at mineral.
Ang Ginger
Ginger ay isa pang mahusay na antacid na pagkain. Ito ay epektibo sa paglaban sa pamamaga, at maaaring makatulong sa pag-aayos ng sumasakit na tiyan. Ang pinakamahusay na paraan para gamitin ito na antacid ay gawin itong isang tsaa at inumin tuwing mayroon kang hyperacidity.
Coconut Water
Kasama sa listahan ng mga mabisang antacid ang tubig o sabaw ng niyog. Nakakatulong ito na balansehin ang mga antas ng pH sa iyong tiyan at naglalaman din ng mga electrolyte na kailangan ng iyong katawan. Isa rin itong may mababang sugar na pamalit sa mga sports drink.
Saging
Ang saging ay mainam para sa mga taong dumaranas ng hyperacidity. Una mabuti ito sa lining ng esophagus at maaaring makabawas ng iritasyon. Mabuti rin sa digestion ang saging. Ibig sabihin, hindi kailangang gumawa ang iyong tiyan ng dagdag na acid para matunaw ang iyong pagkain.
Yogurt
Ang yogurt ay isang antacid na pagkain na pwedeng idagdag sa iyong diet. Katulad ng saging, nakakatulong din sa lining ng esophagus ang yogurt at nababawasan ang pamamaga. Dahil kumakain ka ng malamig na yogurt, ang cooling effect ay maaari ding magbigay ng karagdagang ginhawa.
Naglalaman din ito ng mga probiotics na tumutulong na mapabuti ang iyong panunaw.
Lettuce at Celery
Ang lettuce at celery ay parehong mahusay na antacid na pagkain. Ang kanilang pH levels ay malapit sa neutral, kaya nangangahulugan na hindi nila mati-trigger ang iyong hyperacidity. Taglay din ng mga ito ang fiber na tumutulong sa digestion, at tubig na nagpapalabnaw sa mga acid sa iyong tiyan.
Brown Rice
Kung ikukumpara sa white rice, ang brown rice ay isang mas malusog na opsyon sa maraming dahilan. Una, ang brown rice ay naglalaman ng mas maraming sustansya kumpara sa white rice. Mayroon din itong mas maraming fiber, na tumutulong sa panunaw.
Ang brown rice ay isang mayamang pinagmumulan ng mga complex carbohydrates, na mabuti para sa heartburn. Ito rin ay hindi acidic, kaya hindi nito mati-trigger ang iyong hyperacidity. Siguraduhin lamang na iwasan ang pagkain ng fried brown rice dahil maaari itong mag-trigger ng hyperacidity.
Broth-Based Soups
Ang pag-higop ng broth-based na soup ay mainam para sa pag-alis ng heartburn at pamamahala ng hyperacidity. Ito ay dahil ang mga sabaw ay kadalasang tubig, kaya makakatulong sila sa pag-neutralize ng mga acid sa iyong tiyan. Siguraduhin lang na iwasang magdagdag ng anumang taba o acidic na sangkap kapag ginawa ang sopas.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]