backup og meta

Ano Ang Tinatawag Na MIND Diet At Ano Ang Kinakain Dito?

Ano Ang Tinatawag Na MIND Diet At Ano Ang Kinakain Dito?

Nakaaapekto sa pagtanda ng utak ang iyong kinakain. Sa katunayan, ang pagkain ng ilang mga pagkain at pag-iwas sa ilan ay maaaring magpabagal ng pagtanda ng utak ng 7.5 na taon at mabawasan ang banta ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease. Ang MIND diet ay kombinasyon ng dalawang diet base sa patunayan — ang DASH diet at Mediterranean diet. Ito ay nagrerekomenda ng mga pagkain na sumusuporta sa kalusugan ng utak at nakaiiwas sa cognitive deterioration. Nagiging sanhi ng Alzheimer’s ang pagbabago ng pag-iisip ng tao, pag-uugali, at social activities. Ito ay nakaaapekto sa bahagi ng utak na kabilang ang pagkatuto, at bilang resulta, nakasasagabal sa normal na buhay. Bagaman ito ay madalas makaapekto sa mga taong 65 taong gulang o mas matanda, hindi ito normal na bahagi ng pagtanda. Ang diet na ito ay makatutulong mag-delay ng sakit na walang mga lunas. Alamin dito ano ang MIND diet.

Ano ang mayroon sa MIND diet?

Gaya ng pangalan nito, ang Mediterranean diet ay ang pag-uugali sa pagkain sa mga bansang nasa paligid ng dagat Mediterranean. Tipikal na kabilang nito ang mga prutas, gulay, tinapay, grains, beans nuts, at olive oil. Bagaman ang dairy, itlog, isda, at poultry ay kinakain nang may moderasyon. Ang DASH diet – Dietary Approaches to Stop Hypertension — ay nakatuon sa pagkain na nakatutulong na makaiwas sa high blood pressure.

Ano ang kinakain sa MIND diet?

Dagdagan ang konsumo ng gulay

Naglalaman ang mga gulay ng maraming mga nutrisyon tulad ng bitamina E, K, beta-carotene, at folate. Ang mga berdeng dahon tulad ng spinach, kale, lettuce, at collard greens ay napatunayan na nakababawas sa banta ng dementia. Ipinakita ng pag-aaral na ang beta-carotene ay may epekto ng antioxidant na may kakayahan na pabagalin ang pagbaba sa kognitibong aspekto. Ang folate naman ay kailangan sa tamang development ng neural tube sa hindi pa naisisilang na sanggol. Ang deficiency ay iniuugnay sa dementia at depression. Ipinakita ng pag-aaral na ang bitamina E at K ay maaaring magpa-delay ng Alzheimer’s. Sa MIND diet, ang isang serving ng gulay kada araw kasama ng ibang mayaman sa nutrisyon na pagkain ay maaaring makatulong na mag-delay ng age-related cognitive deficit.

Kumain ng berries

Ang isang pag-aaral na isinagawa 20 taon na ang nakalipas sa mga matanda na kumokonsumo ng mas maraming strawberries at blueberries ay nagpakita ng pinakamababang rate ng cognitive decline. Ito ay dahil sa flavonoids, isang substance na may patunay sa ugnayan ng pagpapababa ng cognitive deterioration.

Kumain ng mani

Inirerekomenda rin ng MIND diet ang mani, na naglalaman ng fat-soluble vitamin E. siguraduhin na pumili ng dry-roasted o raw; kailangan din na ang mga ito ay walang asin at walang asukal at mantika.

Gumamit ng olive oil para sa pagluluto

Kung ikaw ay kumokonsumo ng mantika, iwasan ang butter o margarine. Gumamit ng “extra virgin” olive oil. Hangga’t maaari, kumuha ng opaque o dark-colored bottles, dahil ang light ay mabilis na ma-spoil.

Bawasan ang karne

Iminumungkahi ng MIND diet na palitan ang karne ng beans at lentils, na naglalaman ng parehong protina at fiber. Ito ay mayroong bitamina B, na maaaring makaiwas ng dementia at magsulong ng produksyon ng neurotransmitters. Ang mga ito ang nagpapadala ng mensahe sa pagitan ng utak at ng buong katawan.

Kumain ng mas maraming isda

Sa isang pag-aaral ng mga matatanda na edad 65 at mas matanda ay napag-alaman na ang mga kumakain ng isda isang beses kada linggo ay mas maayos ang performance sa memory test at number games kaysa sa mga madalang lamang kumain ng seafood. Gayunpaman, mayroong kaunting pag-aaral na ang pagkonsumo nito nang labis sa isang linggo ay nakapagbibigay ng mas dagdag na benepisyo sa utak.

Uminom ng isang baso ng wine paminsan-minsan

Magugustuhan ito ng mga mahihilig sa wine. Ipinakita ng pag-aaral na ang kaunti hanggang moderate na pag-inom ay makababawas sa tsansa ng pagkakaroon ng dementia. Nakapagde-delay rin ito ng onset ng Alzheimer’s ng dalawa hanggang tatlong taon. Ang teorya kung bakit ang wine ay nagsusulong ng daloy ng dugo, ay dahil nagdudulot ito ng hindi gaanong malapot na dugo at hindi prone sa clotting.

[embed-health-tool-bmi]

Key Takeaways

Ang MIND diet ay isinasagawa mula sa dalawang may science-backed diet, na may ideya na ang mga pagkain ay sumusuporta sa kalusugan ng utak at nagde-delay ng cognitive decline. Ito ay lalong may pakinabang para sa mga tao na may banta ng neurodegenerative disease, Alzheimer’s at dementia. Sa buong mundo, 11 milyon na mga tao ang nagdurusa mula rito, at malaki ang epekto nito sa mga taong ang edad ay 65 pataas.

Matuto pa tungkol sa Pagkain ng Masustansya at Espesyal na Diets dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Improve brain health with the MIND diet, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/improve-brain-health-with-the-mind-diet/art-20454746, Accessed 29 Mar 2022

Best Foods for a Healthy Brain, https://www.nm.org/healthbeat/healthy-tips/nutrition/best-food-for-a-healthy-brain, Accessed 29 Mar 2022

Nutrients and bioactives in green leafy vegetables and cognitive decline: Prospective study, https://doi.org/10.1212/wnl.0000000000004815, Accessed 29 Mar 2022

β-Carotene: A Natural Compound Improves Cognitive Impairment and Oxidative Stress in a Mouse Model of Streptozotocin-Induced Alzheimer’s Disease, https://dx.doi.org/10.3390%2Fbiom9090441, Accessed 29 Mar 2022

Folic acid, ageing, depression, and dementia, https://dx.doi.org/10.1136%2Fbmj.324.7352.1512, Accessed 29 Mar 2022

Vitamin E, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-vitamin-e/art-20364144, Accessed 29 Mar 2022

The Relationships Between Vitamin K and Cognition: A Review of Current Evidence, https://dx.doi.org/10.3389%2Ffneur.2019.00239, Accessed 29 Mar 2022

B is for Brain Health, https://healthybrains.org/b-brain-health/, Accessed 29 Mar 2022

What is Alzheimer’s Disease? https://www.alz.org/alzheimers-dementia/what-is-alzheimers, Accessed 29 Mar 2022

HOW MANY SUFFER? https://doh.gov.ph/faqs/How-many-suffer-Alzheimers-disease, Accessed 29 Mar 2022

DASH diet: Healthy eating to lower your blood pressure, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/dash-diet/art-20048456, Accessed 29 Mar 2022

What is the Mediterranean Diet?, https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/nutrition-basics/mediterranean-diet, Accessed 29 Mar 2022

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Mga Senyales Ng Ketosis: Ano Ang Dapat Alalahanin?

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement