backup og meta

Sobrang Pagpayat: Anu-Ano Ang Sintomas at Epekto Nito?

Sobrang Pagpayat: Anu-Ano Ang Sintomas at Epekto Nito?

Para sa maraming tao, ang ideya ng mabilis na pagbaba ng timbang ay nakaka-excite. Ngunit ang sobrang pagpayat ay maaaring makasama sa iyong kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit ang mabilis at sobrang pagpayat ay karaniwang hindi inirerekomenda ng mga propesyonal.

Ang pagbaba ng timbang ay dapat gawin nang unti-unti at ligtas.

Ngunit bago tayo makarating doon, pag-usapan muna natin kung ano ang nangyayari sa’yong katawan kapag pumayat ka ng sobra.

Mga Sintomas ng Sobrang Pagpayat

Pagdating sa malusog at sa sustainable na weight loss, ang susi dito ay gawin itong mabagal at matatag. Ideally, dapat kang mawalan ng mga 1 hanggang 2 pounds bawat linggo. Maaaring magmukang slow pace, ngunit ang paggawa nito nang dahan-dahan ay makatutulong na masigurado na maaabot mo ang iyong layunin sa pagpapababa ng timbang, at pagpapanatili ng timbang.

Ang mga taong sobra sa timbang o napakataba ay karaniwang gustong makakita ng mga resulta nang mabilis. Pagkatapos ng lahat, ang pagdidiyeta at pag-eehersisyo ay maaaring maging mahirap kung hindi ka sanay na gawin ito araw-araw.

At ang kadalasan na nangyayari sa mga tao na mabilis na pumayat, at nakikita ang magagandang resulta ay sa paglipas ng panahon, sila ay nagiging maluwag sa kanilang diet. Dahil dito, unti-unti silang humihinto sa pag-eehersisyo. Pagkatapos, sila’y babalik sa dating habit at tataba na naman.

[embed-health-tool-bmi]

Risks ng Yoyo Dieting

Sa oras na na-realize nila ito, muli nilang susubukan na pumayat nang mabilis, para lamang sa paulit-ulit na pangyayari. Ito’y kilala bilang yo-yo dieting at isa sa mga karaniwang problema na kinakaharap ng mga taong sinusubukang magbawas ng timbang.

Ang isa pang posibleng problema ay ang iyong katawan na maaaring hindi makasabay sa sobrang pagpayat. Kung magcu-cut out ka ng masyadong maraming calories sa iyong diyeta, at ipares ito sa matinding ehersisyo, sigurado na mas mabilis kang makakita ng mga resulta, ngunit maaaring magdusa ang iyong katawan ng ilang malalang problema, tulad ng mga kakulangan sa nutrisyon.

Ang iyong kalusugan ay maaaring maging mas malala pa kumpara noong ikaw ay sobra sa timbang! Kaya’t mahalagang i-pace ang iyong sarili at huwag i-overexercise ang iyong katawan, lalo na pagdating sa pagbaba ng timbang.

Sobrang Pagpayat: Mga Sintomas na Dapat Abangan

Narito ang ilang posibleng rapid weight loss side effect at sintomas na kailangan mong malaman:

Kawalan ng muscle mass

Ang ilang mga pag-aaral ay nagmumungkahi na ang low-calorie na diyeta ay maaaring maging dahilan ng pagkawala ng muscle mass. Ito ay kahit pa ikaw ay nag-eehersisyo. Nangangahulugan ito na sa halip na gawing mas malusog ang iyong katawan ay ginagawa nitong mas mahina.

Ang layunin nito ay para bawasan ang dami ng taba sa iyong katawan habang pinapataas ang muscle mass. Kaya dapat mong subukang iwasan ang mga diyeta na nagcu-cut out ng maraming calorie o protina at iwasang magutom ang iyong sarili kapag nagda-diet.

Mga kakulangan sa nutrisyon

Kung kumain ka ng mas kaunting calories para mawalan ng timbang, maaari kang magdusa mula sa mga kakulangan sa nutrisyon bilang resulta.

Ang pagkain ng mas kaunting calories ay karaniwang nangangahulugan ng pagkain ng mas kaunting pagkain. Dahil dito, maaaring hindi ka kumukuha ng tamang nutrients na kailangan ng iyong katawan.

Ang mga tao ay karaniwang kumukuha ng vitamin supplements bilang isang paraan para kontrahin ito. Pero ang pag-inom ng mga supplement ay hindi palaging sapat. Ang ilang mga uri ng mga sustansya ay mas mahusay kung kinuha sa pamamagitan ng pagkain, dahil ang katawan ay madaling mag-absorb at magproseso ng mga sustansyang ito.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng mga kakulangan sa nutrisyon, siguraduhing kumain ng malusog, at huwag mag-cut out ng masyadong maraming calories mula sa iyong diyeta.

Pagbagal ng iyong metabolismo

Para makapagbawas ng timbang, karaniwang binabawasan ng mga tao ang calories na kanilang kinukuha. Tamang-tama ito, dahil kung kumain ka ng mas kaunting mga calorie kaysa sa mga nasusunog mo, papayat ka.

Gayunpaman, ang ilang mga tao ay may posibilidad na gawin ito nang higit pa, at subukang magbawas ng mas maraming calories mula sa kanilang diet. Ito’y maaaring maging isang magandang ideya, ngunit sa katotohanan, ginagawa lamang nito na mas mahirap na mawalan ng timbang.

Ito’y dahil ang isang problema sa pagkakaroon ng masyadong kaunting calories sa iyong diet ay maaaring isipin ng iyong katawan na ikaw ay nagugutom. Kung mangyari ito, aktibong susubukan nitong pabagalin ang iyong metabolismo para maiwasan ka sa sobrang pagpayat.

Ang isang mabuting paraan para maiwasan ang sobrang pagpayat at maiwasan ang mga sintomas nito ay kumain ng mas kaunti. Ngunit hindi rin naman dapat masyadong kaunti. Ang portion management ang susi pagdating sa pagdidiyeta. Ang kailangan mo ay kumain ng tamang dami ng pagkain bawat araw para ligtas kang pumayat.

Pagbaba ng sugar level

Ang mababang lebel ng blood sugar ay isa sa rapid weight loss side effects. Nangyayari ito kapag biglang nawalan ka ng sapat na sugar sa’yong diyeta, at nagsimula ka nang makaramdam ng pagkahilo o nauseous bilang resulta.

Karaniwan itong nangyayari dahil sa crash diets at sintomas ng pagbaba ng sobrang timbang.

Pagkapagod

Ang pagkapagod o panghihina ay isa pang sintomas ng pagbaba ng sobrang timbang. Nangyayari ito dahil ang iyong katawan ay biglang nagkaroon ng mas kaunting mga reserbang calorie, na nangangahulugan na wala kang sapat na ‘gasolina’ para sa iyong pang-araw-araw na gawain.

Ang pagkapagod ay maaari ring mangyari kung ipapares mo ang crash dieting sa matinding ehersisyo, na nagiging dahilan ng panghihina, pagod, at kulang sa enerhiya.

Gallstones, o Bato sa Apdo

Panghuli, ang gallstones ay maaari ring maging isang sintomas ng pagbaba ng sobrang timbang.

Ang mga gallstone ay nabubuo kapag ang apdo ay nagsimula na mag-build up sa pancreas, na bumubuo ng mga gallstones sa paglipas ng panahon. Nangyayari ito kapag walang sapat na carbohydrates sa diyeta ng isang tao, kaya ang apdo ay nagsisimulang mag-build up sa pancreas.

Kaya mahalaga na iwasan ang mga diyeta na ganap na nag-aalis ng carbohydrates dahil ito ay maaaring maging sanhi ng pagbuo ng gallstones ng isang tao.

sobrang pagpayat

Key Takeaways

Ang pagkakamit ng iyong ideal na timbang ay lubos na hinihikayat para lalong mapanatili ang mabuting kalusugan at matiyak ang isang mas mahusay na kalidad ng buhay. Matutugunan mo ang iyong mga isyu sa timbang gamit ang tamang diyeta at ehersisyo, at magandang pagbabago sa lifestyle. Gayunpaman, mag-ingat sa labis na pagkahumaling sa ehersisyo at diyeta dahil maaari itong maging mas malaking stress sa iyong katawan.
Ang pagbaba ng timbang na humigit-kumulang 1 hanggang 2 pounds sa isang linggo ay mabuti. Ito ay dahil binibigyan nito ng oras ang iyong katawan na umangkop sa mga pisikal na pagbabago. Ang masyadong sobrang pagpayat ay maaaring humantong sa pagkakaroon mo ng masamang pakiramdam. Kumonsulta sa’yong doktor, dietitian, o trainer para matulungan ka sa mas mahusay na sustainable weight loss plan.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Losing weight guide | healthdirect, https://www.healthdirect.gov.au/losing-weight-guide, Accessed July 24 2020

Should you lose weight fast? – NHS, https://www.nhs.uk/live-well/healthy-weight/should-you-lose-weight-fast/, Accessed July 24 2020

Fast weight loss: What’s wrong with it? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/expert-answers/fast-weight-loss/faq-20058289, Accessed July 24 2020

Losing Weight | Healthy Weight | CDC, https://www.cdc.gov/healthyweight/losing_weight/index.html, Accessed July 24 2020

Weight-Loss and Maintenance Strategies – Weight Management – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK221839/, Accessed July 24 2020

Diet & Weight Loss – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/topics/diet-and-weight-loss, Accessed July 24 2020

Food and Diet | Obesity Prevention Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/obesity-prevention-source/obesity-causes/diet-and-weight/, Accessed July 24 2020

Why you shouldn’t lose weight too quickly | The Independent, https://www.independent.co.uk/life-style/health-and-families/weight-loss-quick-why-not-healthy-good-workout-fad-diets-a8042321.html, Accessed July 24 2020

What is healthy and what is not | The Times of India, https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/health-fitness/weight-loss/losing-weight-too-fast-can-be-very-dangerous-heres-why/photostory/66040948.cms?picid=66041024, Accessed July 24 2020

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement